Ang gonorrhea ay isang sexually-transmitted disease (STD) na maaaring makuha ng lalaki at babae. Sa Pilipinas, ang gonorrhea ay mas kilala bilang “tulo” samantalang sa ibang bansa, ito ang tinatawag na “the clap.”
Sanhi ng gonorrhea
Ang sakit na gonorrhea ay nagmumula sa isang impeksyon ng bacterium Neisseria gonorrhoeae. Ang impeksyon na ito ay maaaring pagmulan ng madaming komplikasyon.
Sintomas ng gonorrhea
Ang taong may gonorrhea ay kadalasang nakararanas ng pananakit sa kanyang ari. Maliban dito, siya ay nagkakaroon ng iba-t-ibang problema at kumplikasyon sa katawan: mula sa mata, lalamunan hanngang sa mga joints.
Para sa mga kalalakihan, heto ang mga posibleng maramdaman:
- Masakit ang pag-ihi
- Problema sa ari
- Pananakit ng mata
- May lumalabas sa mata na parang nana
- Napapadalas ang pag-ihi
Para sa mga kababaihan:
- Pananakit tuwing magtatalik
- Pagdurugo pagkatapos ng pagtatalik
- Pamamaga ng ari
- Pagdurugo kahit walang period
- May lumalabas sa ari na manilaw-nilaw at amoy mabaho
- May lumalabas sa mata na parang nana
https://www.123rf.com/stock-photo/gonorrhea.html?&sti=nv5jn7079zbi2s38w5|&mediapopup=107619523
Paano nalalaman ng doktor kung ikaw ay mayroong gonorrhea?
- Urinal test
- Fluid discharge test kung saan sinusuri ang likidong lumalabas sa iyong ari
Paano maka-iwas sa gonorrhea?
Labis na nakakahawa ang sakit na gonorrhea kaya mahalaga ang ibayong pag-iingat. Heto ang pwede mong gawin para maka-iwas sa gonorrhea:
- Mag-schedule ng regular screening sa doktor para sa iyo at para sa mga iyong partner. Maaaring i-rekomenda ang paggamit ng antibiotics gaya ng doxycycline para labanan ang infection.
Maaaring maipasa ang gonorrhea sa dinadalang sanggol
Kung ikaw ay nagbubuntis at nagkataong may gonorrhea, magpa-konsulta agad sa doktor. Ang mga STD gaya ng gonorrhea ay maaaring makaapekto sa kalusugan at development ng baby, gaya ng:
- Impeksyon sa mata na maaring ikabulag ng bata
- Impeksyon sa joints
- Impeksyon sa dugo
- Pagkakalaglag ng sanggol
- Premature na panganganak
Bagama't ang gonorrhea ay nagagamot, mahalagang alagaan ang sarili para hindi tayo dapuan ng sakit na ito at para hindi tayo makahawa ng iba.
May RiteMed ba nito?
Ang isa sa mga gamot na maaaring irekomenda ng doktor para sa gonorrhea ay ang RM Cefuroxime Axetil. Mainam din itong panlaban sa mga sumusunod:
- Acute sinusitis
- Acute otitis media
- Acute tonsillopharyngitis
- Uncomplicated skin and skin structure infections including furunculosis, pyoderma and impetigo
- Uncomplicated urinary tract infections including pyelonephritis
- Early Lyme disease (erythema migrans)
- Step down treatment for infections due to susceptible organisms, initially given antimicrobial therapy, particularly parenteral cefuroxime
IMPORTANTE: Ugaliing kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot.
References:
https://www.webmd.com/sexual-conditions/guide/gonorrhea#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gonorrhea/symptoms-causes/syc-20351774
https://www.medicalnewstoday.com/articles/155653.php
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-14449/doxycycline-oral/details
https://www.stdcheck.com/blog/stds-that-can-affect-unborn-babies-pregnancy/
https://kidshealth.org/en/parents/gonococcal.html
https://www.cdc.gov/std/gonorrhea/stdfact-gonorrhea-detailed.htm