PAG-IWAS SA MABAHO AT ITCHY FEET

February 22, 2019

Ano ang causes ng itchy feet?

Pruritus ang tawag sa pangangati na nanggagaling sa nakakairitang pakiramdam sa balat na nanaisin mong kamutin. Bagaman maaari itong mangyari sa kahit saang parte ng katawan, kadalasang naaapektuhan ang paa dahil mas madali itong mapawis sa loob ng sapatos.

Narito ang iilang skin condition na na nagiging sanhi ng itchy feet:

  • allergic contact dermatitis, na minsan ay nangyayari dahil sa paggamit ng bagong sabong panlaba
  • atopic dermatitis
  • juvenile plantar dermatosis
  • psoriasis
  • mga peklat (scars)
  • bug bites
  • dry skin
  • pest infestations, tulad ng lice o scabies
  • athlete’s foot, or tinea pedis (fungal infection)

Nagiging sanhi rin ng itchy feet ang exposure to irritants

An irritant ay kahit anong substance na nagdudulot ng reaksyon sa katawan. Maaari pa ito maging gamot o topical ointment na pinapanggamot sa iba pang karamdaman. Morphine sulfate, ACE-inhibitors, at statins ang iilang klase ng gamot na minsan nagiging sanhi ng body at feet itchiness.

undefined

Ano ang mga sintomas ng itchy feet?

Ang taong may itchy feet ay mapipilitang kamutin ang balat at kasama ng pangangati na ito, maaaring makapansin ng skin changes tulad ng:

  • blisters
  • cracked, open areas
  • dry, scale-like plaques
  • rashes at pamumula (redness)
  • swelling
  • white spots

Posible ring mangati ang iyong paa na walang pagbabago sa anyo ng balat mo.

Paano ginagamot ang itchy feet?

Gagamutin ito ng doktor ayon sa cause ng itchy feet. Kung ito ay allergic reaction, makakabawas ng pangangati ang pag-iwas sa mga produktong nagdulot nito.

Narito ang iilang itchy feet remedy:

  • H1-blocker antihistamine tulad ng RiteMED diphenhydramine. Importanteng paalala na ang antihistamines ay may mga sedative at hindi kanais-nais na side effects. Mas mainam iwasan ito ng nakatatanda.
  • Kung mayroon kang athlete’s foot, makakatulong ang antifungal sprays or creams. Kung ito ay chronic fungal infection, maaaring mas mabuting gumamit ng antifungal treatment na inireseta ng doktor.
  • Nakakabawas ng pangangati ang mga topical anti-itch medication, emollients tulad ng petrolatum, at steroid creams.
  • Makakatulong din sa ibang pasyente ang mga prescription medications gaya ng SSRIs, gabapentin, o tricyclic antidepressants, ngunit importanteng i-check muna ito sa iyong doktor.

Paano maiiwasan ang itchy feet?

Nakakabawas ng itchy feet ang pagkakaroon ng good foot care habits. Nakakatulong din ito para iwasan ang mga fungal infection. Here's how to stop itchy feet:

  • Iwasang magsuot ng sapatos at medyas hanggang sa tuyong tuyo na ang iyong mga paa.
  • Dalasan ang paghugas ng paa gamit ang mild soap. Siguraduhing madaanan ang gitna ng daliri ng paa at maglagay ng moisturizer pagkatapos maligo.
  • Magsuot ng medyas na gawa sa cotton o wool.
  • Hangga't maari, pumili ng sapatos na well-ventilated; tulad ng mga sapatos na may mesh holes para kayang manatiling tuyo ang paa at hindi madaling mapagpawisan.
  • Kung napapansin mong madalas ka nagkakaroon ng alipunga o athlete’s foot, makakatulong ang paglagay ng antifungal powder sa paa bago suotin ang medyas o sapatos.

undefined

Photo from unsplash

Ano ang alipunga sa paa o athlete's foot?

Ang athlete's foot ay isang uri ng fungal infection na nagsisimula sa gitna ng daliri ng paa. Madalas ito nangyayari kapag pinagpapawisan ang paa dahil sa masisikip na sapatos.

Ilan sa sintomas ng athlete's foot ay ang pagkakaroon ng scaly rashes na minsan ay humahapdi at nangangati. Pinakamalala ang pangangati pagkatapos tanggalin ang sapatos at medyas. Minsan nagkakaroon ng blisters sa iilang kaso ng athlete's foot. Mayroon ding mga kaso ng chronic dryness at scaling na madalas napagkakamalang eczema o dry skin lang. Ang athlete's foot ay nakakahawa at maaaring kumalat sa sahig, tuwalya at damit. Ito rin ay maaaring humantong sa pagkabaho ng paa.

Ang athlete's foot ay nauugnay sa ibang mga fungal infections katulad ng ringworm at jock itch. Lumalago ang mga fungi dahil sa mamasa-masang medyas at sapatos, pati na rin ang mga warm and humid conditions. Magagamot naman ito sa tulong ng antifungal medications na nabibili over-the-counter, ngunit ito'y madalas bumabalik. Mayroon ding prescription medication para dito.

Risk factors

Ikaw ay may higher risk ng alipunga kung ikaw ay:

  • Lalaki
  • Madalas nagsusuot ng mamasa-masang medyas at masisikip na sapatos
  • Nakikigamit ng mats, rugs, bed linens, damit o sapatos ng taong may fungal infection
  • Naglalakad nang nakayapak sa mga public areas kung saan madaling kumalat ang infection tulad ng mga locker room, sauna, swimming pool, at mga pampublikong paliguan.

Mga kumplikasyon

Maaaring kumalat ang infection sa ibang parte ng katawan tulad ng mga sumusunod:

  • Madaling malipat ang infection sa kamay dahil sa pagkamot ng infected part sa paa
  • Ang fungi sa paa ay maaaring kumalat sa mga kuko sa paa—madalas ito ay mas mahirap agapan.
  • Maaari ring kumalat sa singit dahil kaya ng fungus lumipat dito mula sa kamay o sa tuwalya.

Paano maiiwasan ang alipunga?

Narito ang ilang tips para maiwasan ang athlete's foot o mabawasan ang mga sintomas kapag na-infect ito:

  • Panatilihing tuyo ang mga paa lalung lalo na sa parte sa gitna ng mga daliri ng paa. Mainam na magyapak kapag nasa bahay para makahinga at mahanginan ang paa. Siguraduhin ding tuyo ang gitna ng daliri ng paa pagkatapos maligo.
  • Dalasan ang pagpalit ng medyas. Kung sobrang pawisin ang iyong paa, magpalit ng medyas dalawang beses sa isang araw.
  • Magsuot ng sapatos na well-ventilated. Iwasan ang mga sapatos na gawa sa synthetic materials tulad ng vinyl o goma.
  • Iwasang suotin ang parehong sapatos araw-araw para matuyo nang maayos ang sapatos matapos gamitin.
  • Ingatan ang paa sa mga pampublikong lugar. Magsuot ng waterproof sandals o shoes sa mga public pool, shower at locker room.
  • Gumamit ng powder na antifungal sa paa araw-araw.
  • Huwag mag-share ng sapatos para maiwasan ang pagkalat ng fungal infection.

Kailan ako dapat magkonsulta sa doktor?

Mag-set ng appointment sa iyong doktor kapag napansin mong hindi nawawala ang kati, mayroon kang rash sa paa na hindi gumagaling kahit nagseself-treatment ka, o kapag lumala ang mga sintomas. Titignan ng doktor ang medical history mo at magsasagawa ng physical exam.

Kung mayroon kang diabetes at tingin mo ay baka may alipunga ka, bisitahin agad ang iyong doktor lalung lalo kung may mapansin kang mge senyales ng secondary bacterial infection tulad ng excessive redness, swelling (pamamaga), drainage or lagnat.

SOURCES

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/athletes-foot/symptoms-causes/syc-20353841

https://www.healthline.com/symptom/feet-itching

https://www.healthline.com/health/athletes-foot

https://modalitypartnership.nhs.uk/self-help/livewell/topics/foothealth/smellyfeet