Edukasyunal na Bonding Time para sa Pamilya

August 26, 2020

Mayroong mga pagkakataon na kakailanganin ng buong pamilya manatili sa loob ng tahanan. Maaaring dahil panahon ng tag-ulan, taglamig o mayroong pumutok na pandemya. Subalit, posibleng magamit ang oras na ito upang mapatibay ang pagsasamahan ng pamilya sa pamamagitan ng mga edukasyunal na aktibidad na tiyak na ma-eenjoy ng lahat.

Madali mainip ang mga bata kung hindi sila nakalalabas ng bahay. Kung kaya, responsibilidad bilang mga magulang na mabigyan sila ng masayang mga mapagkakaabahalan tulad ng mga recreational activities. Bukod pa rito, maaari ring gawin ito upang mapatalas ang kanilang mga isipan.

Narito ang ilang mga indoor recreational activities na maaaring subukan kasama ang buong pamilya:

Family-Photo Bingo

Patalasin ang memorya ng inyong mga anak, at tulungan silang kilalanin ang mga tao sa inyong family tree gamit itong larong ito. Kumuha ng siyam na mga litrato ng pamilya at isaayos ito sa tatlong hilera. Pagkatapos,  bigyan sila ng siyam na baraha o mga piraso ng checker na gagamiting bingo chip. Kapag may nagsabi ng “Daddy” o “Lola”, tatakpan ng inyong anak ang litrato gamit ang baraha o checker. Sinumang magkaroon ng 3  sunud-sunod na bingo ay panalo.

Marshmallow Tinkertoys

Kumuha ng marshmallows at ng maninipis ng stick ng pretzel, ay maaari na kayong makagawa ng isang 3-D na bahay o ng tepee. Kailangan lamang butasin ang mga marshmallow gamit ang pretzel sticks at maaari na nito i-disenyo ayon sa kaniyang kagustuhan. Maaari pang gumamit ng ibang props tulad ng mga laruang baboy o ibang pang hayop. Makatutulong ito sa paghulma ng creativity ng inyong mga anak.

Storytelling na may twist

Isa itong magandang paraan sa pagpapahusay ng pagiging malikhain ng inyong mga anak. Basahan sila ng paborito nilang mga storya ng fairytale o mga adventure. At para mas maging interesado sila, hamunin silang ibahin ang takbo o dugtungan ang istorya. Halimbawa, kung Cinderella ang inyong binabasa at nasa bahagi na kung saan sinira ng mga kapatid niya ang kaniyang damit; tanungin ang inyong anak, “Ano ang gagawin mo kung ginawa iyon sayo? Dapat ba na tumakbo na lang siya at umiyak, o dapat may iba siyang ginawa?” Natuturuan sila na mag-analisa ng sitwasyon.

Gumawa ng Sensory Table

Isang magandang halimbawa ng games for kids indoor ang aktibidad na ito. Kumuha ng mga planggana o bowl, lagyan ito ng mga bagay na may kakaibang tekstura, tulad ng slime, malamig na ispageti, cornstarch, dry na bean, at iba pa. Lagyan siya ng takip sa mata at ipahawak sa kaniya ang mga ito. Pahulaan kung ano ang bagay na kaniyang hinahawakan.

Mag-Disco sa loob ng Kwarto

Karamihan sa mga bata ay mahilig sumayaw. Bakit hindi subukang gawing disco ang inyong kwarto, patayin ang ilaw, lagyan ito ng mga makukulay na ilaw, at pasayawin sila? Bigyan din sila ng flashlights. Magpatugtog ng mga classic na mga kanta tulad ng "Dancing Queen," ng ABBA, at "I Will Survive," ni Gloria Gayno. Siguradong mauubos ang kanilang enerhiya.

Piknik sa Bahay

Hindi kinakailangan na komplikado ang mga aktibidad na gawin upang mapasaya ang inyong mga anak. Isang magandang paraan ay ang pagset-up ng piknik, ngunit sa loob lamang ng bahay! Una, kumuha ng basket, lagyan ito ng mga pagkain na karaniwang dinadala sa mga piknik tulad ng mga juice, tubig, keso, tinapay. Matapos ay gumamit ng mga paper plates, at mga napkin. Lagyan din ng kumot na pangkumot ang kwarto. Maganda itong bonding time upang makapag-usap usap.

Movie Time!

Paminsan-minsan ay hindi rin naman masama ang manood ng mga pelikula kasama ang mga bata. Pumili ng palabas na tiyak na masaya at puno ng aral upang ma-enjoy nila ito. Samahan na rin ng popcorn at inumin para mas maramdam na tila kayo ay nasa sinehan.

Ilan lamang ito sa mga maaaring magawa sa loob ng bahay. Bukod sa pag-inom ng pampalakas resistensiya, nakakatulong ang mga ito na mapanatiling masigla ang mga bata. Tandaan na hindi kinakailangan ng magarbo ang ihandang mga aktibidad para sa mga anak. Siguraduhin lamang na ito ay simple, masaya, at may kapupulutang aral ay tiyak na masisiyahan sila rito.

 

Source:

https://www.parents.com/fun/activities/indoor/kids-indoor-games-activities/ https://www.thedatingdivas.com/85-indoor-activities-for-the-whole-family/