Irritable Bowel Syndrome 101: Sanhi, Sintomas, at Lunas

April 23, 2021

Irritable bowel syndrome o IBS ang tawag sa isang disorder na tumatama sa large intestine. Sa ngayon ay wala pa ring tiyak na sanhi ang IBS, ngunit ang mga factor na ito ay maaaring makapagpataas ng risk:

 

 

  1. Problema sa digestive system – Kung may abnormalities sa mga nerve sa panunaw, maaaring makaramdam ng pananakit tuwing nababanat ang tiyan tuwing maglalabas ng hangin o dumi.

 

  1. Contractions ng muscles sa intestine – Kapag papunta na ang pagkain sa digestive tract, nagkakaroon ng contractions ang mga muscle sa intestine walls. Kapag hindi normal ang contractions, napapasakit nito ang tiyan at lumalabas ang iba’t ibang sintomas ng IBS.

 

  1. Stress o anxiety – Ang poor stress management mula pagkabata hanggang pagtanda ay nakaka-trigger ng IBS at mga sintomas nito.

 

  1. Infection – Kung may gastroenteritis o diarrhea na dala ng bacteria o virus, maaaring maging at risk sa IBS dahil nagkakaroon ng bacterial overgrowth sa intestines.

 

  1. Mga pagkain – Nakaka-trigger din ng IBS ang mga pagkain gaya ng citrus fruits, cabbage, dairy products, carbonated drinks, at iba pang klase ng inumin.

 

 

IBS Symptoms

 

Ang IBS pain ay iba para sa lahat ng nakakaranas nito. Mangilan-ngilan lang din ang nakakaranas ng mga kapansin-pansing sintomas. Ilan sa mga senyales ng IBS ang mga sumusunod:

 

  • Pananakit ng tiyan;
  • Cramps;
  • Hindi normal na itsura ng bowel o dumi; at
  • Paiba-ibang schedule at dalas ng bowel movement.

 

May tinatawag din na IBS flare up o ang pagsumpong ng irritable bowel syndrome na may kasamang mas matinding sintomas gaya ng bloating, diarrhea, at constipation. Maaari itong tumagal ng ilang oras o kaya naman ilang buwan. Magpatingin agad sa doktor bago lumubha ang mga sintomas. Ilan sa mga maaaring maranasan ang:

 

  • Pananakit ng ulo;
  • Muscle o joint pain;
  • Madalas na pag-ihi;
  • Pagkapagod; o
  • Anxiety.

 

Kung may kasama nang biglang pagbagsak ng timbang, pagdudugo ng rectum, iron deficiency anemia, pagsusuka, at hirap sa paglunok, huwag mag-atubiling kumonsulta agad sa doktor. Kailangang matukoy kung ang IBS ba ay dala ng mas malubhang kondisyon gaya ng colon cancer at iba pang sakit sa tiyan.

 

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/fiber-dietary-food-286097024

 

 

IBS Diet

 

Para sa IBS pain management, magsagawa ng meal plan na binubuo ng prutas at gulay, carbohydrates gaya ng bread, kanin, cereals, at pasta, protein-rich food, at maraming fluids gaya ng tubig at natural na tsaa.

 

Siguraduhin ding mayroong regular na meal pattern at schedule para makondisyon at masanay ang tiyan sa dami at dalas ng kain. Huwag magpapalipas ng gutom at iwasan ang biglaang pagkonsumo ng maraming pagkain para hindi mabigla ang tiyan.

 

Iwasan ang mga pagkaing nakaka-trigger sa IBS gaya ng mga inuming may alak at caffeine. Magbawas din ng insoluble fibers, matatabang pagkain, at mga pagkaing nagsasanhi ng acid reflux.

 

 

IBS Treatment

 

Kasabay ng tamang nutrisyon, makakatulong din ang regular na ehersisyo. Napapanatili ng active lifestyle na regular ang bowel movement ng isang tao. Makakabuti rin ang pagsasagawa ng stress management techniques para hindi ma-trigger ang IBS symptoms.

 

Bukod dito, maaaring sumailalim sa diagnostic procedures gaya ng colonoscopy, CT scan, endoscopy, at stool tests para makasigurado na ang IBS ay hindi nag-uugat sa ibang karamdaman. Huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor tungkol sa kondisyon at patuloy na isagawa ang lifestyle changes na kinakailangan para mapagtagumpayan ito.

 

 

 

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes/syc-20360016#:~:text=Irritable%20bowel%20syndrome%20(IBS)%20is,need%20to%20manage%20long%20term

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/diagnosis-treatment/drc-20360064

https://www.mindsethealth.com/matter/calm-ibs-flare-up#:~:text=During%20an%20IBS%20flare%2Dup,few%20months%20at%20a%20time

https://patient.info/news-and-features/ibs-diet-sheet