Marami ang klase ng headache o sakit sa ulo at may iba’t-ibang dahilan kung paano nakukuha at nagagamot ito. Isa lang ang pagkakapare-parehas ng iba’t-ibang klase ng headache – masakit ito sa ulo kaya ang taong nakararanas nito ay naaabala sa mga kailangan nilang gawin.
Naaabala ka ba ng pabalik-balik na sakit sa ulo at pananakit ng mata? Baka migraine na yan.
Ano ang migraine?
Ang migraine ay isang uri ng sakit sa ulo na pabalik-balik. Pakiramdam mo ay tumitibok ang gilid ng iyong ulo o sintido. Ang pananakit na ito ay tumatagal ng mula apat na oras hanggang tatlong araw.
Sanhi ng migraine
May paniniwala ang mga eksperto na ang migraine ay namamana o genetic. Maliban diyan, may mga iba pa ring sanhi ang nakakaabalang headache na ito:
- Stress
- Anxiety
- Kakulangan o sobra sa pagtulog
- Hormonal change sa mga kababaihan
- Sobrang liwanag, ingay o matapang na amoy
- Pabago-bagong panahon
- Kapag nasobrahan sa physical activity o pagod (overexertion)
- Paglaktaw sa oras ng pagkain
- Sobrang pag-inom ng iba’t-ibang klase ng gamot o medication
- Paninigarilyo
- Kapag nasobrahan sa paginom ng kape
- Pagkain na may additives o artipisyal na sangkap
- Dehydration o kakulangan sa tubig
Sintomas ng migraine
- Sumasakit ang ilang parte ng ulo o sintido
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Pagiging sensitibo sa liwanag, amoy, o ingay
- Pananakit ng mata at pagkalabo ng paningin
- Pagkawala ng gana kumain
- Kung minsan ay nilalagnat
Kapag nakakakita ng mga zigzag patterns (fortification spectra), maliliwanag na ilaw (scintilla), at ang pagkakaroon ng blind spots (scotomas) o kapag may kulang na parte sa ating paningin.
Uri ng migraine
Ang migraine ay may iba’t-ibang klase at ang mga sintomas o senyales na nabanggit ay pwedeng maranasan depende sa uri nito
- Migraine na may kasamang aura
Ito ay kapag may nararanasang aura – katulad na lamang ng paningin na may mga blind
spots (scotomas) - bago maranasan ang matinding pananakit ng ulo.
- Migraine na walang kasamang aura
Ito naman ay ang biglaang pananakit ng ulo na walang babala o senyales na ikaw ay
magkaka-migraine.
- Migraine na hindi sumasakit ang ulo
Tinatawag din itong “silent migraine” kung saan nararanasan ng may sakit ang mga aura
ngunit hindi sumasakit ang ulo pagkatapos nito.
Ito ay uri ng migraine kung saan matindi ang sakit ng iyong ulo na tumatagal ng15 days pataas.
Bihira lamang ito ngunit ang taong may migraine na ito ay nakararanas ng paralysis o pansamantalang pagkalumpo kung saan hindi niya kayang igalaw ang apektadong bahagi ng katawan.
Mga kailangang gawin kapag madalas ang pagsakit ng ulo:
- Tamang pagtulog at pahinga
- Maglagay ng yelo sa bahagi ng ulo na sumasakit
- Matutong mag-manage ng stress
- Uminom ng maraming tubig
- Uminom ng pain relievers tulad ng Ritemed Paracetamol o Ritemed Paramax
May Ritemed ba nito?
Mga dapat malaman tungkol sa Ritemed Paracetamol:
Para saan ang Ritemed Paracetamol?
Ang gamot na ito ay para sa sakit sa ulo, sakit sa likod, masakit na puson, muscle pain,
toothache, arthritis pain, o ano mang sakit na dala ng sipon at trangkaso.
Mga paalala sa tungkol sa gamot:
- Huwag lalagpas sa walong tabletang iinumin sa loob ng isang araw
- May ingredient na warfarin ang gamot na ito na maaaring magresulta ng pagdurugo
Bukod sa RM Paracetamol, pwede ring inumin ang Ritemed Paramax (Ibuprofen at Paracetamol). Narito ang mga detalye tungkol sa produkto:
Para saan ang Ritemed Paramax?
Ito ay para sa mild hanggang sa severe na level ng pananakit na kadalasang nagmumula kapag may problema sa kasu-kasuan (joints and muscle). Dahil ito ay may paracetamol, pwede rin itong inumin para sa sakit sa ulo, puson, ngipin, o para sa mga nanggaling sa minor surgery.
Mga paalala tungkol sa gamot na ito:
- Hindi ito pwede sa mga batang may edad na 12 pababa
- Huwag iinumin ng lagpas sampung araw, maliban na laman kung nireseta ng inyong doktor
- Huwag lalagpas sa anim na tabletang iinumin sa loob ng isang araw
References:
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/headache
https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-sakit-ng-ulo
https://www.ritemed.com.ph/articles/ibat-ibang-klase-ng-headache-sa-mga-bata
https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-lalabanan-ang-sakit-ng-ulo
https://www.nhs.uk/conditions/migraine/
https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-headache
https://www.ritemed.com.ph/articles/5-tips-para-makaiwas-sa-sakit-ng-ulo
https://www.webmd.com/migraines-headaches/migraines-headaches-basics#1
https://www.nhs.uk/conditions/migraine/causes/