Mga Uri ng Sakit sa Ulo at Leeg

April 05, 2019

Maraming klaseng “headache” o sakit sa ulo ang nararanasan ng tao.

Mayroong halos mamilipit ka sa sobrang sakit at mayroon naman na kayang indain. May sakit sa ulo na nawawala pagkatapos ng ilang minuto at meron namang tumatagal ng ilang araw.

Ang isa sa pinaka-nakakainis na sakit sa ulo ay yung nararamdaman sa batok na umaabot hanggang leeg at likod.

Ano ang mga uri ng sakit sa ulo at leeg?

Tension headaches

undefined

https://www.123rf.com/stock-photo/headache_asian.html?oriSearch=headache&sti=lotzh13gun66qooemi|&mediapopup=41979679

 

Kapag nai-stress ang isang tao, maaari siyang magkaroon ng tension headache kung saan parang may “clamp” na umiipit sa ulo. Ito ang pinaka-karaniwang uri ng sakit sa ulo at kadalasang nararanasan ng mga adults.

Migraines

Ang migraine ang isa sa pinakamasakit na uri ng headache. Ang mga sintomas ng migraine ay:

  • Matinding pressure sa sentido
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Pagluluha
  • Pagiging sensitibo sa ingay at liwanag

Arthritis

Kapag may arthritis o pamamaga at sakit sa batok at leeg, nagdudulot ito ng matinding sakit sa ulo. Ang pananakit ay lalong tumitindi kapag ginagalaw ang leeg.

Herniated disks

Kapag may problema ang tinatawag na “herniated disks” sa bandang leeg, maaaring magdulot ito ng sakit sa ulo. Mararamdaman na parang may mabigat na pressure sa ulo at tumitindi ang pananakit na ito kapag nakahiga.

Occipital neuralgia

Kapag may pinsala ang mga nerves sa gulugod papuntang anit, maaaring makaranas ng pananakit sa ulo. Dahil napakatindi ng sakit na mararamdaman, madalas napagkakamalan itong migraine.

Cluster headaches

Kapag sunud-sunod ang mga headache na nararanasan, tinatawag silang “cluster headches”. Bagama’t bihira ito mangyari, ang cluster headaches ay maaaring tumagal ng ilang linggo hanggang isang buwan.

Ano ang gamot para sa sakit ng ulo at ng leeg?

Maaaring inumin ang mga sumusunod ng ayon sa payo ng iyong doktor:

RiteMED Paracetamol -para sa headaches o sakit ng ulo at lagnat

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paracetamol-500-mg-tab

Ritemed Mefenamic acid -Para sa sakit ng katawan at muscles

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-mefenamic-acid-500-mg-tab

Ritemed Paramax – Para sa sakit ng katawan

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paramax-ibuprofen-paracetamol-200-mg-325-mg-tab

IMPORTANTE: Kumunsulta muna sa doktor bago bumili ng anumang gamot.

 

Paano malalaman kung kailangan mo nang magpatingin sa doktor?

Magpakonsulta agad kapag maranasan mo ang mga sumusunod:

  • Sakit sa ulo na mahirap nang tiisin,
  • Sakit sa ulo  na lumalala
  • Biglang nagbabago ang mood at nagiging irritable
  • Problema sa pananalita
  • Panghihina o pamamanhid ng katawan
  • Matinding pananakit sa ulo pagkatapos mabagok o mahampas sa ulo

Ano ang dapat gawin para maibsan ang pananakit sa ulo at leeg?

  • Magpahinga sa isang tahimik at madilim na silid
  • Mag-breathing exercise – Huminga papasok ng malalim gamit ang ilong. Pigilin ang hinga ng 4 na segundo. Tapos dahan-dahang ilabas ang hangin. Ulitin hanggang ma-relax
  • Magpa-massage ng ulo at leeg
  • Maglagay ng cold o hot compress kung saan may pananakit
  • Inumin ang gamot na inireseta ng doktor

 

References:

https://www.healthline.com/health/pain-in-back-of-head

https://www.health.harvard.edu/pain/headache-when-to-worry-what-to-do

https://www.mayoclinic.org/symptoms/headache/basics/definition/sym-20050800

https://brighamhealthhub.org/spine/that-headache-may-be-a-pain-in-the-neck

https://health.clevelandclinic.org/poor-posture-hurts-your-health-more-than-you-realize-3-tips-for-fixing-it/

https://www.webmd.com/migraines-headaches/tension-headaches#1

https://www.webmd.com/migraines-headaches/common-headaches-17/tension/slideshow-headache-relief