Dapat mo na bang ikabahala ang lagnat ng iyong kid?

July 30, 2018

Ang lagnat ay isang paraan ng katawan upang depensahan ang sarili mula sa impeksyon ng mga mikrobyo. Ang lagnat o “fever” ay isang karaniwang sakit sa mga bata. Para sa mga bata, isang malaking abala ang pagkakaroon ng lagnat. Hihina ang resistensya nila, at hindi sila makakapasok sa eskwelahan o makakapaglaro kasama ang kanilang mga kaklase at kaibigan. Bago ito, tandaan muna na ang mismong lagnat ay hindi isang sakit, kung hindi isang sintomas lamang ng ibang kondisyon. Ang ilan sa mga kondisyon na madalas na nagiging sanhi ng lagnat ay ang bacterial o viral infection, at allergy. Ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay normal lamang na nagaganap upang mapatay ang mga bacteria at iba pang mga hindi kanaisnais na mikrobyo na nakapasok sa katawan

Bagaman ang lagnat ay nagdudulot ng masamang pakiramdam at pagkatuyo ng tubig sa katawan, hindi naman talaga ito masama. Sa katunayan, waring may mahalagang ginagampanang papel ang lagnat sa pag-aalis ng mga impeksiyong dulot ng mga baktirya at virus

 

Sanhi ng lagnat

Sa mga toddler, ang madalas na sanhi ng lagnat ay ang viral infection ng respiratory system, na binubuo ng ilong, bibig, lalamunan, baga, at iba pa.

  • Bacterial Infection - Karamihan ng bacteria sa ating katawan ay harmless o hindi nakakapinsala tumutulong sila sa digestion, pumapatay ng cancer cells, o nagbibigay ng karagdagang nutrisyon.  Subalit kung may paglaganap ng masasamang bacteria sa katawan, nagkakaroon tayo ng bacterial infection
  • Allergy - Isa sa mga sintomas ng allergic reaction ang sipon, kaya nagkakaroon ng buildup ng mucus sa ilong. Kapag nangyari ito, nagiging breeding ground ang ating sinuses para sa bacteria kaya may tiyansa na magka-infection ito. Kung may suspetsa na allergic reaction ang sanhi ng lagnat, bumisita na sa doctor o allergist. Madalas, antihistamine ang gamot na ibibigay para gumaling. Tandaan rin na mahalaga ang pag-iwas sa mga allergen, para hindi ma-trigger ang masamang reaction.

 

  • Viral Infection - Sa mga bata, ang madalas na sanhi ng lagnat ay ang viral infection ng respiratory system, na binubuo ng ilong, bibig, lalamunan, baga, at iba pa. Karaniwang hinahati ang viral respiratory infection sa dalawa: ang upper respiratory infection, at ang lower respiratory infection.

Nagdadala ng lagnat na umaabot ng 37.8 hanggang 40°C ang mga viral infection. Dapat ay palaging i-monitor ang temperature ng iyong kid. Maliban dito, narito ang iba pang sintomas na dulot nito:

  • Paghina ng ganang kumain
  • Masakit na lalamunan at ubo
  • Sakit ng ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan
  • Lethargy o panghihina

 

Symptoms of fever

Upang maagapan ang lagnat sa bata, importanteng malaman ang iba’t ibang sintomas nito. Ang mga sumusunod ay mga sintomas na dulot ng lagnat o “fever”

  • Ang temperatura ay humigit na sa 37°C
  • Pagkahilo
  • Mabigat ang pakiramdam
  • Pagsusuka
  • Masakit ang kasukasuan
  • Wala ng gana sa pagkain
  • Hindi pag-ihi ng anim hanggang walong oras
  • Dilaw o berde na plema

 

Dahil sa mga sintomas na ito, hindi kanais-nais ang experience na ito para sa mga bata. Lalong lalo na para sa mga maliliit na bata na hindi pa gaanong nakakaintindi, mahirap ang pagkakaroon ng lagnat. Dahil dito, importante na nabibigyan ng tamang alaga ang mga ito para maging kumportable sila kahit sila ay may lagnat. At siyempre, dapat mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga ito para mabilis mawala ang kanilang lagnat. Ang diet para sa batang may lagnat ay dapat high calorie, high protein, low fat at madaming fluids. Maliban dito, importante na malaman na ang mga batang may lagnat ay mas nangangailangan ng Vitamin A, Vitamin C, Vitamin B, Calcium, iron at sodium.

Paano ang tamang pag-aalaga sa batang may lagnat?

  1.  Maglagay ng cold compress sa noo ng bata - Nakatutulong sa pagpapababa ng mainit na temperatura ng isang taong may lagnat.

undefined

  1. Painumin ng sapat na tubig – Ang sobrang pag-init ng katawan ay maaaring magdulot ng dehydration sa bata. Kaya’t marapat lamang na painumin ito ng sapat na tubig o sobra pa.
  2. Paliguan ang bata gamit ang sponge bath - Pag papaliguan ang mga bata, maaaring gumamit ng face towel o sponge na inilublob sa maligamgam na tubig upang masigurong hindi rin mabibigla ang katawan.
  3. Pagsuotin ng preskong damit ang bata - Iwasang pagsuotin ito ng makapal na damit o hayaang pumulupot sa kumot.
  4. Painumin ng paracetamol ang bata - Ang paracetamol ang pinakamainam na gamot upang mapababa ang lagnat ng bata.

Mula bacteria na tumitira sa katawan, hanggang sa mga bagay sa kapaligiran, marami ang pwede maging sanhi ng fever o lagnat ng mga bata. At dahil marami silang pisikal na aktibidad sa loob at labas ng paaralan, mataas ang posibilidad na ma-expose sila dito. Ngunit may mga paraan pa rin para maiwas natin sila sa sakit.

Mga dapat iwasan kapag may lagnat ang bata

  • Huwag paiinumin ng iba’t ibang gamot para sa ibang karamdaman - Hanggat hindi pinapayo ng doktor, huwag basta-basta magbibigay ng gamot na para sa trangkaso, sipon, o ubo.
  • Iwasan pagpapaligo ng malamig na tubig o pagpupunas ng alcohol. Maaari lamang lumala ang kondisyon ng lagnat ng bata kung gagawin ang mga nabanggit.
  • Huwag masyado paglaruin ang mga bata – Maaring maglaro ang mga bata ngunit mas makakabuti kung makakapahinga ang kanyang katawan para mapabilis ang pag galing at hindi lumala ang sakit.

 

Ugaliing kumonsulta sa doctor

Bagamat ang lagnat ay normal na proseso ng ating katawan upang depensahan ito mula sa impeksyon dulot ng mikrobyo, maaaring rin na ito ay dulot ng tonsillitis, sipon at iba pang mga sakit. Kung kaya’t importante na mapasuri sa doktor ang inyong anak kapag hindi ito nawala pagkatapos ng 72 hours o three days, upang malaman ang sanhi nito at mabigyan ng tamang medication.

Kumonsulta sa Doktor kung:

  • Ang bata ay kinukombulsyon
  • Kung ang bata ay nakakaranas ng madalas na pagdumi, kumonsulta sa Doktor.
  • Kung ang bata ay nakakaranas ng matinding sakit sa ulo o katawan, kumonsulta sa Doktor.

Maaari rin silang painumin ng Ritemed upang bumaba ang kanilang lagnat at gumanda ang kanilang pakiramdam. Pumunta sa link na ito para sa karagdagang impormasyon: https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paracetamol-250-mg-5-ml-syrup

Reference:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fever/symptoms-causes/syc-20352759

https://www.emedicinehealth.com/fever_in_children/article_em.htm

https://www.webmd.com/first-aid/fever-in-children-treatment#1

https://kidshealth.org/en/parents/fever.html

https://www.healthline.com/health/allergies/can-allergies-cause-a-fever