6 Healthy Activities para sa mga Ina at Anak

March 18, 2017

 

Dahil sa kasalukuyang kasikatan ng electronic gadgets at sa dami ng mga nakakatuwang programa sa telebisyon, ang mga bata ay kadalasang nakaupo lamang buong araw at hindi nakakakuha ng sapat na ehersisyo. Hindi naman ito masama kung gawin nang paminsan-minsan. Bilang ina, marami kang maaaring gawin upang maging mas makabuluhan ang oras ng mga bata at matuto makipag-family bonding.

 

Sa isang family workout kung saan kasama mo ang iyong anak, hindi lamang gaganda ang kaniyang kalusugan, bubuti rin ang inyong relasyon sa isa’t-isa. Lalaki siya nang malapit sa iyo at matututong sumunod sa iyong mga payo, maaaring hanggang sa kaniyang pagtanda. Ating talakayin ang mga healthy activities na maari niyong gawin.

 

Ituro ang iyong kinahihiligang sport o ehersisyo

 

Mas masayang magturo kung sadyang gusto mo ang paksa, at dahil madaling maipluwensiyahan ang mga bata, mahihikayat silang makinig at sundin ang iyong itinuturo. Kung mahilig kang mag-bisikleta, tennis, o swimming, ituro ito sa iyong anak para mayroon kayong family workout. Hindi man siya agarang matututo, matututunan naman niya ang determinasyon sa buhay, na kaniyang kakailanganin sa paaralan at sa kaniyang pagtanda.

 

Bukod dito, ikaw rin ay makakakuha ng sapat na ehersisyo habang tinuturuan ang iyong anak. Kapag nakahiligan niya ang iyong mga paboritong ehersisyo, magiging masaya at healthy ang inyong family bonding.

 

Isama ang anak sa pag-aral sa nais matutunang ehersisyo o sport

 

Kung ikaw ay may nais matutunang family workout o exercise, tulad ng yoga, swimming, sayaw, maaaring mag-enroll dito kasama ang iyong anak. May mga instructor o learning center na naghahandog ng programa na pambata at pang-matanda. Sabay kayong matuto ng iyong anak at pareho kayong makakakuha ng sapat na ehersisyo.

 

Makipaglaro sa swing

 

undefined

 

Isa sa mga paboritong gawain ng mga bata ay ang pagsakay sa swing sa mga park at playground. Sa bawat ugoy ng upuan, kitang-kita ang kasiyahan nila. Maaari mo itong gawing family pastime habang nagsasaya ang iyong anak.

 

Pasakayin ang anak sa swing at sabihin na idiretso ang kaniyang mga binti sa tuwing pababa yung upuan. Maglatag ng panapin sa iyong tuhod at lumuhod sa harap ng swing. Nang hindi binibitawan, itulak ang swing at ibalik sa orihinal na posisyon. Ulitin ito hanggang sa makaramdam ng presyon sa abs.

 

Gawing laro ang mga gawaing bahay

 

Maganda kung matuto ang mga bata na gawin ang mga household chores o gawaing bahay habang asa murang edad. Imbis na bigyan lamang sila ng mga responsibilidad, gawin itong laro o family pastime. Isang halimbawa ay ang pabilisan matapos ang paglilinis ng bahay. Kung matapos niyo lahat ng inyong gawain sa loob ng ilang oras, ang premyo ng mga bata sa pagtulong ay ang pagpunta sa sinehan o playground. Hindi lang masasanay ang mga anak sa responsibilidad, matutuwa pa silang gawin ang mga ito.

 

Gawing makulay ang pagkain ng mga anak

 

undefined

 

 

Kalimitang natutuwa ang mga bata sa iba’t-ibang hugis at kulay, at maaari mong gawing stratehiya ito upang masanay sila kumain ng gulay at prutas. Imbis na gumamit ng flash cards, maglabas ng ilang prutas at gulay. Tanungin ang mga anak kung ano ang hugis at kulay ng bawat isa, pagkatapos ay ipatikim sa kanila ang mga ito. Iyong malalaman kung ano ang mga hilig na healthy food ng iyong anak habang ginagawa ito, at maaaring i-ayon ang kaniyang mga kakainin base dito.

 

Paharap na bersyon ng “Horsey, Horsey!”

 

Habang nakahiga, pasakayin ang iyong anak sa baywang. Dahan-dahang i-angat ang iyong baywang nang hindi tumatayo at sabihan ang anak na kumapit. Ulitin ito hanggang sa makaramdam ng presyon sa puwit at hita.

 

Ano ang benepisyo nito? Para kay baby, lalakas ang kaniyang core muscles at gaganda ang balance. Sa iyo naman, mabibigyan ng ehersisyo ang ibabang bahagi ng iyong katawan. Sa madaling salita, ang simpleng larong ito ay maaaring maging family workout.

 

Bukod sa mga natalakay, marami pang healthy activities ang maaring gawin kasama ang anak. Gamitin lamang ang imahinasyon at maaaring maging ehersisyo ang pagkaraniwang gawain.

 

Sources: