Exercise Ideas para sa Buong Pamilya

August 18, 2021

Dahil sa pandemic at lockdown, naging mahirap para sa karamihan ng mga Pilipino ang mag-workout at magkaroon ng physically active lifestyle. Kasabay ng pagbabawal sa non-essential na paglabas ay ang pagsasara ng gyms, pools, parks at workout events na pwedeng puntahan ng buong pamilya.

 

Ngunit bahagi ng pagiging malusog at physically fit ay ang regular na exercise. Kahit ang panandaliang morning exercise ay may mabuting epekto para maging physically at mentally healthy.  Ayon sa Department of Health, kailangan ng mga bata ang at least 60 minutong physical activity. Ang mga matatanda naman ay dapat magkaroon ng at least 30 minutong  physical activity para magalawa ang mga muscle araw-araw.

 

Kaya naman mahalaga na hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na maglaan ng oras para sa regular exercise. Anu-ano nga ba ang mga exercise ideas na pwedeng gawin ng pamilya ngayong may pandemya?

 

Gawaing bahay

Para hindi mabigla ang katawan, mag-umpisa sa mga simpleng physical activities tulad ng paggawa ng mga simpleng gawaing bahay. Turuan ang mga bata na magwalis, magdilig ng halaman o magpaligo ng pets. Para sa mga teenagers, maaari silang patulungin sa pagbubuhat ng mga grocery items at iba pang gamit sa bahay. Maaari ring gawing physical fitness bonding ang “general cleaning” kapag weekend.  Ito ay isang epektibong paraan para mahikayat ang buong pamilya na maging physically active kahit nasa bahay lang.

Traditional fitness routine

Ang mga traditional forms of exercise tulad ng pag-stretch sa umaga at jumping jacks ay importante pa rin sa physical fitness ng buong pamilya.

Humanap ng fitness routine na ma eenjoy ng buong pamilya. Maraming online videos for aerobics na pwedeng sundan.  Piliin ang mga routines na may simple pero dynamic movements para sa posture at positional stability tulad ng single-leg stand at exercise ball-sitting.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-family-playing-basketball-together-happy-1740953864

 

Games at sports

 

Isa sa matinding kaagaw ng atensyon ng mga kabataan sa physical fitness ay ang gadgets. Ang iba naman ay mas gustong manood ng TV kaysa sa stretching o workout. Para mahikayat ang mga bata na gumalaw kahit nasa bahay, makipaglaro sa kanila ng mga masasayang physical games tulad ng tumbang preso, taguan at patintero.  Pwede ring magkaroon ng mini sports fest sa inyong pamilya. Maglaro ng basketball, volleyball, badminton o iba pang sports kasama ang buong pamilya.

 

Jump Rope

 

Usong uso ngayon sa mga millennials ang pag wowork out gamit ang jump rope. Ang physical activity na ito ay maaaring gawin bilang isang pamilya. Bumili na ng skipping rope at ayain ang buong pamilya sa isang masayang jump rope session. Nakakatulong itong i-boost ang heart rate at patibayin ang inyong katawan.

 

 

 

 

Dance Workout

 

Isa ang dance workout sa mga masayang exercise na pwedeng gawin kasama ang buong pamilya. Matutuwa ang lahat gumalaw kasabay ang mga upbeat music. Humanap ng mga online videos ng dance workout na pwede niyong sundan bilang pamilya. Ang free flow dancing din ay isang magandang form of exercise. Mag-choreograph ng dance number ng inyong pamilya. Ito ay magandang bonding activity at form of exercise.

 

Bukod sa regular na pag ehersisyo, importante rin ang tamang pagkain, sapat na tulog at pag inom ng tubig para panatilihing healthy ang bawat miyembro ng pamilya.  Makatutulong din ang regular na pag-inom ng vitamin supplement para sa dagdag na lakas, gana sa pagkain at proteksyon laban sa sakit. Bigyan ang iyong anak ng RiteMed Ascorbic Acid upang tulungan sila na maging aktibo at malakas ang pangangatawan.

 

Umpisahan na ang workout this weekend kasama sina ate, kuya, bunso, lola at lolo. Sa tulong ng Internet, mas madaling maghanap ng mga exercise ideas na mae-enjoy ng lahat. Hindi kailangang gayahin ang lahat ng nakikitang workouts online dahil iba-iba ang kakayahan at lakas ng bawat miyembro ng pamilya. Maaari itong i-modify sa mas simpleng paraan. Ang mahalaga ay magkaroon ng regular physical activities ang bawat isa, bata man o matanda.

 

Source:

https://doh.gov.ph/sites/default/files/publications/HBEAT58a.pdf

https://www.helpguide.org/articles/healthy-living/exercise-during-coronavirus.htm

https://healthier.stanfordchildrens.org/en/keeping-your-family-physically-active-in-a-pandemic/