What is food poisoning?
Likas na mahilig kumain ang Pinoy at makikita ito sa dami ng klase ng pagkain sa ating bansa. Mahilig din tayong dumayo sa mga kainan – mapa-fiesta man, handaan para mag-celebrate ng kaarawan, binyag, kasal, at kung anu-ano pang mga kasiyahan.
Lingid sa ating kaalaman, may mga pagkakataon kung saan ang pagkain ay nagkakaroon ng kontaminsayon o pagkasira. Ang pagkaing may kontaminasyon ay maaaring magdulot ng tinatawag na food poisoning.
Napaka-delikado ng food poisoning, lalo na sa mga sanggol, mga bata at sa mga may edad na. Kaya mahalaga ang tamang kaalaman tungkol sa karamdaman na ito.
- Myth: Hindi dapat ipagalala ang food poisoning sapagkat lumilipas lamang
ito ng isa hanggang dalawang araw
Fact: Huwag ipagsawalang-bahala ang food poisoning. Ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa kalusugan na maaari natin dalhin habang-buhay.
- Myth: Pwede pa ring kainin ang mga natirang pagkain basta’t hindi panangangamoy panis
Fact: Huwag gawing batayan ang itsura, amoy o lasa ng tirang pagkain para sabihing ito’y ligtas kainin. Para safe, mayroong food storage chart na pwedeng tignan para ma-monitor kung hanggang kailan pwedeng kainin ang pagkain bago itapon.
- Myth: Tanggalin lamang ang amag o mold sa tinapay at pwede na
ulit itong kainin
Fact: Ayon sa mga professionals sa food safety, hindi na ligtas kainin ang isang tinapay na may amag dahil maaaring kumalat na ang bacteria sa kabuuan nito. Itapon kaagad ang anumang pagkaing may amag para hindi pa ito makain ng iba.
- Myth: Para ma-defrost ang frozen na karne, iwanan lang ito sa lababo
Fact: Maaaring makontamina ng bacteria ang karne kapag iniwan lang sa lababo sa normal na temperatura. Mas mainam kung ilagay ito sa selyadong lalagyan at padaanan ng tubig mula sa gripo. Kung meron kang microwave, pwede rin itong pang-defrost.
- Myth: Para matanggal ang bacteria sa karne, hinuhugasan dapat ng tubig
Fact: Maaaring dumami ang bacteria sa karne dahil nagbago ang temperatura nito sa paghugas. Ang bacteria ay higit na aktibo sa tubig, kaya hindi rekomendado ng hugasan ang karne bago lutuin.
- Myth: Sa oras na maluto ang pagkain, patay na ang anumang
mikrobyo o bacteria sa loob nito
Fact: Gaya ng mga nabanggit kanina, ang bacteria ay dumarami kapag nagbabago ang temperatura. Kaya kapag naiwan ng matagal ang niluto o pinainit na pagkain, ito ay lalamig muli at maaaring pasukan ng bacteria.
Para maiwasan ang food poisoning, takpan ang niluto para hindi ito agad na lumamig at para hindi ito langawin at dapuan ng mikrobiyo.
References:
https://www.ritemed.com.ph/articles/first-aid-tips-sa-food-poisoning
https://www.foodsafety.gov/keep/basics/myths/index.html
http://www.fightbac.org/food-safety-education/home-food-safety-mythbusters/top-10-myths/
https://www.rd.com/health/wellness/food-poisoning-causes/