Ang chronic nausea o vomiting ay kadalasang mga senyales na may problema panunaw. Ang mga ito ay delikado rin para sa kalusugan. Bukod sa dehydration, posibleng malnutrition, at iba pang mga komplikasyon, maaaring may tinutukoy na mas malubhang kondisyon ang matinding pagsusuka na may kasamang pananakit ng tiyan.
Ano ang gastroparesis?
Ito ay isang sakit kung saan hindi nauubos nang normal ang laman ng tiyan. Nagkakaroon ng stomach paralysis dahil hindi nagagampanan ng nerves at muscles sa digestive tract ang kanilang tungkulin. Kaya naman mabagal o hindi gumagalaw ang laman ng tiyan papunta sa iba pang parte ng digestive system.
Isa itong chronic disease na nangangailangan ng pangmatagalang treatment, gamot, at mga kalakip na lifestyle changes. Bago natin ito pag-usapan, tingnan muna natin ang mga sanhi at sintomas nito.
Gastroparesis Causes
Ang gastroparesis ay dala ng pinsala sa vagus nerve na siyang nagkokontrol ng pag-contract ng stomach muscles para maiusod ang pagkain sa digestive tract. Kadalasan, ang pagkasira ng vagus nerve ay dahil sa komplikasyon mula sa diabetes.
Bukod dito, narito pa ang ibang posibleng sanhi ng gastroparesis:
- Mga gamot gaya ng narcotics at antidepressants;
- Abdominal o gastric surgery;
- Viral infections;
- Amyloidosis o ang deposito ng protein fibers sa mga tissue at organs; o
- Sceloderma, isang tissue disorder na tumatama sa internal organs.
-
Gastroparesis Symptoms
Bantayan ang sumusunod na sintomas ng kondisyong ito para makaiwas sa mga komplikasyong dala ng gastroparesis:
- Abdominal pain;
- Vomiting;
- Chronic nausea;
- Bloating;
- Acid reflux;
- Kawalan ng gana kumain;
- Pagbagsak ng timbang; at
- Pakiramdam ng kabusugan matapos kumain ng iilang subo pa lamang.
Bakit kailangang ma-diagnose ang gastroparesis?
Dahil madalas itong makita sa mga pasyenteng may diabetes, importanteng magkaroon ng early diagnosis ng gastroparesis para hindi maging abnormal ang blood sugar levels. Naaapektuhan kasi ng kondisyong ito ang pagtaas-baba ng glucose sa dugo, dahilan para maging mahirap ang pagma-manage ng diabetes.
Gayundin, madalas ay nagkakamali ng diagnosis sa gastroparesis, kaya tuwirang check-up at tests ang kailangan kung may mga sintomas nito na nararanasan. Ito ay napagkakamalang heartburn, acid reflux, ulcer, o allergic reaction sa pagkain o gamot.
Gastroparesis Remedy
Ang treatment para sa gastroparesis ay hindi nakakapagpagaling ng sakit na ito. Natutulungan lamang nito ang pasyente na ma-manage ang mga sintomas at napipigilan ang mga komplikasyon.
Ipinapayo ang mga sumusunod na treatment:
Image:https://www.shutterstock.com/image-photo/medicine-diabetes-glycemia-health-care-people-321934868
- Blood sugar level maintenance - Makokontrol ang pagkakaroon ng gastroparesis kapag nakakapag-maintain ng healthy na blood glucose levels. Maaaring magreseta ang doktor ng maintenance medication para sa diabetes gaya ng mga sumusunod:
Ang mga gamot na ito ay ginagamit para mag-release ang beta cells sa katawan ng insulin. Kailangan din ang mga ito para mapababa ang blood glucose para sa mga pasyenteng may hyperglycemia na hindi na makontrol ng diet at exercise lang. Sundin ang inirerekomendang dosage ng pag-inom ayon sa inyong doktor at health condition.
- Gastroparesis medication – Pwedeng payuhan ng doktor na uminom ng mga sumusunod na gamot para matugunan ang mga sintomas:
- Reglan – Nababawasan nito ang mga sintomas gaya ng chronic nausea at vomiting na nagsasanhi ng dehydration. Iniinom bago kumain, tinutulungan nito ang stomach muscles na mag-contract para umusod ang pagkain palabas ng tiyan.
- Erythromycin – Gaya ng Reglan, nakakatulong ang antibiotic na ito para sa stomach muscle contractions.
- Antiemetics – Ang ganitong mga gamot ay par anaman sa pagkontrol ng nausea at pagsusukang dala ng gastroparesis.
- Surgery – Kapag hindi na mapigilan ng mga gamot ang nausea at vomiting, maaaring nang payuhan ng doktor na sumailalim sa:
- Gastric electrical stimulation surgery. Sa treatment na ito, nagpapasok ang doktor ng maliit na device sa abdomen na magpapadala ng mild electric shocks sa stomach muscles para mapigilan ang pagsusuka.
- Gastric bypass – Dito naman, gagawa ng maliit na pouch mula sa taas na bahagi ng stomach. Ang small intestine ay hahatiin sa dalawa, kung saan ang dulo ay ikokonekta sa ginawang pouch. Nalilimitahan nito ang dami ng pagkain na pwedeng ikonsumo ng pasyente para makontrol ang mga sintomas ng gastroparesis.
Tandaan na mas mabuti pa ring umiwas sa gastroparesis sa pamamagitan ng tamang nutrisyon dala ng high-fiber diet na may prutas at gulay, regular na ehersisyo para ma-stimulate ang digestive tract, at pagpapanatili ng malusog na timbang lalo na kung mayroong pre-existing health conditions. Ugaliing magpakonsulta sa doktor para makasigurado.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastroparesis/symptoms-causes/syc-20355787
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15522-gastroparesis