Para Saan ang Mefenamic Acid?

May 31, 2021

Ang mefenamic acid ay isang prescription na gamot na epektibo para sa iba’t ibang uri ng mild hanggang moderate na pananakit ng katawan. Alamin dito kung anu-anong kondisyon ang napapagaling nito at tamang paggamit nito.

 

 

Mefenamic Acid Use

 

Ang mefenamic acid ay kabilang sa mga gamot na tinatawag na NSAIDs o nonsteroidal anti-inflammatory. Ang pamilya ng gamot na mga ito ay nagpapababa ng levels ng prostaglandin, ang hormone na nagsasanhi ng inflammation sa katawan.

 

Ang mga pananakit na dala ng mga kondisyon gaya ng dysmenorrhea ay naaagapan ng pag-inom ng mefenamic acid. Ginagamit ito bilang pain reliever laban sa menstrual pain. Aprubado lang ito sa gamutang hindi lalagpas ng pitong araw. Hindi ito inirerekomenda para sa mga bata edad 14 pababa.

 

Pwede rin itong inumin para sa mga kondisyon gaya ng mga sumusunod:

 

  • Headache;
  • Pananakit ng ngipin;
  • Pananakit matapos ang panganganak o operasyon; at
  • Joint disorders gaya ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis.

 

 

Recommended Dosage

 

Ang isang tableta ng RM Mefenamic Acid 500 mg ay maaaring inumin ng adults at adolescents na mas matanda sa 14 years old kada walong oras o batay sa reseta ng doktor. Para sa dysmenorrhea o premenstrual syndrome (PMS), uminom ng isang tableta kada walong oras habang nararanasan ang mga sintomas.

 

 

Mefenamic Acid Side Effects

 

Gaya ng ibang gamot, may mga kalakip na side effects ang pag-inom ng mefenamic acid. Ilan na sa mga ito ang sumusunod:

 

  • Constipation;
  • Diarrhea;
  • Pagkahilo;
  • Heartburn;
  • Pagsusuka;
  • Nausea; at
  • Pananakit ng tiyan.

 

May mga seryosong side effects naman na hindi dapat ipagwalang-bahala gaya ng:

 

  • Stroke o atake sa puso;
  • Heart failure;
  • Pananakit ng tiyan na may kasamang madikit na dumi o pagsusuka ng dugo;
  • Paninilaw ng balat;
  • Lagnat na may chills; at
  • Pananakit ng katawan.

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/business-woman-drinking-water-taking-medicine-1112316044

 

 

Contraindications

 

Maaaring mag-interact ang mefenamic acid sa ibang mga gamot o supplements na iniinom. Para makasigurado na hindi ito makakapinsala sa kalusugan, kumonsulta muna sa doktor bago uminom nito. Narito ang isang listahan ng mga gamot na hindi dapat isabay pag-inom ng mefenamic acid:

 

  • Mga gamot para sa blood pressure;
  • NSAIDs;
  • Diuretics;
  • Blood thinners;
  • Selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs);
  • Antacids; at
  • Antirheumatic drugs.

 

 

Sources:

 

https://kidshealth.org/en/parents/exercise.html