Para Saan ang Zinc Sulfate?

June 19, 2019

Ang zinc ay isang natural na mineral na mahalaga para sa kabuuang kalusugan. Mula rito, zinc sulfate naman ang kailangan ng katawan para makaiwas sa pagkakaroon ng zinc deficiency.

Zinc Health Benefits

Ayon sa pag- aaral, maraming iba’t ibang zinc sulfate uses. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. Pinapahusay at pinapabuti ang immune function

Marami sa mga ginagamit na over-the-counter at mga natural na gamot ay nilalagyan ng zinc sa dahil sa kakayahan nitong palakasin ang ating immune function at labanan ang mga pamamaga.

  1. Kinokontrol ang blood sugar ng katawan

Kilala ang zinc bilang blood sugar controller at taga-labas ng insulin. Ang insulin ay ang hormone na responsable para madala ang sugar mula sa ating bloodstreams papuntang body tissues. Maraming pag-aaral ang nagsasabing ang zinc ay may kakayahang panatilihing normal ang blood sugar levels at maging mas sensitibo ang katawan sa insulin.

  1. Tumutulong para malabanan ang acne

Ang zinc supplements ay nakakatulong para mapabuti ang kalusugan ng balat at gamutin ang ilang mga kondisyon sa balat gaya ng acne. Nakakatulong ito para hindi mamula ang balat. Ito ay may kakayahang ayusin ang cell production at turn-over at bawasan ang dami ng nilalabas na oil ng balat. Ang zinc din ay kumikilos bilang antioxidant, hindi man gaya ng Vitamins C and E pero ito ay bahagi ng ating skin's dietary squad na nakakatulong para mapahina ang mga mapinsalang free radicals.

  1. Pinapalusog ang puso

Ang paggamit ng zinc ay nakakabawas sa panganib ng pagkakaroon ng heart disease. Ito ay may mahalagang bahaging ginagampanan para maayos ang magiging paggalaw ng calcium sa loob ng heart cells. Karaniwang ang calcium ay lumalabas sa "gates" na tinatawag na type-2 ryanodine receptors (RyR2).

Ang tamang kontrol sa mga "gates" na ito ay mahalaga dahil ang sobrang paglalabas ng calcium ay maaaring magresulta sa heart failure o fatal arrhythmias (irregular heartbeat). Ayon sa pag- aaral ay direktang nakikipag-ugnayan ang zinc sa RyR2 functions para sa paglalabas ng katawan ng mga imbakan ng calcium sa loob ng cells.

  1. Pinapabagal ang macular degeneration

Ang macular degeneration ay isa sa pinaka-karaniwang sakit sa mata na maaaring humantong sa pagkabulag. Nakakatulong ang zinc para mapabagal ang paglala ng macular degeneration dala ng pagtanda at makaiwas sa pagkawala ng paningin o pagkabulag.

Zinc Sulfate Dosage

Gaano ba karaming zinc ang dapat inumin kada araw? Mahalaga na kumonsulta muna sa iyong doktor para sa wastong zinc dosage angkop sa iyong lifestyle at health conditions.

Sa mga matatanda, ang nirerekomendang gamit ng zinc kada araw ay 15-30 mg. Mas matataas na dosage ng zinc ang madalas inirereseta sa mga mayroong partikular na sakit o kondisyon na nilalabanan, katulad ng acne, diarrhea, at mga impeksyon sa respiratory tract.

Zinc Side Effects

Marami man ang zinc health benefits, lumabas sa pag-aaral na may mga epekto rin itong kailangang bantayan. Ito ang ilan sa zinc side effects na dapat bigyang pansin:

Kapag sumobra sa 40 mg. ng zinc ang kinonsumo ng adults, maaari itong magdulot ng flu-like symptoms gaya ng lagnat, ubo, sakit ng ulo, at pagkaramdam ng pagkapagod.

Maaari ring habang kasama ang zinc sa daily supplements na iniinom ay mabawasan ang kakayahan ng katawan na tumanggap ng mineral gaya ng copper. May posibilidad din na kapag sinabayan ng antibiotics ay humina ang bisa ng gamit na antibiotics. Kaya mainam na kumonsulta muna sa doktor kung mairerekomenda ba na idagdag ang zinc sa diet.

Para mabawasan ang zinc side effects, ang zinc lang na inireseta ng iyong doktor ang inumin. Kapag agarang nakita ang kakaibang epekto nito, maaaring bawasan ang dosage ng iniinom depende sa payo ng doktor..

What is zinc good for?

Ang paggamit ng zinc ay hindi lamang para sa adults. Mayroon ding tinatawag na pediatric zinc sulfate for baby. Ang 10 mg. nito araw araw ay makabubuti sa mga sanggol na bababa sa 6 na buwang gulang. Samantala, 20 mg. naman ng zinc araw- araw ang inirerekomenda para sa batang 6 na buwan hanggang 5 taong gulang.

Ipinapaalalahanang ipakonsulta muna ito sa pediatrician. Isa sa halimbawa ng zinc sulfate for baby ang RiteMED Ascorbic Acid + Zinc syrup. Ito ay nagtataglay ng Vitamin C at zinc na mainam para sa mga batang nasa 3 hanggang 12 na taong gulang. Maaari rin uminom ng RiteMED Zinc na nakatutulong sa pag-manage ng pagkawala ng zinc tuwing nagkakaroon ng diarrhea.

10 Pagkaing Mataas sa Zinc

Dahil maraming zinc sulfate uses at may malaki itong parteng ginagampanan sa ating katawan, mahalagang kumain ng mga pagkaing nagtataglay nito bilang bahagi ng araw-araw na pangangailangan natin. Bukod sa supplements, narito ang ilang pagkaing maaaring isama sa inyong pang-araw-araw na listahan para sa wastong zinc intake:

  1. Karne - Ang karne ay isang mahusay na source ng zinc. Ang 100-gram na karne kada araw ay may sapat na milligrams ng zinc na kailangan ng katawan.
  2. Shellfish - Ang shellfish gaya ng oyster, crab, mussels, at shrimps ay maaaring makadagdag sa zinc na kailangan ng katawan. Siguraduhing napakuluan at nalutong maigi ang mga ganitong uri ng pakain para makaiwas sa pagkalason.
  3. Legumes - Ang mga pagkain gaya ng chickpeas, lentils, at beans ay maaaring painitin, ibabad, o iburo nang mapabuti ang bioavailability ng zinc sa mga ito.
  4. Mga buto o binhi - Ang ilang binhi tulad ng abaka at kalabasa, at mga buto ng linga ay naglalaman ng malaking halaga ng zinc. Ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng fiber, healthy fats, at bitamina na malaking karagdaan sa iyong diet.
  5. Mani - Ang mani ay ilan sa mga uri ng snack na nagtataglay ng zinc.
  6. Dairy - Ang dairy products gaya ng cheese at gatas ay hindi lang mayaman sa calcium. Nagtataglay din ang mga ito ng protina at Vitamin D.
  7. Itlog - Ang isang malaking itlog ay natataglay ng 5% ng kailangang zinc ng katawan. Ito rin ay may proteins, healthy fats, B vitamins, selenium, at choline.
  8. Whole grains - Ilan sa mga halimbawa nito ang wheat, quinoa, rice, at oats.
  9. Vegetables - Mayayamang zinc sources ang patatas, green beans, at kale.
  10. Dark chocolate - Bagama’t may taglay itong zinc, kailangan pa ring kumain nito nang may pag-alalay dahil sa calories at sugar content nito.

Ang simpleng pagsama ng mga nabanggit na pagkain ay malaking bagay sa mas malusog na pangangatawan. Hindi naman kailangang mamahalin ang pagkaing ihahain, ang mahalaga ay matugunan ang wastong nutrisyon na makabubuti sa kalusugan ng katawan. Ugaliin ring magpatingin sa doktor para alam ang partikular na bitamina o mineral na kailangan.

Sources:

https://www.tabletwise.com/medicine-fil/zinc-sulfate

https://www.drugs.com/mtm/zinc-sulfate.html

https://www.healthline.com/nutrition/zinc-supplements#dosage

https://www.everydayhealth.com/drugs/zinc-sulfate

https://www.healthline.com/nutrition/best-foods-high-in-zinc

https://www.webmd.com/children/news/20020524/zinc-helps-kids-grow

https://www.canyonranch.com/blog/beauty/the-skin-benefits-of-zinc/          

https://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2016/01/25/zinc-heart-health.aspx