Mga Dapat Malaman Tungkol sa Goiter

January 27, 2018

Ang thyroid gland ay isang hugis paru-parung gland na matatagpuan sa ating lalamunan. Ang pamamaga at pananakit na nararamdaman dito ay epekto ng tinatawag na goiter. Dahil sa pamamaga, ang mga nakakaranas ng goiter ay kadalas kinakikitaan ng malaking leeg. Dagdag pa riyan ay sakit at hirap sa paghinga at paglunok ang nararanas ng mga mayroon nito. May mga klase ng goiter na maaaring mawala makalipas ang ilang linggo gunit meron ring klase ng goiter na pangmatagalan.

Posibleng maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Mahalaga ang pagkakaroon ng nga sapat na nutrient sa ating katawan na siya namang makukuha sa ating mga kinakain. Kabilang sa mga nutrients na magandang panlaban sa sakit na goiter ay ang iodine, tyrosine, at antioxidants. Napatunayan na ng mga pag-aaral na ang pangunahing sanhi ng goiter sa mga indibidwal ay ang kakulangan ng iodine sa katawan. Ito ay epekto ng overproduction o di naman kaya ay underproduction ng thyroid hormones na pino-produce ng thyroid glands.

Maging alerto sa mga posibleng maging senyales ng goiter:
- Paglaki ng leeg
- Pagsikip ng lalamunan
- Hirap sa paghinga
- Hirap sa paglunok
- Pag-ubo
- Pamamaos

Mahalagang tandaan na ang mga senyales na nabanggit rito ay ilan lamang sa mga common na signs ng goiter. Makabubuti pa rin ang regular na pag-konsulta sa doktor o di naman kaya ay sa isang endocronologist para sa mas accurate na payo. Ganunpaman, mahalaga na malaman natin kung ano nga ba talaga ang nagiging sanhi ng kondisyon na ito. Maraming bagay na nagre-resulta sa paglaki ng thyroid gland at narito ang mga pinaka-common:

  • Kakulangan sa Iodine o Iodine Deficiency
    Malaki ang papel ng iodine sa production ng thyroid hormones sa ating katawan. Kadalasan ay ang mga seafood gaya ng shell, isda, at maging asin ang source nito. Dapat maging alerto sa hormone-inhibiting food gaya ng repolyo, brocolli, at cauliflower ang mga mayroong iodine deficiency.
     
  • Pagbubuntis
    Ang mga inang nagbubuntis ay kinakikitaan ng paglaki ng leeg dahil sa panahong ito ay bumubuo ang kanilang katawan ng human chorionic gonadotropin o HCG, isang hormone na bahagyang pinapalaki ang thyroid gland.
     
  • Graves’ Disease
    Minsan ang goiter ay resulta rin ng labis na pag-produce ng ating thyroid glands ng thyroid hormones. Kilala rin ito bilang hyperthyroidism. Inaatake ng immune system ang labis na thyroid hormones at ang overstimulation na ito ang nagreresulta sa pamamaga ng thyroid.
     
  • Hashimoto’s Disease
    Gaya ng Graves’ Disease, ito rin ay isang autoimmune disorder ngunit kabaligtaran naman ang nangyayari dito. Halip na sobrang thyroid hormone ang napo-produce ay kulang na thyroid hormones naman ang nagagawa ng mga mayroong Hashimoto’s Disease. Ang overstimulation naman ng thyroid gland mula sa pituitary gland ang nagreresulta sa paglaki ng thyroid.
     
  • Inflammation
    Ang pamamaga ng thyroid ay kilala bilang thyroiditis. Sakit at paglaki ang mga epekto nito sa bahaging ito ng katawan. Resulta naman ito ng over o underproduction ng thyroxine.
     

Kahit sino ay at risk maka-develop ng goiter. Mas mataas ang tiyansa na magkaroon nito ang mga babae, nagbubuntis, may medical history ng thyroid problem, o di naman kaya ay may iodine deficiency.

Ganunpaman, wala namang dapat ikabahala dahil posible itong maiwasan at isa sa mga pinakasimplent paraan ang ay sa pamamagitan ng ating diet. Narito ang ilang klase ng pagkain na dapat isama sa menu upang bumaba ang risk ng pagkakaroon ng goiter:

  • Kumain ng Mga Pagkaing Mataas ang Iodine
    Mahalagang tandaan na mabisang panlaban sa goiter ang iodine. Ito rin ang dahilan kung bakit prone sa pagkakaroon ng goiter ang mga may iodine deficiency. Sa diet nating mga Pilipino ay sagana na tayo sa iodine. Ang mga pinagkukunan nito ay mga lamang dagat, isda, at seaweed.

    Mataas rin ang iodine content ng mga mani at gatas. Importanteng tandaan na dapat huwag sobrahan ang pag-konsumo ng iodine dahil baka magresulta rin ito sa pagkakaroon ng komplikasyon sa katawan.
     
  • Kumain ng Pagkaing Sagana sa Tyrosine
    Ang tyrosine ay isang amino acid na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng thyroid gland. Ang mga pagkaing gaya ng mani, soya, at gatas ay kakikitaan ng micronutrient na ito. Makakain rin ito sa mga protein-rich food gaya ng isda, karne, at gatas.
     
  • Dagdagan ang konsumo ng mga pagkaing mataas ang antioxidants at Vitamin C
    Maraming mabuting epekto sa ating katawan ang Vitamin C at isa na riyan ang pagprotekta sa ating thyroid gland. Samantalang ang antioxidants naman ay tumutulong sa paglaban ng ating katawan sa mga free radicals na duma-damage sa ating mga healthy cells. Ang mga prutas gaya ng mansanas at oranges ay mayaman saa Vitamin C!

Ngayong sapat na ang ating kaalaman tungkol sa goiter, simulan na nating dagdagan ang pag-konsumo ng iodine-rich food sa ating diet. Ang goiter-free lifestyle ang best way to start the year!

Sources:

  • https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/goiter/symptoms-causes/syc-20351829
  • https://blog.paleohacks.com/top-11-goitrogenic-foods-thyroid-health/#
  • http://www.philstar.com/probinsiya/2016/01/15/1542669/pagkaing-mayaman-sa-iodine-tangkilikin-nnc