Marami sa atin ang hindi nakaka-alam na ang mga gamot pala na ating iniinom sa tuwing tayo ay may lagnat o anumang karamdaman ay hindi dapat pinagsasabay inumin.
Kung kaya’t para maiwasan ang mga ganitong pangyayari at ang epekto nito sa ating katawan, narito ang mga gamot na hindi dapat pinagsasabay inumin. Upang bigyan ng kaalaman ang nakararami sa atin, makikita rin dito ang iba’t ibang klase ng drug interactions na madalas nangyayari ng hindi natin namamalayan.
Para sa kaunting kaalaman, ang contraindication ay isang sitwasyon kung saan ang gamot, procedures o surgery ay hindi dapat ginagamit dahil pwede itong makasama o magdulot ng kapahamakan sa tao.
Dalawang uri ng contraindications:
Relative contraindication – ito ay ang pag-iingat na dapat gamitin kapag ang dalawang gamot o pamamaraan ay ginagamit nang magkasama.
Absolute contraindication – ito naman ay pangyayari/ kaganapan o sangkap na pwedeng maging sanhi ng isang sitwasyon na nagbabanta sa buhay. Isang procedure o gamot na nabibilang sa ilalim ng kategoryang ito ay dapat na iwasan.
May Iba’t ibang klase ng medication interactions o yung mga gamot na may interaksyon sa isa’t isa:
- Additive o 1+1=2 - kung saan dalawang gamot ang pinagsama at pareho ang inilalabas nilang response sa katawan ng tao.
- Synergism/Synergistic o 1+1=3 - dito naman mas malaki ang epekto ng isang gamot kesa sa isa.
- Potentiation o 0+1=2 - kung saan may mga gamot na pinagsasama para magkaroon ng epekto ang isang gamot dahil hindi nito kaya kapag mag-isa lamang.
- Antagonism/Antagonistic o 1+1=0 - dito na pumapasok yung mga gamot na hindi pwedeng pagsabayin dahil ini-inhibit ng isang gamot ang isa pang gamot kaya ang kakalabasan nito ay walang magiging epekto ito sa katawan.
Mga bawal pagsabayin na gamot o Contraindication medicines at epekto nito sa ating kalusugan:
- Antibiotics – Oral Contraceptive Pills
Antibiotics ay gamot upang labanan ang impeksyon sa ating katawan at meron itong iba’t ibang klase na na-aayon sa reseta ng doktor. Ang Oral Contraceptive Pills naman ay uri ng gamot para sa birth control. Bawal itong pagsabayin dahil pwedeng mawala ang epekto ng OCP’s para sa birth control kapag sinabayan mo itong inuman ng antibiotics. Tuluyang mabubuntis ang pasyente kasi hindi na e-epekto ang OCP dahil nakuha na ng antibiotics ang bisa nito.
Ang OCP ay uri ng Medication Contradications o yung mga gamot na hindi dapat inumin.
- Antibiotics-Probiotics
Ang Antibiotics ay mga gamot na tumutulong labanan ang mga impeksyon sa ating katawan. Ang Probiotics naman ay live micro-organisms na nagbibigay ng mga benepisyo sa ating kalusugan kapag ininom. Kung kaya’t kapag pinagsabay sila, ang mga benepisyo na dala ng good bacteria o ng Probiotics ay hindi na mabibigay sa ating katawan dahil papatayin ito ng Antibiotics.
- Aspirin – Mefenamic Acid
Ang mga gamot na ito ay ginagamit sa may mga lagnat, to treat pain at inflammation. Kapag na-overdose o sabay silang ininom ay magdudulot ito ng Ulcer sa tiyan.
- Clarithomycin – Ergotamine
Ang Clarithomycin ay isang uri ng antibiotic na iniinom para sa may mga bronchitis, pneumonia at iba pang skin infections. Ang Ergotamine naman ay uri ng gamot para sa migraine. Kapag pinagsabay inumin ang dalawang ito ay tumaas ang risk na ma-stroke ang pasyente dahilan para manikip ang mga blood vessels at hindi makapasok ng maayos ang hangin o oxygen sa utak at mga ugat.
- Simvastatin – Clarithromycin
Ang Simvastsain ay gamot para sa cholesterol at ang Clarithromycin naman ay isang uri ng antibiotic. Ang magiging epekto nito sa pasyente ay pwede itong magkaroon ng kidney failure.
- Verapamil (antihypertensive) – Colchicine
Ang Verapamil ay gamot para sa high blood, iniinom ito para bumaba ang blood pressure ng pasyente. Ang Colchicine ay gamot sa gout o pananakit ng kasukasuan. Kapang napagsabay itong inumin ay maaari itong magdulot ng muscle tissue breakdown sa katawan.
Mga dapat tandaan:
- Mahalagang malaman natin ang mga gamot na ating iniinom at kung ito ba ay bawal pagsabayin, upang maiwasan natin ang iba’t ibang sakit na pwede nitong ibigay sa atin at para rin maiwasan natin ang masamang epekto nito sa ating katawan.
Photo from unsplash
- Mas makakabuting kumunsulta muna sa doktor o mga espesyalista tungkol sa mga gamot na dapat lang nating inumin na na-aayon sa reseta na ibibigay sa atin ng doktor ukol sa ating nararamdamang sakit.
- Mahalaga rin na alamin natin ang mga sangkap ng mga gamot bago ito inumin. Kung mangyari man na mapagsabay ang mga gamot na hindi dapat ay agad na pumunta sa ospital upang mabigyan ng karampatang lunas ng doktor.
- Tingnan at basahin ng mabuti ang mga labels at warnings na nakalagay sa gamot. Kung hindi sigurado sa bibilhing gamot ay magtanong muna sa mga eksperto o sa pharmacist kung ano at para saan ang gamot na inyong bibilhin.
- Alamin din ang tamang oras ng pag-inom ng gamot upang maiwasan ang anumang sakit o epekto nito ng hindi pag-sunod sa nakatakdang oras ng pag-inom.
Sabi nga ng nakararami, “health is wealth” kaya ugaliin nating maging maingat sa mga gamot na ating iinumin. Hindi lahat ng gamot na akala natin ay makakapagpagaling sa atin ay pwede na nating inumin, mas mabuti pa rin na magtanong at maging mapanuri sa ating mga iniinom.
Ang pag-inom ng tamang gamot ay susi sa maganda at maayos na pakiramdam. Maaari nyo rin itong ibahagi sa inyong mga mahal sa buhay, upang maiwasan nila ang mga gamot na bawal pagsabayin. Dapat rin ay ipaalala natin sa kanila na ugaliing magpakonsulta sa doktor bago uminom ng mga gamot na sabay-sabay para maiwasan ang mga masamang side-effects.
Mas mainam na pagdating sa gamot ay sigurado tayo. Tulad na lamang ni Susan Roces na sigurado at tiwala sa RiteMED.
http://fil.yourwebdoc.com/probiotics.php
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/
http://www.bemedwise.org/medication-safety/medication-interactions
http://www2.southeastern.edu/Academics/Faculty/rwood/Drugs%20Chapter%203/tsld007.htm
https://medlineplus.gov/ency/article/002314.htm