Tamang Alaga para sa Gastroparesis

May 31, 2021

Ang gastroparesis ay isang sakit na nakakaapekto sa normal na paggalaw ng muscles sa tiyan. Ang muscle contractions na ito ay kinakailangan para mapunta sa digestive tract ang pagkain. Tingnan kung paano nito naaapektuhan ang katawan at paano mapapangalagaan ang mga mahal sa buhay na nakakaranas nito.

 

 

Gastroparesis Causes

 

Hindi tuluyang nawawalan ng laman ang tiyan kapag may gastroparesis. Sa ngayon ay wala pang sapat na pag-aaral na sumusuporta sa totoong sanhi ng gastroparesis. Kadalasan ay komplikasyon ito ng diabetes. Maaari rin itong makuha matapos sumailalim sa surgery sa tiyan.

 

Mataas ang risk ng pagkakaroon ng gastroparesis kung mayroong hypothyroidism, infection, at mga sakit sa nervous system gaya ng Parkinson’s disease at multiple sclerosis.

 

 

Gastroparesis Symptoms

 

Gaya ng ilang uri ng pananakit ng tiyan, ang mga sintomas ng gastroparesis ay ang mga sumusunod:

 

  • Abdominal pain;
  • Nausea o pagsusuka;
  • Pagiging bloated;
  • Pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain ng kaunti;
  • Acid reflux;
  • Kawalan ng gana kumain; at
  • Biglaang pagbaba ng timbang o malnourishment.

 

May ibang mga pasyente na hindi nakakaranas ng symptoms kaya magpatingin agad sa doktor lalo na kung nag-iiba ang blood sugar levels at bumababa ang timbang nang hindi naman sumasailalim sa anumang weight-loss diet.

 

 

Anu-ano ang pwedeng gawing treatment at lifestyle changes laban sa gastroparesis?

 

Treatment

 

  1. Inumin ang mga gamot na nireseta ng doktor gaya ng metoclopramide na nakaka-stimulate ng stomach muscles.

 

  1. Uminom din ng mga gamot panlaban sa nausea at pagsusuka gaya ng diphenhydramine, ondansetron, at prochlorperazine.

 

  1. Para sa malubhang mga kaso, sumailalim sa surgical treatment base sa payo ng inyong doktor. Maaaring lagyan ng feeding tube ang small intestine o gastric venting tube.

 

 

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/homemade-yogurt-bowl-raspberry-blueberry-mango-1901542279

 

 

 

Lifestyle

 

  1. Kumain ng small, frequent meals para hindi mabigla ang tiyan sa pagtanggap ng madaming pagkain.

 

  1. Nguyaing mabuti ang pagkain bago lunukin.

 

  1. Uminom ng 8-10 baso ng tubig sa loob ng isang araw.

 

  1. Umiwas sa pag-inom ng alcohol at softdrinks, ganun din sa paninigarilyo.

 

  1. Huwag humiga matapos kumain.

 

  1. Bumuo ng meal plan na naglalaman ng bread, crackers, potatoes, rice, pasta, chicken, shellfish, tuna, dairy at poultry products, at prutas at gulay.

 

  1. Magkaroon ng active lifestyle para maging normal ang digestion.

 

 

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastroparesis/symptoms-causes/syc-20355787