Ang Epekto ng Emosyon sa Ating Puso

February 20, 2021

May mga pag-aaral na ngayong makakapagpatunay na may kaugnayan ang ating mga emosyon sa kalagayan ng ating puso. Napag-alamang may koneksyon ang stress, pagdadalamhati, at mga mental disorder gaya ng depression sa causes of heart attack o heart problems.

 

Karamihan sa ating mga negative emotions at reactions ay nanggagaling sa stress. Iba-iba ang pagtugon natin sa maraming factors na nagdadala ng stress, kaya naman kailangang maintindihan natin kung paano nito naaapektuhan ang ating puso.

 

 

Paano naaapektuhan ng emotions at stress ang heart health?

 

Kapag nakakaranas ng matinding emosyon gaya ng galit, tension, takot, at pagkabalisa, naglalabas ang katawan ng stress hormones gaya ng cortisol at adrenaline. Hinahanda ng mga ito ang katawan para harapin ang stress.

 

Dahil din sa hormones na ito, bumibilis ang tibok ng puso at naninikip ang blood vessels para makapagpadala pa ng dugo sa puso. Bukod dito, tumataas din ang blood pressure at blood sugar levels.

 

Kapag wala na ang stressor, dapat bumalik na sa normal ang heart rate, blood pressure, at blood sugar. Kaya lang, kung laging nahaharap sa stress na nakakapag-trigger ng matinding emosyon, posibleng tumaas ang risk sa pagkakaroon ng heart problems.

 

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/little-asian-girl-feel-boring-on-1473715925

 

Kung minsan ay naka depende rin sa ating reactions sa stress ang kalusugan ng ating puso. Kapag unhealthy ang mga paraan para makapag-cope sa stress, maaaring humantong ito sa mga komplikasyon sa puso. Iwasan ang ganitong mga reaksyon kapag nahaharap sa stress:

 

  • Overeating – Kilala rin sa tawag na stress eating, iwasang kumain nang maraming unhealthy food para makaiwas sa long-term effects ng mga ito sa katawan.

 

  • Pag-inom ng alak at paninigarilyo – Ang mga ito at iba pang masamang bisyo ay hindi dapat ginagawang takbuhan kapag nakakaranas ng matinding stress. Kasama ang mga ito sa mga karaniwang causes of heart attack.

 

  • Pagtatago ng nararamdaman. Ang hindi pagsasabi ng nararamdaman o paglalabas ng emosyon ay delikado para sa puso. Dahilan ito para mawalan ng gana sa kahit anong physical activity, pagkain, at pakikisalamuha. Ang mga ito ay hindi nakakabuti para sa physical, mental, at social health ng isang tao.

 

 

Ano ang pwedeng gawin para ma-manage ang emotions?

 

Ang positibong pag-handle sa emotions ay susi sa stress management. Makakatulong din ang mga sumusunod na paraan para maingatan ang puso laban sa mga komplikasyong dala ng stress:

 

  1. Deep breathing at meditation – Ang simpleng paghinga ng malalim ay nakakatulong sa pagpapakalma ng ating mga emosyon. Ang meditation naman ay nakakapag sentro sa ating kamalayan palayo sa mga bagay na nagsasanhi ng ating stress.

 

  1. Regular na ehersisyo – Kapag nakakaramdam ng matinding emosyon, ibuhos ito sa pag-eehersisyo. Maglakad, mag-jogging, mamisikleta, o kaya ay mag-gym. Mailalabas ang mga naipon na enerhiya mula sa adrenaline at maiibsan ang stress na nararamdaman.

 

  1. Relaxation – Malaki ang nagagawa ng pagpapahinga sa pagma-manage ng stress. Maaaring mag-leave muna sa school o trabaho para makapag-relax, o kaya naman ay gumawa ng activities na kinahihiligan para bumaba ang emosyon laban sa stress.

 

 

Kung ginawa na ang mga nasabing hakbang at nangangailangan pa rin ng ibang treatment, huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor kung ano pa ang pwedeng gawin para hindi makaapekto sa heart health ang emotions at stress. Natural lang ang mga ito, pero naaagapan din ang komplikasyong maaaring kalakip.

 

Sources:

 

https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=134&ContentID=165