Ang pag-ubo ay karaniwang sintomas ng iba’t ibang kondisyon at sakit. Ito ay paraan ng ating katawan upang mapalabas ang mga irritants tulad na lamang ng alikabok at usok sa ating respiratory system.
Isa sa mga klase ng ubo ay ang productive cough o ubo na may plema. Kadalasan itong dulot ng impeksyon tulad ng sipon o trankaso. Kapag nilalabanan ng ating katawan ang mga impeksyon na tulad nito, mas madami ang nilalabas nitong plema upang matulungang mailabas ang mga organisms na nagdudulot ng impeksyon sa ating katawan.
Ano ang pwedeng gawin upang maibsan ang productive cough?
Kung nakararanas ka ng productive cough o ubo na may plema, maraming pwedeng gawin upang maibsan ito.
- Uminom ng honey
Mas lumalala ang pag-ubo tuwing gabi dahil mas naiipon ang plema sa likod ng ating lalamunan kapag tayo ay nakahiga, kaya naman pakiramdam natin ay gusto natin ilabas ito sa pamamagitan ng pag-ubo. Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng honey 30 minutes bago matulog ay makatutulong bawasan ang pag-ubo para sa mas mahimbing na tulog.
- Kumain ng mga pagkaing mataas sa Vitamin C
Ang pag-take ng Vitamin C ay makakatulong na palakasin ang ating resistensya laban sa mga sakit at impeksyon. Subukang kumain ng orange na mataas sa Vitamin C para mas mabilis na malabanan ang mga sintomas. Maaari rin itong gawing juice at inumin dalawang beses isang araw. Maliban dito, maaari ring uminom ng RiteMED Ascorbic acid o di naman kaya ay uminom ng non-acidic Vitamin C tulad ng RiteMED Sodium Ascorbate.
- Uminom ng maraming tubig
Ang pag-inom ng tubig pa rin ang isa sa pinaka-mainam na paraan upang maiwasan ang impeksyon sa ating katawan. Tinutulungan rin nitong maiwasan ang panunuyo at irritation sa ating lalamunan. Subukang uminom ng 10 baso ng tubig kada araw.
- Ginger tea
Isa rin sa mga maaaring unumin kapag inuubo ay Ginger tea na marami ring health benefits sa ating katawan. Ayon sa mga pag-aaral, maaaring makatulong ang ginger o luya sa pagpapalakas ng ating resistensya laban sa mga impeksyon at viruses.
Para gumawa ng ginger tea, hugasan lamang ang nabiling luya maigi at balatan ito. Hiwain lamang ito ng maliliit at pakuluan. Kapag hindi na nakakapaso ang init, maaari na itong inumin.
- Uminom ng over-the-counter cough medicine
Para mas mapabilis ang pag-galing ng ubong may plema, maaaring bumili ng over-the-counter medicines o yung mga gamot na hindi na kailangan ng reseta ng doktor. Hanapin lamang ang RiteMED Bromhexine Hydrochloride sa pinakamalapit na botika.
Para saan nga ba ang bromhexine?
Ang RiteMED Bromhexine Hydrochloride ay isang uri ng mucolytic. Ang mucolytic ay gamot para sa ubong may plema dahil pinapanipis nito ang plema, para mas madali itong mailabas ng ating katawan sa pamamagitan ng pag-ubo.
Ganunpaman, kailangan munang magpakonsulta sa iyong doktor bago inumin ang gamot na ito kapag nakararanas ng mga sumusunod na kondisyon:
-Sintomas ng impeksyon sa baga
-Mababang resistensya dulot ng iba pang sakit
-Iba pang malalang sakit sa baga tulad na lamang ng chronic obstructive lung disorder o severe uncontrolled asthma
-Problema sa liver o kidney
-Allergy sa bromhexine
Tandaan, mas mabuti pa rin na magpakonsulta sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot para makaiwas sa komplikasyon.
- Magpakonsulta sa doktor
Kapag hindi pa rin nawawala ang pag-ubo sa loob ng ilang lingo at mas lalo pa itong lumala, komunsulta sa iyong doktor para makasigurado. Hindi dapat ipagsawalang bahala ang inaakalang simpleng ubo dahil maaari itong maging sanhi ng iba pang mas malalang kondisyon.
Sources:
https://www.healthline.com/health/wet-cough#causes-in-young-children\
https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/cracking-the-cough-code
https://www.healthline.com/health/home-remedies-for-wet-cough#natural-remedies
https://www.healthline.com/health/ginger-for-sore-throat
https://www.hsa.gov.sg/content/dam/HSA/HPRG/Western_Medicine/Overview_Framework_Policies/Reclassified_Medicines/Updates/Patient_Information_Leaflets/Bromhexine%20PIL%2026-04-2017.pdf
https://www.wikihow.com/Make-Ginger-Tea-or-Tisane