Ascorbic Acid: Para Saan Ito?

April 23, 2021

Ang ascorbic acid ay isa sa mga pinakaligtas at pinaka epektibong nutrient na pwede mong makuha mula sa iyong kinakain. Ang nutrient na ito ay kilala din sa tawag na vitamin C, L-ascorbic acid, at L-ascorbate.

 

Nakukuha ang ascorbic acid sa iba’t ibang uri ng prutas at gulay. Ilan sa mga pagkaing maaaring pagkunan ng bitaminang ito ay ang mga sumusunod:

 

  • Mga citrus na prutas tulad ng orange, dalandan, at dalanghita
  • Sili
  • Strawberry
  • Broccoli
  • Patatas

 

Ang regular na pagkain ng mga pagkaing sagana sa ascorbic acid ay may magandang dulot sa iyong katawan. Narito ang ilan sa mga benepisyo na maaaring makuha sa ascorbic acid:

 

  1. Pagpapagaling ng Sugat - Nakakatulong ang vitamin C sa produksyon ng collagen sa iyong katawan. Ang collagen ay isang uri ng nutrient na nakakatulong sa pag-regenerate ng cells sa balat, muscles, at iba pang tissues.

 

Sa tulong ng vitamin C, mas mabilis na napapagaling ng katawan ang mga sugat nito. Kaya naman nireresetahan din ng ascorbic acid ang mga taong nagpapagaling mula sa injury o operasyon.

 

  1. Pagpapalakas ng Puso at Mga Blood Vessels - May mga pag-aaral na nagpapakita na maaaring makatulong ang vitamin C sa kalusugan ng iyong cardiovascular system. Ilan sa mga pwedeng benepisyo ng vitamin C ay proteksyon laban sa sakit sa puso at hypertension o mataas na blood pressure.

 

Ito ay dahil sa maaaring taglay na katangian ng ascorbic acid tulad ng mga sumusunod:

 

  • Antioxidant properties
  • Pagpapalawak ng blood vessels
  • Pagtulong sa produksyon ng nitric oxide
  • Pagbabawas ng plaque instability sa mga taong may atherosclerosis

 

  1. Pagpapababa ng Glucose Level - May isang pag-aaral noong 2019 na sinuri ang epekto ng ascorbic acid sa glucose levels ng isang tao. Tiningnan nila ang epekto ng vitamin C supplements sa 31 taong nasa bandang 60 ang edad. Pagkatapos ng 4 na buwan, nakita ng mga mananaliksik na mas bumuti ang glucose levels ng mga kalahok na uminom ng vitamin C supplements kumpara sa mga binigyan ng placebo.

 

  1. Pagtulong sa Kalusugan ng Mata - Naniniwala ang ilang eksperto na nakakatulong ang antioxidant properties ng ascorbic acid sa pagpapababa ng tyansa na magkaroon ng katarata ang isang tao. Sinasabing nakakatulong din ang katangiang ito ng vitamin C para pabagalin ang paglala ng age-related macular degeneration. Kahit na may kakaunting batayan ang mga paniniwalang ito, kailangan pa din ng masusing pagsusuri tungkol dito.

 

  1. Pagpapabuti ng Sintomas ng Hika at Chronic Obstructive Pulmonary Disease - Ang polusyon sa hangin ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit sa baga tulad ng hika at chronic obstructive pulmonary disease. May ilang pag-aaral ang nagpapakita na nakakatulong ang antioxidant effect ng kumbinasyon ng vitamin C at vitamin E para sa pagpapabuti ng sintomas ng mga sakit na ito.

 

  1. Pagpapabuti ng Sintomas ng Allergy - Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2018, binigyan ng iba-ibang doses ng intravenous vitamin C ang 71 na taong may allergy na may kinalaman sa balat o respiratory system. Pagkatapos ay inoobserbahan ang kanilang mga sintomas.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/flu-cold-sickness-allergy-concept-young-1414910888

 

Nakita ng mga mananaliksik na nabawasan ang sintomas ng allergy sa mga taong binigyan ng mas mataas na dose ng vitamin C. Nakakita din sila ng ebidensya na karaniwan sa mga taong may allergy ay mababa ang lebel vitamin C sa katawan.

 

Marami pang benepisyo ang naibibigay ng ascorbic acid bukod sa mga nakalista sa taas. Para masiguradong makukuha mo lahat ng ito, kailangan mong kumain ng mga pagkain na siksik sa vitamin C. Maaari ka ding uminom ng ascorbic acid supplement na pwedeng mabili sa kahit na anong botika.

 

 

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/219352#why-we-need-it

https://www.nhs.uk/conditions/vitamins-and-minerals/vitamin-c/

https://www.webmd.com/diet/features/the-benefits-of-vitamin-c#1