Dahilan ng Panghihina ng Katawan

February 22, 2019

Madalas ka bang nanghihina o agad na napapagod? Hindi natin namamalayan na halos araw-araw maraming Pilipino ang nakakaranas ng ganitong karamdaman ngunit agad din manunumbalik sa dating sigla matapos ang pahinga. Pero hindi lahat ay agad na nakaka-rekober, minsan ang panghihina ng katawan ng isang tao ay maaaring senyales ng malalim na problema sa kalusugan at pwedeng maging sakit. Mahalagang malaman natin ang causes of body weakness at mga pwede nitong maging epekto sa pang araw-araw nating aktibidad.

                                                                                               

Dahilan ng panghihina ng katawan o Causes of body weakness:

  • Puyat
  • Pagkain ng hindi tama sa oras
  • Sobrang pagtulog
  • Pagkain ng hindi masusutansyang pagkain
  • Emotional stress
  • Hindi pag-eehersisyo
  • Sobrang pag-inom ng kape
  • Menstrual cramps (sa mga babae)
  • Anemic
  • Sobrang pagtatrabaho

Mga Posibleng Sakit o Kondisyon na dulot ng Panghihina ng Katawan:

  1. Weakness and Fatigue – ito ay kondisyon ng katawan kung saan ang sobrang paggawa ay nakakaubos ng enerhiya. Ang taong may fatigue ay madalas din na may nararamdamang sakit gaya ng sakit sa ulo, sakit ng mga kasu-kasuan at sakit ng katawan.
  2. Diabetes – ito ay sanhi na mataas na sugar sa dugo. Ang taong may diabetes ay dapat na magpakonsulta sa doktor, dahil kung hindi ito maagapan ay maaaring magdulot ng komplikasyon. Isa sa mga sintomas ng diabetes ay ang panghihina at panlalambot.
  3. Problema sa Nerves o mga ugat – ilan sa mga Pilipino ang nakakaranas ng sobrang panghihina kapag may problema sa nerves o kaugatan. Ito ay maaaring mangyari kung ang naapektuhan ay ang spinal cord.
  4. Impeksiyon – ang impeksiyon sa katawan ay pwedeng magdulot ng panghihina. Kung ang isang tao ay may lagnat at iba pang sintomas, agad na magpakonsulta sa doktor upang sumailalim sa mga pagsusuri at mabigyan ng karampatang lunas.
  5. Cancer – nagdudulot ito ng pagtamlay at panghihina ng katawan kapag ito ay nasa malubhang kalagayan na. Kapag kumalat na ang cancer cells, maaaring bumaba ang timbang ng isang tao, mawalan ng gana sa pagkain at tumamlay.
  6. HIV – ang taong may HIV ay posibleng makaranas ng panghihina. Ito ay dahil sa ang immune system o resistensiya ay nagsisimula nang maging mahina dahil sa virus.
  7. Diarrhea –  Ang diarrhea o LBM ay nakakapanghina ng katawan lalo na kung ang isang tao ay kulang na sa tubig. Dapat uminom ng sapat na dami ng tubig para mapalitan ang nawala sa duming inilalabas natin sa katawan.
  8. Stress – maraming uri ng stress na pwedeng makapagpahina ng katawan. Ito rin ay pwedeng maging sanhi o dahilan ng malalang mga sakit. Ang stress ay dapat na gamutin kung ito ay nagiging problema na sa pang araw araw na gawain sa trabaho, bahay at sa iba pang aktibidad.
  9. Malnutrisyon – ang kakulangan sa sustansiya ng kinakain ay hindi lamang nangyayari sa mga bata. Ang ordinaryong tao ay pwedeng magkaroon ng kakulangan sa sustansiya sa katawan dahil sa hindi pagkain ng wasto at tama.
  10. Anemia – Ang pagkakaroon ng anemia ay kadalasang nagiging sanhi ng panghihina ng katawan at mabilis na pagkapagod. Ang kondisyong ito kung saan kulang ang redblood cells o hemoglobin na inilalabas para magdala ng sapat na hangin sa tissues ng katawan.

Upang maiwasan ang panghihina ng katawan:

undefined

 

  1. Healthy diet and Proper lifestyle

Mahalagang malaman natin ang lagay ng ating kalusugan at ugaliin nating magkaroon ng healthy diet at proper lifestyle, upang hindi tayo makaranas ng panghihina sa katawan o weakness in body. Kumain ng gulay at prutas upang magkaroon ng sapat na bitamina na magpapatibay sa ating katawan.

  1. Maglaan ng oras sa pag-eehersisyo

Simulan ng tama ang inyong araw at bigyan ng oras at halaga ang pag-eehersisyo ng sa gayon ay mas gumanda ang daloy ng dugo sa katawan, magkaroon ng maganda at maliksing pangangatawan.

  1. Magkaroon ng sapat na oras sa pagtulog

Mahalagang mayroon tayong sapat na tulog sa gabi, upang manumbalik ang ating lakas sa umaga at magawa natin ng maayos ang ating mga trabaho. Para rin maiwasan natin ang pagpupuyat.

  1.  Regular na kumunsulta sa doktor

Kapag ikaw naman ay nakaranas ng panghihina ng katawan at mistulang feeling weak ka ay agad ng kumunsulta sa doktor upang masiguro ang lagay ng inyong kalusugan. Hindi lang sa tuwing tayo ay may nararamdaman, dapat regular din tayong bumibisita at kumukunsulta sa doktor.

  1. Iwasan ang pagkain ng sobra

Maging maingat tayo sa ating mga kinakain. Lahat ng sobra ay nakakasama sa ating kalusugan kung kaya’t iwasan ang pagkain ng matatamis at maaalat.

  1. Uminom ng gatas

Makakabuti rin regular na pag-inom ng gatas upang mas tumibay an gating mga buto at mas gumanda ang resistensya ng ating pangangatawan.

  1. Uminom ng vitamins

Upang magkaroon ng sapat na lakas araw-araw ay makabubuti rin na uminom ng vitamins para maka-iwas din sa iba’t ibang sakit. Ang mga vitamins na may ascorbic acid at sodium ascorbate ay ilan sa mga pwedeng inumin. Para makasiguro, kumunsulta muna sa inyong mga doktor kung anong vitamins ang pwede ninyong inumin.  

Ang physical weakness o ang pisikal na panghihina ng katawan ay halos karaniwan ng nararamdaman ng bawat isa sa atin, ngunit hindi dapat ito ipa-walang bahala dahil maaaring magdulot ito ng iba pang sakit at mas lalo pang lumala ang kondisyon ng ating kalusugan.

Habang maaga pa ay ugaliin na nating ingatan ang ating kalusugan upang magkaroon tayo ng mas maayos at magandang pangangatawan. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay malaking tulong upang maayos tayong makapamuhay at para hindi madaling dapuan ng sakit. Tamang ehersisyo, pagkain ng tama at sapat na pahinga ay daan sa mas makulay at makabuluhang buhay.

https://pinoyhealthy.com/palaging-nanghihina-na-pakiramdam-ano-ang-dahilan-at-ano-ang-gamot/

https://www.ritemed.com.ph/articles/anemia-mga-sanhi-sintomas-at-gabay