Level ng sugar at uric acid, may kinalaman sa gout?

June 19, 2019

Ang mataas na blood sugar ay isang katangian ng diabetes at ang mataas na uric acid naman ay sanhi ng gout. Ang gout at diabetes ay dalawang magkaibang sakit, ngunit mayroon itong mga koneksyon— ang pagkakaroon ng isa sa dalawa ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng parehong sakit.

Ang gout ay isang uri ng arthritis na nangyayari dahil sa hyperuricemia, o kapag dumadami ang uric acid sa dugo. Ito ay nagiging sanhi ng masakit na kasukasuan o joint pain, lalo na sa hinlalaki sa paa.

Ang type 2 diabetes naman ay nangyayari kapag ang katawan ay hindi nakakagawa o nakakagamit ng sapat na insulin, isang hormone na nagkokontrol sa blood sugar. Kapag ang sugar ay hindi lumilipat sa mga cells at nananatili lang sa dugo, ang tawag dito ay insulin resistance.

Sa paniwala ng mga eksperto, konektado ang dalawang sakit dahil unang-una, ang gout ay nagdudulot ng pamamaga sa katawan, at ang pamamaga na ito ay may kinalaman sa diabetes. Ang mga may type 2 diabetes naman ay madalas na mayroong mataas na uric acid sa kanilang dugo, na maaaring dulot ng sobrang taba sa katawan. Gumagawa ang katawan ng mas maraming insulin kapag ang tao ay overweight. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga bato na alisin ang uric acid, na siyang sanhi ng gout.

Natuklasan sa mga bagong research na malakas ang koneksyon ng dalawang kondisyong ito. Sa isang pag-aaral, nakita na ang mga pasyenteng may mas mataas na uric acid sa kanilang dugo ay mas nagkakaroon ng type 2 diabetes. Ayon sa pag-aaral na ito, sa bawat 1 milligram per deciliter (mg/dL) na pagtaas ng uric acid, tumataas ang chance ng diabetes ng 20%. Sa ibang ulat, nakita na ang mga kababaihang may gout ay may 71% chance na magkaroon ng uric acid diabetes, habang ang mga kalalakihang may gout ay mayroong 22% na pagkakataong magkaroon nito.

Gayon din sa type 2 diabetes; ipinapakita sa mga pag-aaral na ang insulin resistance ay maaari ring may papel sa pagkakaroon ng gout.

Sa kabila ng findings na ito, mahalagang idiin na hindi lahat ng may hyperuricemia ay nagkakaroon ng gout. Tumataas lang ang porsyentong maaaring magkaroon nito habang tumataas din ang level ng uric acid.

Causes of High Uric Acid

Ang kadalasang sanhi ng mataas na uric acid ay kapag hindi naaalis nang maayos ng mga bato ang uric acid sa katawan. Ang maaaring causes of increased uric acid ay mga rich foods, ang pagiging overweight, ang pagiging diabetic, ang pag-inom ng ilang diuretics na nagpapadami ng ihi, at ang pag-inom ng alcohol. Ang isang pangunahing source of uric acid ay ang diet na mataas sa purine, isang kemikal na nahahanap sa ilang pagkain at inumin.

Ang factors na maaaring maging causes of increased uric acid sa dugo ay ang mga sumusunod:

  • Genetics (mga namamanang katangian);
  • Sobrang pag-inom ng alcohol;
  • Obesity (sobrang katabaan);
  • Hypothyroidism;
  • Sobrang vitamin B3;
  • Psoriasis (isang chronic na kondisyon ng balat);
  • Pagkain na mataas sa purine, katulad ng red meat at shellfish;
  • Kawalan ng kakayahan ng bato na mag-alis ng waste sa katawan; o
  • Chemotherapy o radiation treatment para sa cancer na nagpapabilis ng release ng dead cells sa dugo.

Managing Gout

Para sa pagma-manage ng gout at uric acid diabetes, mahalagang gumawa ng mga pagbabago sa ating lifestyle.

1. Ingatan ang diet. Ang wastong diet ay susi sa maayos na pamamahala ng mga kondisyong ito. Kumonsulta sa doktor o sa isang registered dietitian para sa paggawa ng meal plans na babagay sa iyong mga hilig at pangangailangan.

2. Alamin ang mga food to avoid for uric acid, katulad ng mga matataas sa purine. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Red meat;
  • Seafood (hipon, tulya, lobster, dilis, sardinas, tawilis, atbp.);
  • Beans at peas;
  • Mushrooms; o
  • Alak at lahat ng alcoholic na inumin.

3. Sa kabila ng mga pagkaing dapat iwasan, mahalagang alamin ang mga pagkaing safe para sa may gout, gaya ng:

  • Prutas;
  • Gulay;
  • Whole grains (oats, brown rice, at barley);
  • Low-fat milk at iba pang dairy products;
  • Itlog;
  • Kape o tsaa;
  • Herbs; o
  • Plant-based oils (canola, coconut, olive, at flax).

4. Gumalaw. Ang regular na exercise ay makakatulong sa pagkontrol ng blood sugar levels at sa pagbabawas ng timbang, na siyang makakapag-alis ng sobrang uric acid sa katawan. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga exercise or gawain na makakabuti sa iyong kondisyon.

5. Manatiling hydrated. Ang pag-inom ng maraming tubig sa loob ng isang araw ang nakakatulong sa ating mga bato at sa pag-flush out ng uric acid. Sikaping uminom ng walong basong tubig sa isang araw. Dagdagan ito kapag nag-eehersisyo at iba pang nakakapawis na physical activity.

6. Tutukan ang ibang health problems. Kung ikaw ay may iba pang sakit o kondisyon bukod sa gout at diabetes, dapat ito bigyan ng sapat na atensyon. Ang high blood pressure, sakit sa bato, at obesity ay nakakapagpataas ng uric acid levels at nagiging sanhi ng atake ng gout. Dalasan ang pagpatingin sa doktor at sundin nang mabuti ang mga treatment plan na angkop sa iba pang health condition na mayroon ka.

7. Alamin ang mga available na treatment. Ang pangkaraniwang treatment para sa gout ay gamot. Ang mga gamot na ito ay para sa pagtatanggal o pagbabawas ng sakit at pamamaga ng area kung saan umaatake ang gout. Ang mga ito rin ay ginagamit sa pag-iwas sa mga darating pang atake.

Ang gamot na pipiliin at irereseta ng doktor ay nakabatay sa kalagayan ng kalusugan ng pasyente, at sa mga pangangailangan nito. Isa sa pinakakilala at pangkaraniwang gamot sa gout ay mga uric acid-lowering agent na katulad ng RM Allopurinol. Ang allopurinol ay subok na sa pagiging mabisa na treatment para sa hyperuricemia, at pati na rin sa urate nephropathy, o ang mabilis na paghina ng bato nang dahil sa mataas na uric acid sa ihi.

Bagama’t masakit ang mga sintomas ng gout, mahalagang malamang nalulunasan ito ng tamang pagkain at ng pagsunod sa wastong diet at treatment. Ang pagkakaroon din ng tamang pagbabago sa lifestyle ay malaki ring tulong sa ikagiginhawa ng pasyente.

Sources:

https://www.webmd.com/diabetes/the-link-between-diabetes-and-gout#3

https://www.webmd.com/arthritis/gout-diabetes-connection#1

https://www.mayoclinic.org/symptoms/high-uric-acid-level/basics/causes/sym-20050607

https://www.arthritis.org/living-with-arthritis/tools-resources/expert-q-a/gout-questions/food-for-gout.php

https://www.hopkinsarthritis.org/arthritis-info/gout/gout-treatment/