Ehersisyo Para sa mga Mag-Ama

August 26, 2020

Karaniwang ipagdiriwang ang Father’s day o Araw ng mga Tatay sa buwan ng Hunyo. Sa araw na ito, ipadarama ng mga anak ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga ama. May iba’t-ibang paraan sa pagdiriwang ang mga tao nito, minsan ay naghahanda ng mga pagkain ang pamilya o kumakain sa labas.

Ito rin ang araw kung saan binabalikan ng mga anak ang mga bonding moments nila kasama ang kanilang mga tatay. Ayon sa isang blog sa Fit Dad Fitness, isa sa mga magandang recreational activities ng mga mag-ama ay ang pag-ehersisyo nang magkasama.

Bukod sa magkakaroon ng magandang bonding ang mag-ama, makakatulong pa ito sa pagpapalakas ng kanilang katawan at resistensya. Maraming uri ng mga ehersisyo tulad ng mga indoor recreational activities na maaaring ipasubok sa mga anak, anuman ang kanilang edad.

Subukan ang ilang mga ehersisyo na ito:

  • Pushups - Hindi lamang mabisang ehersisyo ang pushup, kundi nakatutulong pa ito na mapaganda ang postura. Ang basic na pushup ay isang epektibong paraan sa pagpapalaks ng muscles sa dibdib at braso. Hindi na kailangan ng kahit anong equipment upang magawa ito at kahit saaan ay maaari itong subukan. Gagamitin lamang dito ang sariling bigat ng katawan.

    Bukod pa rito, madali lamang ito gawin at tamang-tama maski sa mga beginners pa lamang. Mas magiging competitive pa ang mga anak kung hahamunin ang mga ito ng paramihan ng pushup sa loob ng isang minuto. Paniguradong masisiyahan ang mga ito kung sila ang mananalo.
     
  •  Hill Races -  Para mas ma-enjoy ang pagtakbo, bakit hindi subukan makipagkarera sa inyong mga anak? Sa ganitong paraan, mapapalakas na nito ang inyong mga endurance at magiging isang masayang kompetisyon pa ito.


Napapaganda ng pagtakbo ang kabuuang kalusugan ng tao. Napapalakas nito ang mga baga, napapabuti ang daloy ng dugo, naeehersisyo ang mga muscle sa binti at  marami pang iba.
 

  • Run around the block – Subukan namang makipagtaya-tayaan sa inyong bakuran o sa labas ng inyong bahay. Paniguradong mag-eenjoy ang mag-ama sa ganitong paraan ng pagpapapawis. (Tip: Hayaang manalo ang mga anak. Mas mag-eenjoy sila kung sila ang nananalo sa ganitong laro.)
     
  • Hot Lava – Tinawag ang larong ito na Hot Lava dahil ang mechanics nito, ay magpapanggap ang mga kalahok na mainit at may kumukulong lava sa lupa. Nararapat silang makarating sa dulo ng maze gamit lamang na apakan ang mga “safe zone”. Maganda itong group games indoor dahil maaaring gawing safe zone ang mga sofa, o mga carpet at iba pang gamit sa bahay. Maaari rin ito gawin sa labas ng bahay.
    Kinalakihan ng mga Pilipino ang larong Langit, Lupa na mistulang kapareho nitong Hot Lava.

Ilan lamang ang mga ito sa mga laro na maaaring gawin ng mag-ama saanman o kailanman nila naisin. Subukan pa itong gawing mas creative at mas masaya para sa inyo. Bukod sa pagpapalakas ng resistensya at ng katawan, nakakapagdagdag ang mga activities na ito sa bonding moments ng mga anak sa kanilang pagkabata.

Hindi rin kinakailangan na lumabas ng bahay para makapag-ehersisyo dahil maraming mga games for kids indoors na maaaari subukan.

Upang makita ng mundo ang bonding moments ninyong mag-ama, at i-post ito sa instagram gamit ang hashtag na #WorkoutWithDad nang ma-enganyo rin ang ibang mga tatay na mag-ehersisyo kasama ang kanilang mga anak.

Source:

https://www.fitdadfitness.com/blog/2016/11/10/5-exercises-dads-and-young-kids-can-do-together