First Aid Tips: Mga Dapat Gawin Kapag May Inatake sa Puso

February 27, 2018

Ayon sa mga doktor, isa pa rin ang cardiovascular disease sa mga pinaka karaniwang sakit na nakukuha ng mga Pilipino. Kasama dito ang myocardial infraction (MI) o heart attack, ang kondisyon kung saan may biglaang pagtigil ng daloy ng dugo sa puso, dala ng isang blood clot. Itinuturing na medical emergency ang heart attack. Mabilis dapat ang pag gamot dito, para maiwasan ang malulubhang epekto na pwede nitong dalhin. Dapat ay alam natin ang mga sintomas ng atake sa puso, at kung ano ang dapat gawin kapag tayo o ang kasama natin ay nag karoon nito.

Mga Pang unahing Sintomas ng Heart Attack

Para malaman kung inaatake na sa puso ang isang tao, abangan ang mga sintomas na ito:

  • Pagkakaroon ng pressure, pagbigat, o kirotsadibdib o braso, napwedengkumalatsaleeg,likod, o panga
  • Mabilis at irregular na heartbeat
  • Impatso (indigestion), heartburn o sakitsatiyan
  • Pagsusuka at biglaangpagkahilo
  • Pamamawis o cold sweats
  • Labis na panghihina ng katawan o fatigue
  • Pagkawala ng hininga

undefined

Ang mga senyales na ito ay karaniwang tumatagal ng 30-minuto, at pwedeng lumala habang tumatagal. Kung nakakaramdam ng kahit isa sa mga sintomas na ito, tumawag kaagad sa emergency numbers, o tumakbo sa pinakamalapit na ospital para agarang magamot.

Pagkakaiba ng SintomasnaNararamdaman                 

Kahit na may mga karaniwang sintomas ang atake sa puso, hindi 100% ng mga pasyente ay makakaramdam nito. Minsan, maymakakaranas ng kaunting sakit lamang, pero meron ring magkaka-severe pain. May mga kasorin kung saan nagpapakita ang sintomas ng ilang araw o linggo bago ang mismong atake. Sa ganitong pagkakataon, ang pinaka maagang babala ay ang paulit-ulit napananakit ng dibdib o angina, na nag-uumpisa kapag gumalaw at nawawala kapag nagpahinga. Huli, may mga heart attack patients na asymptomatic – ibig sabihin, hindi talaga sila magkakaroon ng sintomas hanggang sa mismong atake na.

Hindi lang sa tindi at oras ng sintomas nagkakaiba ang mga heart attack patients. Napagkaalaman ng mga eksperto na may panahon kung kailan may kaibahan rin ang sintomas na nararanasan ng mga lalaki at babae. Sa mga lalaki, ang madalas nilang nararamdaman ay ang mga karaniwang heart attack symptoms, katulad ng chest pain. Pero sa mga babae, hindi lahat ang nakakaranasnito. Malimit, napapansin ng mga babaeang:

  • Unusual fatigue (Pambihirang pagod na tumatagal ng ilang araw, o ang biglaang matinding pagod)
  • Sleep disturbances (Hirapsapagtulog)
  • Anxiety o feeling of impending doom (Pag-alala at pagigingkabadonabaka may masamangmangyari)

Dahilsamgakaibahannaito, mahalaganamagingalerto, para angmgaunangsintomas pa lamang ay mabigyang pansin na kaagad.

Ano ang dapat gawin?

Kung ikaw o angkasamamo ay inaatakenasapuso, importantengtandaanangmga first aid tips naito:

Pumunta kaagad sa ospital

undefined

‘Wag nanghintayinnahumupaangsintomas ng heart attack. Tumawagkaagadsa emergency number omagpadalasaospital. Siguraduhinnaibangtaoangmagdadalasaiyosaospital, ‘wag pumuntadoon ng mag-isa.

Uminom ng aspirin

Ilangpag-aaralnaangnagsasabinamalakiangbenepisyo ng aspirin samgainaatakesapuso. Kung walang allergy dito, ngumuya ng isangpiraso (ang 325-mg na aspirin ay sapatna) at uminom ng tubig para malunokangdurog-durognatableta. Sapaggawanito, mabilisnakakalatang aspirin sakatawan at bibilisangepektonito. Ang aspirin ay tumutulongsapagtunaw ng blood clot nanabuo, bago pa itogumawa ng permanentengsirasapuso.

Uminom ng nitroglycerin (kunginireseta)

Ang nitroglycerin ay isanggamotnanagpapatigil ng chest pain o angina, at nagbubukas ng blood vessels para gumandaangdaloy ng dugo. Nireresetaitosamgapasyentenailangbesesnangnagka-angina. Kung may reseta para dito, inuminang nitroglycerin ayonsapayo ng doktor para maibsanangsakit.

Umupo at manatilingkalmado

Maging kalmado lang habang nag hihintay ng doktor. Ang anxiety o pagiging kabado ay nagdadagdag ng stress sa puso, at maaring magpalala ng atake. Humingal amang, umupo o humiga, at luwagan ang mga masisikip na suot.

Bukod sa mga tips naito, siguraduhinrin namarunong mag-CPR, o Cardiopulmonary Resuscitation. Napakahalaganito para tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo sa katawan, sa panahon na hindi makayanan ng puso.  Umpisahan ito kung walang nang malay ang pasyente at kung hindi nasiya makahinga. May tatlong importanteng parte ang CPR - ang C-A-B o chest compressions, airway, at breathing. Narito ang mga hakbang ng CPR:

  • Chest Compressions: Ilagay ang mga kamay sa dibdib ng pasyente, at tiyakin na pag kapatong ang dalawa. Diinanangdibib, gamitangbigat ng katawanbilangsuporta. Angpagdiin ay dapatmalalim (at least 2 inches), at angbilis ay abotdapat ng 100 compressions o pagdiinkadaminuto. Para may simplenggabay para sa chest compressions, tandaanito: “Push hard and fast.”
  • Airway: Tinganangbibig ng pasyente para makitakung may bagay o foreign object nanakabarasakanyang airway.
  • Breathing: Mataposang 30 compressions, bigyan ng dalawang rescue breaths angpasyente. Pisilinangdalawangbutas ng ilong para sumara, at ilapatangbibigsaibabaw ng bibig ng pasyente, para saradong-saradoito. Huminga ng dalawangbeses, at pagkataposulitinang compressions.

Ituloyangmgahakbang ng CPR hanggangmakaratingangdoktor, o hanggangmakakita ng senyales ng pagbalik ng malay, katulad ng pag-ubo, pagbukas ng mata, o paghinga ng mag-isa.

Ang heart attack ay isang mangseryosong medical condition, pero pwedeng maiwasan ang mga negatibong resulta nito. Alalahanin lamang ang mga karaniwang sintomas sa parehong lalaki at babae, at ang mga hakbang na dapat gawin bilang first aid.

References:

  • https://www.bhf.org.uk/heart-health/how-to-save-a-life/what-is-cpr
  • http://business.inquirer.net/200169/do-you-know-how-many-filipinos-die-daily-from-heart-attack-and-stroke
  • https://emedicine.medscape.com/article/1344081-overview#a1
  • https://www.health.harvard.edu/heart-health/does-aspirin-stop-a-heart-attack
  • https://www.healthgrades.com/explore/first-aid-for-a-heart-attack-what-should-you-do
  • https://www.healthline.com/health/heart-disease/heart-attack-symptoms#symptoms-in-women
  • https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-attack/symptoms-causes/syc-20373106
  • https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-heart-attack/basics/art-20056679
  • https://www.nhs.uk/conditions/heart-attack/
  • https://www.redcross.org/take-a-class/cpr/performing-cpr/cpr-steps
  • https://www.webmd.com/heart-disease/guide/heart-disease-heart-attacks#1
  • https://www.webmd.com/heart-disease/nitroglycerin-chest-pain#1