Ang goiter ay grupo ng mga karamdaman na nagdudulot ng pamamaga ng thyroid gland – isang hugis paru-parong glandula na matatagpuan sa lalamunan. Dahil sa pamamaga, nagkakaroon ng malaking leeg ang may sakit at maaaring makaranas ng kahirapan sa paghinga at paglunok at pagsikip ng lalamunan. Maaaring mawala sa loob ng ilang linggo ang sakit, ngunit pwede rin itong maging sintomas ng isang mas malubhang sakit, depende sa kung ano ang goiter na mayroon ka.
Susi sa pag-iwas sa nasabing karamdaman ay ang madalas na konsumo sa ilang sustansya, tulad ng iodine, tyrosine, at antioxidants. Mayroon ding mga gamot sa goiter na maaaring ibigay o gawin ng doktor kapag ikaw ay madapuan nito. Upang mabigyan linaw kung paano makaka-iwas, narito ang ilang tips.
Hinay-hinay sa pagkain ng cruciferous vegetables
Ano nga ba ang mga cruciferous vegetables? Halimbawa nito ang bok choi, broccoli, cabbage, cauliflower, radish, labanos, soya, at soy products. Ang mga nasabing gulay ay naglalaman ng goitrogens na isa sa mga sanhi ng goiter. Ngunit huwag mabahala – matimbang pa rin ang mga benepisyo na makukuha natin sa mga ito. Limitahan lamang ang konsumo at huwag tuluyang ipagpaliban ang mga cruciferous vegetables.
Mainam na lutuing mabuti ang mga gulay bago kainin, dahil nababawasan ang nilalamang goitrogen ng mga ito. Mayroon ding mga gulay at prutas na mababa ang goitrogen levels na maaari mong ipalit sa goitrogen foods, tulad ng bamboo shoots, peaches, strawberries, peras, spinach, mani, at kamote.
Kumain ng mga pagkaing mataas sa iodine
Ang iodine ay ang tagapamalaga ng thyroid gland at mabisang pangontra sa goiter. Tandaan na ang isa sa mga sanhi ng goiter ay ang iodine deficiency kaya kailangang dagdagan ang konsumo nito. Kumain ng mga halamang dagat tulad ng seaweed at kelp. Kumain din ng isda at iba pang lamang-dagat tulad ng hipon, talangka, at shellfish.
Ang mani, gatas, at pasas ay mataas din ang nilalamang iodine. Kung gagamit ng asin sa pagluluto, siguraduhin na ito ay iodized salt dahil mas mabuti ito para iyong goiter.
Nakakatulong man ang iodine sa pag-iwas sa goiter, ang sobra-sobrang konsumo dito ay maaari ring maging sanhi ng nasabing sakit. Magkaroon ng balanced diet upang maiwasan ang karamdaman.
Kumain ng mga pagkaing mataas sa tyrosine
Ang tyrosine ay isang amino acid na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng thyroid gland. Matatagpuan ito sa mga gulay at fibrous foods gaya ng mani, wheat, soya at soy products, buto ng kalabasa, almonds, at saging. Maliban dito, mahahanap din ito sa mga protein-rich foods tulad ng itlog, isda, at karne ng baka.
Isang magandang halimbawa ng tyrosine-rich food na maraming benepisyo para sa may goiter ay ang salmon. Hindi lamang ito mayaman sa tyrosine, naglalaman din ito ng omega-3 na pinapangalagaan ang thyroid gland at tumutulong sa pagtanggal ng bad cholesterol.
Dagdagan ang konsumo sa antioxidants at Vitamin C
Maraming dalang benepisyo ang Vitamin C sa katawan, at kabilang dito ang pagprotekta sa thyroid gland sa goiter. Gayun din ang mga antioxidant o mga sustansya na tumutulong sa pag-iwas sa cell damage, tulad ng beta carotene, lycopene, Vitamin A, at Vitamin E. Nahahanap ang mga nasabing sustansya sa mangga, bayabas, pinya, kiwi, at citrus fruits.
Alamin ang mga sanhi ng goiter
Hindi iisa ang uri ng goiter dahil ito ay klasipikasyon ng ilang sakit na nagdudulot ng pamamaga sa thyroid gland at malaking leeg. Upang maka-iwas, alamin ang mga sanhi ng goiter pati kung paano maiiwasan ang mga ito. Narito ang ilan sa mga sanhi:
Kung ikaw ay magkaroon ng goiter, huwag magdalawang-isip magpatingin sa doktor. Kanyang aalamin ang kung ano ang goiter na mayroon ka at mabibigyan ka ng angkop na gamot sa goiter o operasyon. Mapapayuhan ka rin ng mga maaari mong idagdag o baguhin sa iyong pamamaraan ng pamumuhay.
Sources: