Ano ang Rheumatic Fever?

February 20, 2021

Ilan sa mga karaniwang sanhi ng heart disease o sakit sa puso ay ang unhealthy lifestyle – pagkonsumo ng matataba, maaalat, at mamantikang mga pagkain, paninigarilyo, pag-inom ng alak, at pagiging overweight. Factor din ang pagiging hereditary ng ganitong sakit. Alam niyo ba na sa Pilipinas, ang mga nabanggit ay hindi ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso?

 

Ayon sa pag-aaral ang na isinagawa ng The American Journal of Cardiology, ang nangungunang sanhi ng heart disease sa bansa ay ang tinatawag na rheumatic fever. Ito ang dahilan ng sakit sa puso ng 54.9% sa mga batang may cardiac problems at 46,6% naman sa adults. Ang komplikasyon sa puso mula sa rheumatic fever ay kilala naman bilang rheumatic heart disease (RHD).

 

 

Ano ang rheumatic fever?

 

Ito ay isang inflammatory disease na nagsisimula sa simpleng strep throat na hindi naagapan at lumala. Streptococcus bacteria ang nagdadala ng strep throat o kaya naman ng scarlet fever sa taong dinapuan nito.

 

Ang strep throat ay isa ring bacterial infection na nagiging dahilan ng pamamaga at pananakit ng lalamunan. Ang karaniwang nakakaranas nito ay ang mga bata edad lima hanggang 15. Pwede itong samahan ng lagnat, pamumula ng lalamunan, sakit ng ulo, ang pagiging hirap sa paglunok.

 

Rheumatic Fever Symptoms

 

Maaaring maranasan ang mga sumusunod sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo matapos magkaroon ng strep throat:

 

  • Lagnat;
  • Pananakit ng mga kasukasuan na may kasamang pamumula;
  • Chest pain;
  • Pagkapagod; at
  • ‘Di-makontrol na movements na pwedeng maranasan sa mga kamay, paa, at sa mukha.

 

Ang inflammation na dala ng rheumatic fever ay maaaring tumagal nang ilang linggo hanggang ilang buwan. Sa kasamaang palad, nagdadala rin ito ng pangmatagalang komplikasyon gaya ng rheumatic heart disease.

 

Rheumatic Heart Disease Symptoms

 

Dala ng pagkipot o pagkakaroon ng tagas ng valve ng puso at pinsala sa heart muscle, nagkakaroon ng rheumatic heart disease kapag hindi nabigyan ng tamang alaga ang rheumatic fever.

 

Importanteng bantayan ang mga sumusunod na sintomas na dala ng RHD:

 

  • Pananakit ng dibdib;
  • Pagkakapos ng hininga;
  • Pamamaga ng tiyan, mga kamay, o paa;
  • Pagkapagod; at
  • Mabilis o irregular heartbeat.

 

 

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/doctor-using-stethoscope-patient-examination-hear-1006754710

 

Paano iwasan at gamutin ang rheumatic fever?

Importanteng maging alerto sa pabalik-balik na pananakit ng lalamunan at siguraduhin ang pag-inom at pagtapos ng antibiotics na nireseta ng doktor. 

 

Maaaring uminom ng Cefuroxime Axetil para tuluyang mapatay ang impeksyong dala ng streptococcus bacteria. Siguraduhing sundin ang tamang dosage at kumonsulta muna sa doktor bago ito ipanggamot sa strep throat.

 

Ilan pa sa pwedeng gawing pag-iingat ay ang mga sumusunod:

 

  1. Frequent handwashing – Lalo na para sa mga bata, ipaalala ang paghuhugas ng kamay lalo na bago at matapos kumain o maglaro. 

 

  1. Takpan ang bibig kapag uubo o babahing – Nakakahawa ang strep throat, kaya naman maging maingat din para sa mga tao sa iyong paligid.

 

  1. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C – Palakasin ang immune system sa pagkakaroon ng well-balanced diet na may prutas at gulay.

 

Sa pag-aalaga ng sarili laban sa rheumatic fever, maiiwasan din ang ang komplikasyong dala nito. Ugaliing magpakonsulta sa inyong doktor lalo na kung pabalik-balik ang mga sintomas nang sa gayon ay mabigyan ng early diagnosis ang inyong kondisyon.

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rheumatic-fever/symptoms-causes/syc-20354588

https://www.ajconline.org/article/0002-9149(62)90323-5/fulltext

https://www.healthline.com/health/strep-throat#symptoms

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/rheumatic-heart-disease

https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-nakukuha-ang-strep-throat