Mahalaga ang role na ginagampanan ng mga kamay sa ating pang araw-araw na buhay. Malaking porsyento ng ating activities ay nangangailangan ng ating mga kamay para maisagawa. Bukod dito, nakasandal din ang ating kalusugan sa mga ito.
Bakit mahalaga ang hand hygiene?
Simula pagkabata, lagi na tayong pinapaalalahanan tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na mga kamay. Ito ay dahil ang mga kamay ang bahagi ng katawan na pinakamadaling kapitan ng germs, viruses, at bacteria na nagsasanhi ng sakit. At dahil may access ito sa iba pang parte ng katawan gaya ng bibig, ilong, mukha, at balat, madaling makapasok ang carrier ng mga sakit. Dito papasok ang importance of hand washing. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga mas madalas maghugas ng kamay ay mas madalang makaranas ng sakit tulad na lamang ng sipon at ubo.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon ang dapat ginagawa sa loob ng isang araw. May mga pagkakataon din na hindi ito ang proper hand washing procedure na dapat ay isinasagawa. Ngayong Global Handwashing Day, matuto ng proper hand hygiene para sa iba’t ibang sitwasyon.
Tuwing kalian dapat naghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon?
Sa katunayan, kinakailangan lamang gamitan ng tubig at sabon ang paghuhugas ng kamay kapag may dumi na nakikita ng mata sa mga ito. Ngunit dahil hindi visible sa paningin ang carrier ng mga sakit, ipinapayo na gawin ang proper hand washing sa mga oras na ito:
-
Bago, habang, at matapos maghanda o magluto ng pagkain;
-
Bago kumain;
-
Bago at matapos ma-expose o mag-alaga sa taong maysakit;
-
Bago at matapos maglinis ng hiwa o sugat;
-
Matapos magbanyo;
-
Matapos magpalit ng diaper ng bata o matapos hugasan ang bata na gumamit ng palikuran;
-
Matapos bumahing, suminga, o umubo;
-
Matapos humawak ng hayop, pakain sa hayop, o dumi ng hayop; at
-
Matapos humawak o ma-expose sa basura.
Paano ang proper hand washing procedure?
Ayon sa World Health Organization, kinakailangan tumagal ng 40 hanggang 60 seconds ang wastong paghuhugas ng mga kamay. Katumbas ito ng pagkanta ng “Happy Birthday” nang dalawang beses. Sundan ang handwashing steps na ito at ituro rin sa mga bata:
Photo from Pixabay
-
Basain ang mga kamay gamit ang malinis na tubig.
-
Sabunin nang sapat ang mga kamay para matakluban ang lahat ng surfaces ng mga ito.
-
Kiskisin ang mga palad.
-
Ipatong ang kanang palad sa likuran ng kaliwang kamay. Pagsuotin ang mga daliri sa spaces sa pagitan ng bawat isa. Kiskising mabuti.
-
Pagharaping muli ang mga palad nang nag-eekis ang mga daliri. Gamitin ang gilid ng mga daliri para sabunin ang isa’t isa.
-
Iporma ang mga kamay nang parang magkukusot ng damit ngunit hawak ang isa’t isa para sabunin ang likod ng mga daliri.
-
Hawakan ang kaliwang hinlalaki gamit ang kanang palad at sabunin paikot. Gawin din ito para sa kanang hinlalaki.
-
Kiskisin nang paikot ang palad ng isang kamay gamit ang dikit dikit na daliri ng kabilang kamay. Gawin para sa parehong kamay.
-
Banlawan ang mga kamay nang mabuti gamit ang malinis na tubig.
-
Tuyuing mabuti ang mga kamay gamit ang malinis na basahan o towel o kaya naman ay hand dryer.
Tuwing kalian naman hindi ginagamitan ng tubig at sabon ang paglilinis ng kamay?
Tinatawag na handrub ang procedure kapag hinid ginagamitan ng tubig at sabon ang paglilinis ng mga kamay. Ginagawa naman ito kapag walang visible o nakikitang dumi sa mga kamay. Ito ay paraan lamang ng good hand hygiene. Ilan sa mga oras na dapat gawin ito ay kapag:
-
Humawak ng pera;
-
Kumapit sa mga bagay na madalas hawakan din ng ibang tao gaya ng doorknob at hawakan o estribo ng jeepney;
-
Na-expose sa taong may ubo, sipon, at iba pang sakit; at
-
Napadikit ang kamay sa isang maruming surface gaya ng lamesa;
Sa pagkakataong walang available na malinis na hugasan ng kamay kapag may visible na dumi sa mga ito, pwede ring gawin ang handrub procedure. Ilan sa cleaning agents na pwedeng gamitin sa pagsasagawa nito ay ang hand sanitizer at alcohol.
Paalala: Kung na-expose sa mga kemikal o kaya naman ay sa taong maysakit, inirerekomenda pa rin na maghugas nang kamay gamit ang tubig at sabon. Pwedeng gumamit ng hand saniter o alcohol habang wala pang access sa malinis na hugasan.
Paano naman ang tamang paraan ng handrub?
Tinatayang nasa 20 hanggang 30 seconds naman ang dapat itagal ng isang handrub. Sundan naman ang steps na ito para sa wastong paggawa nito:
https://www.123rf.com/stock-photo/sanitizer.html?&sti=lszdxjx5bediememie|&mediapopup=39157245
-
Maglagay ng sapat na dami ng hand saniter o alcohol sa kamay.
-
Kiskisin nang mabuti ang mga palad sa isa’t isa.
-
Ipatong ang kanang palad sa likuran ng kaliwang kamay. Pagsuotin ang mga daliri sa spaces sa pagitan ng bawat isa. Kiskising mabuti at gawin din sa kabilang kamay.
-
Pagharaping muli ang mga palad nang nag-eekis ang mga daliri. Gamitin ang gilid ng mga daliri para linisin ang isa’t isa.
-
Iporma ang mga kamay nang parang magkukusot ng damit ngunit hawak ang isa’t isa para linisin ang likod ng mga daliri.
-
Hawakan ang kaliwang hinlalaki gamit ang kanang palad at kiskisin nang paikot. Gawin din ito para sa kanang hinlalaki.
-
Kiskisin nang paikot ang palad ng isang kamay gamit ang dikit dikit na daliri ng kabilang kamay. Gawin para sa parehong kamay.
-
Patuyuin.
Ang hand hygiene ay mahalaga sa pang araw-araw na laban natin sa mga sakit. Ang pagiging maalam at masunurin dito ay makakatulong hindi lamang sa pag-iwas sa mga karamdaman kundi pati na rin sa pagiging carrier ng mga nagsasanhi ng ganitong kondisyon. Makakabuti kung ipapaalam din ito sa mag-anak at maging mabuting halimbawa sa mga bata para maipakita ang kahalagahan ng malinis na mga kamay sa malakas na pangangatawan.
Ugaliin ding magbaon ng hand saniter o alcohol sa bag para maging handa sa anumang sitwasyon na nangangailangan ng proteksyon mula sa germs ang mga kamay. Sa pagsasagawa ng simpleng tips na ito, malaki ang nadadalang benepisyo at ginhawa mula sa pagkakasakit.
Kasabay ng paghuhugas ng kamay, ugaliin ding uminom ng vitamin C tulad na lamang ng RiteMED Ascorbic acid para magkaroon ng mas malakas na resistensya laban sa mga nakahahawang sakit.
Source:
https://www.who.int/gpsc/5may/Hand_Hygiene_Why_How_and_When_Brochure.pdf
https://www.cdc.gov/handwashing/when-how-handwashing.html
http://clsjournal.ascls.org/content/ascls/23/2/89.full.pdf