Generic or Branded na Gamot: Ano Ang Dapat?

September 02, 2017

Panahon na naman ng tag-ulan sa Pilipinas. At dahil tag-ulan na, panahon na rin ng pagkakasakit. Panahon ng pagbili ng gamot. Kalimitang tanong kapag bumibili ng gamot ay, “Generic o branded?” Mainam na maintindihan ang pagkakaiba ng generic sa branded na gamot para mapag-isipang mabuti kung ano ang bibilhin.

 

 

Ang generic na gamot ba ay pareho lang ng branded na gamot?

 

Sa bisa o lunas, oo. Pero sa ibang aspeto, maaaring hindi.

 

Bawat gamot ay may brand name at generic name. Ang generic name ng gamot ay ang active ingredient na nagpapabisa ng gamot. Ang brand name naman ay binibigay ng pharmaceutical company na nagproduce ng gamot.

 

Kapag ang gamot na may bagong active ingredient ay lumabas, ito ay protektado ng patent sa loob ng ilang taon. Ang patent ay ginawa para masigurong kumita at ma-recover ng pharmaceutical company ang pinhunan sa pagdevelop ng gamot o sa pagbili ng rights para ibenta ang gamot. Habang covered pa ng patent ang gamot, hindi pwedeng magbenta ang ibang kompanya ng parehong gamot na mayroong protected active ingredient.

 

Pagkatapos mag-expire ng patent, ang ibang pharmaceutical company ay pwede ng mag-develop ng gamot base sa active ingredient. Ito ay kilala at tinatawag na  ‘generic’ medicines. Maaring magkaroon ng iba’t-ibang brand ang gamot pero pareho lang ang active ingredient sa original.

 

Saan nagkakatulad o nagkakaiba ang generic vs. branded na gamot?

 

 

undefined

 

 

Ang generic at branded na gamot ay dapat mayroong identical active ingredients. Dapat pumasa sa standard ng bioequivalence ang isang generic na gamot. Ang ibig sabihin ng bioequivalence ay ang dalawang gamot ay dapat mayroong  identical active ingredients at magkaroon ng parehong effect sa pasyente.

 

Pareho man ang active ingredients ng generic at branded na gamot, ang excipients (inactive ingredients) ay magkaiba. Ang excipients o 'inactive ingredients' ay nagko-contribute sa treatment effect ng gamot. Ito’y importanteng alamin kapag ang pasyente ay may allergy or sensitive sa isa sa mga excipients o inactive ingredients.


 

Bakit kadalasang mas mura ang generic kumpara sa branded na gamot?

 

Ang generic na gamot ay kadalasang mas mura sa branded na gamot dahil ang mga manufacturer nito ay hindi gumastos sa research and development ng gamot o sa pagbili ng rights para ibenta ang gamot.

Hindi dahil mas mura ang generic na gamot ay hindi na ito maganda. Ito ang dahilan kung bakit tinutulak ng Philippine Pharmacists’ Association ang mas mura ngunit de kalidad na produkto.

 

Ayon sa discussion paper na “Review of the Cheaper Medicines Program of the Philippines” ng economist na si Oscar Pizaro, ang  mga branded na gamot sa Pilipinas ay tinatayang 5 to 30 times mas mahal kumpara sa tulad brand names ng parehong manufacturer sa India at Pakistan. Ito ang naging dahilang kaya naisabatas ang Cheaper Medicines Law.

 

Ang generic na gamot ba ay kasing-bisa at kasing-ligtas ba ng branded na gamot?

 

Oo, dahil ito ay pareho ng active ingredient at dosage kaya dapat pareho ang epekto nito.

Dito sa Pilipinas, ang Food and Drug Administration (FDA) ay nag-utos ng mas mahigpit na pamantayan ng quality, safety at effectiveness para sa mga manufacturer ng generic na gamot. Mahigpit na pinatutupad ang mga alintuntunin para mawala ang mga generic na gamot sa merkado na mababa ang kalidad, mapanganib at hindi kasing bisa ng branded counterparts.
 

 

Sources: