Katarata sa Matatanda: Mga Dapat Isaalang-alang

August 17, 2018

Ang katarata o cataract ay ang paglabo ng lens o ang natural na lente ng mata ng isang tao. Ang natural na lente ay nakikita sa likod ng iris at pupil na parte ng ating mga mata. Ang katarata ay ang nangungunang dahilan na nakakaapekto sa paningin ng milyung-milyon sa buong mundo, kadalasan sa mga edad 40 years old pataas.

 

Mayroong three types of cataract na nakakaapekto sa paningin ng mga tao. Ito ay ang mga sumusunod:

 

  • Ang subcapsular cataract ay ang katarata na nabubuo sa likod ng lente ng mga mata. Ito ay kadalasang nararanasan nga mga taong mayroong diabetes at mga taong umiinom ng mataas na dosage ng medication na mayroong steroid.

 

  • Ang nuclear cataract naman ay katarata na nagsisimula sa nucleus o gitnang parte ng mga mata. Ito ay madalas na may kinalaman sa aging o pagtanda ng isang tao.

 

  • Ang  kataratang kadalasang nagsisimula sa periphery ng lente ng mata papuntang gitna ay tinatawag na cortical cataract. Ang kalabuan ng mga mata ay nagaganap sa lens cortex na parte pa rin ng lente ng mga mata.

 

  • Congenital cataracts naman ang katarata na inborn o ipinanganak nang mayroon na ng kundisyong ito. Ito ay genetic o kaya naman dahil sa infection na nakuha habang ipinagbubuntis pa lamang.

 

Mga Sanhi ng Katarata

 

Bagama’t ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng karata ay aging o pagtanda dahil na rin sa namumuong protein na tumatakip sa isang area ng lente ng mata, mayroon pang ibang mga dahilan ang pagkakaroon nito. So, what causes cataracts o saan nga ba talaga ito nagsisimula? Narito ang ilan sa dahilan ayon sa iba’t ibang mga pag-aaral:

 

  • Diabetes
  • History ng pamilya
  • Radiation na nagmumula sa sunlight at iba pa
  • Pagkakaroon ng hypertension
  • Labis na paninigarilyo
  • Matagalang paggamit ng corticosteroid na ginagamit na gamot sa inflammation
  • Labis na pag-inom ng alak
  • Operasyon sa mata
  • Obesity o labis na katabaan

 

Signs and Symptoms of Cataracts

 

Nakakaapekto ng malaki sa quality of life ng isang tao ang pagkakaroon ng katarata. Ito ang sanhi ng tuluyang pagkabulag ng marami lalo na sa mga matatanda. Anu-ano nga ba ang cataract symptoms at signs na dapat isaalang-alang ‘di lamang ng mga matatanda, kundi ng halos lahat ng matataas ang risk?

 

Ang katarata ay usually nagsisimula na halos walang epekto sa paningin ng isang tao dahil na rin maliit na parte lamang ng mata ang natatakpan nito. Kaya naman may mga pagkakataon na hindi na ito napapansin. Isang sign na nagde-develop na ang katarata ay kapag lumalabo na ang paningin na maihahalantulad sa pagtingin sa maduming salamin. Kapag ang isang tao ay may katarata, bagamat walang sakit o discomfort na nararamdaman ay mayroong epekto sa kung kalidad ng paningin. Ilan pa sa signs at symptoms ay ang mga sumusunod:

 

  • Mga kulay na faded sa paningin;
  • Ang mga ilaw na nagmumula sa araw o headlight ay masyadong matindi sa paningin; Kadalasan ay mayroong “halo” sa paligid ng ilaw kapag tumitingin;
  • Mahinang paningin lalo sa gabi o poor na night vision;
  • Madalas na pagkakaroon ng double vision; at
  • Madalas na pagpalit ng salamin dahil sa hindi tumutugmang prescription glasses o kaya naman ay contact lens.

 

Kapag tatlo o higit pa sa mga signs at symptoms na ito ang nararanasan, nararapat na kumonsulta na agad sa doktor sa mata.              

 

undefined

Photo from Pexels

 

Mayroong mga paraan para mas malinaw na malaman kung mayroong katarata. Ilan dito ay ang mga eye examinations na ginagawa ang mga doktor:

 

  • Retinal exam kung saan ang likod ng mga mata na kinaroroonan ang retina ay tinitingnan gamit ang special device. Tinitingnan din ang lens ng mata para makita kung mayroong katarata na nagde-develop;

 

  • Slit-lamp exam na ginagawa sa pamamagitan ng magnification ng microscope para makitang maigi ang structure ng mga mata. Gumagamit ito ng ilaw para makitang mabuti ang cornea ng mata; at

 

  • Visual acuity test na gumagamit ng eye chart para malaman kung gaano kalinaw ang mata para mabasa ang letters. Ito ay ang pinaka-karaniwang test na isinasagawa para malaman kung may panlalabo sa mata.

 

Maaari bang mapigilan ang pag-develop ng cataracts sa mga mata?

 

Ayon sa pag-aaral, halos lahat ng tao ay maaaring makaranas nito lalo na sa pagtanda ngunit mayroong ilang cataract prevention methods na pwedeng makatulong sa pagbagal ng development o para bumaba ang risk na magkaroon nito. Narito ang ilan sa mga paraan:

 

  • Intake ng Vitamin E na siyang nakakatulong sa pagprotekta ng mga mata na nakukuha sa almonds, sunflower seeds, at iba pa;
  • Pag-take ng supplement na mayroong lutein o pag-kain ng mga pagkain na mayaman dito gaya ng mga gulay na spinach at kale;
  • Intake ng Vitamin C at Omega 3-rich food;
  • Tamang lifestyle at pagkain ng masustansyang pagkain;
  • Pag-iwas sa bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak; at
  • Pagsusuot ng sunglasses para maprotektahan ang mga mata sa ultraviolet rays.

 

Treatment for Cataracts

undefined

Photo from Unsplash

 

May mga paraan para masolusyonan o magamot ang katarata o cataract. Narito ang ilan sa mga cataracts treatment na maaaring irekomenda ng mga doctor:

 

  • Sa mga unang sintomas ng katarata, maaaring mag-improve ang paningin ng tao sa pamamagitan ng salamin at ibang visual aids. Makakatulong din ang tamang ilaw, bifocals at magnification ng binabasa.
  • Kapag ang katarata ay malala na at tuluyan nang nakaapekto sa paningin ng isang tao, usually ay inirerekomenda na ang cataract surgery para maibalik ang vision o paningin. Ang cataract surgery ay madalas na ginagawa kapag ang magkabilang mata na ay mayroong katarata. Ito ay safe at effective na operasyon na kadalasan ay outpatient procedure.

 

Risk ng Cataract Operation

 

Gaya ng ibang mga operasyon at treatment, mayroon ding mga risks ang operasyon ng katarata. Ang pag-alis ng katarata sa lente ng mga mata ay magdadaan sa procedure na may posibilidad na mauwi sa infection o kaya naman ay labis na pagdurugo. Mayroon ding risk para sa ibang eye disorders kaya importante na kausapin mabuti ang iyong doktor tungkol dito.

 

Sources:

https://www.emedicinehealth.com/cataracts/article_em.htm#cataract_symptoms

https://www.medicinenet.com/cataracts/article.htm

https://www.allaboutvision.com/conditions/cataracts.htm

https://nei.nih.gov/health/cataract/cataract_facts

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cataracts/diagnosis-treatment/drc-20353795

https://www.nhs.uk/conditions/cataracts/