Workouts Pampaliit ng Tiyan
January 9, 2018
Natural sa bawat tao na maging conscious sa ating kalusugan. Madalas tayo ay masigasig kumain ng masusustansyang pagkain at mag work out upang maging malusog. Pero sa mga hindi maiiwasang pagkakataon, tulad ng mga okasyon, hindi natin maiiwasan maparami ang nakakain.
Ang pag-eehersiyo ay mahalaga sa kalusugan at pagbabawas ng timbang. Ngunit ang pag-eehersisyo ay di lang nakakatulong sa pagpapabawas ng taba sa katawan, ito din ay may benepisyong nabibigay sa kalusugan gaya ng pagpapababa ng sugar. Nakakatulong ang aerobic exercises katulad ng paglakad, pagtakbo at paglangoy sa pagpapaliit ng tiyan. Hindi lamang sa pagbabawas ng timbang nakakatulong ang ehersisyo dahil napatunayan ding nakakatulong itong maiwasan ang pagkakaroon ulit ng taba kaya mahalaga ito upang mapanatili ang timbang.
Ang taba ay nabubuo dahil sobra ang pagkain sa kailangan ng katawan para bigyan ng enerhiya ang mga ginagawa ng isang tao sa pang-araw-araw. Ang sobrang pagkain na ito, imbis na magamit bilang enerhiya, ay naiipon bilang taba.
Mga workouts na maaring gawing upang mapaliit ang tiyan:
Squats
Ang squats naman ay mabisa sa pagpapatibay ng ating hita, binti, at balakang. Ito din ay isa sa mga pangunahing ehersisyo na nagbibigay sa atin ng isang magandang body figure dahil tumutulong itong bigyang hugis ang ating katawan at pagbabawas ng taba.
Lunges
Ang lunges ay maraming natatarget na parte na katawan tulad ng abs, quads, at balakang. Upang magawa ang lunges, ihakbang ng malaki ang isang binti habang nag le-lean paharap. Ibaba ang hips hanggang maging kapantay ito ng hita. Isa itong uri ng simpleng pag-eehersisyo na kung maaari mong gawin kahit saan. Makatutulong ang lunges upang ma-tone at ma-shape ang iyong mga binti.
Bicycle
Ang bicycle ay tinatarget ang upper at lower abs, ang oblique muscles, at ang muscles sa likod. Humiga sa iyong likod at mag “pedal” sa ere ng nakaangat ang paa. Itaas ang isang balikat at umakma na aabutin ang opposite knee. Gawin ito ng pinapanatili ang lower back sa sahig.
Planking
Halos magkatulad ang posisyon ng push up at planking, magkakaiba lamang sa hakbang kung paano ito gagawin. Sa halip na ibaluktot ang braso at ibaba ang katawan, gawin ang push up position ng naka-extend ang iyong braso. I-hold ang posisyon sa loob ng tatlumpung segundo at unti-unting magdagdag ng 10 second bawat araw depende sa kaya mong gawin.
Crunches at Sit up
Kung nais mong magkaroon ng malakas na abdominal muscles, ang crunches ay isang mabisang ehersisyo para sa iyo.
Kung sa sit-up ay inaangat ang ulo at balikat papunta sa tiyan, hindi naman inaangat ang baba ng likod o lower back sa crunches. Sinasabing epektibo ito sa pagpapaliit ng tiyan dahil nagiging sanhi ito ng pagkakaroon ng abs, mababatak ang mga taba at hindi lololobo ang taba sa iyong tiyan.
Reverse Crunches
Ang reverse crunch naman ay tinartarget the lower abs. Panatiliin ang arms sa gilid at gamitin ang abs upang iaangat ang legs, habang dinadala ang tuhod papunta sa iyong mukha. Huwag hahayaang tumama ang paa sa sahig.
Kapag nagagawa ang ehersisyo na ito ng tama, mas nagiging epektibo ito.
Ugaliing mag crunches o iba pang exercise sa tiyan araw-araw, kung maaari nga ay gawin ito ng dalawang beses: isa pagkagising at isa bago matulog.Ang mga ehersisyong ito ay maaaring gawin sa umaga o kaya sa gabi, depende sa iyong ninanais. Mas makabubuting gawing regular ang pag-eehersisyo dahil sa magandang dulot nito sa ating kalusugan at sa ating pangangatawan.
Mga payo upang mapanatili ang maliit ng tiyan
- Regular na mag ehersisyo upang mapanatili ang masustansyang pangangatawan
- Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain.
- Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.
- Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Ito ay nakakalaki ng bilbil.
- Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan.
- Bawasan ang stress at matulog ng sapat
- Maaari ring subukan ang pag-inom ng Psyllium Fiber na nakakatulong sa weight loss. Tandaan na mas mabuting magpakonsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng Fiber supplement para makasigurado na ligtas ito sa iyong katawan.
Kumain ng mga pagkaing maprotina – Ang protina ay kinakailangan sa pagpapanatili ng magandang katawan. Ito din ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang. Ang mga pagkaing maprotina ay sinasabing may malaking epekto sa pagpapaliit ng tiyan. Samantala, sinasabing ang pagkonsumo ng maraming carbohydrates at oil ay nakakadagdag sa taba sa tiyan. Kaya ugaliin ang pagkonsumo ng mga pagkaing maprotina katulad ng itlog, isda, lamang-dagat, at karne. Ang isa pang bagay na maaaring gawin ay ang paggamit ng coconut oil sa pagluluto. Nakakatulong ito na mabawasan ang taba sa tiyan.
Ang mga ehersisyo na nabanggit ay hindi lang nakakatulong sa pagkakaroon ng abs, ito din ay nakakatulong sa pagpapaganda ng ating katawan. Tandaan na ang ating abs ay ang core muscle na kung saang ito ay sumusuporta sa lahat ng galaw ng ating katawan. Hindi lang iyon, ito din ay nakatutulong sa pagpapababa ng risk sa heart disease at diabetes.
Ang pagpapaliit ng tiyan o pagbabawas ng taba ay hindi awtomatikong mangyayari. Kailangan ang disiplina at maiging pagsunod ng mga mungkahi.
Reference:
- http://kalusugan.ph/paano-matanggal-ang-%E2%80%9Cbeer-belly%E2%80%9D-apat-na-hakbang-na-pampaliit-ng-tiyan/
- www.health.com/health/gallery/0,,20664616,00.html#a-new-kind-of-crunch-0
- https://www.webmd.com/men/ss/slideshow-flat-abs-for-men
- https://www.webmd.com/diet/features/5-fat-burning-strategies#1
- https://www.mensfitness.com/weight-loss/burn-fat-fast/how-lose-belly-fat-shredded-and-stronger-midsection
- https://www.prevention.com/fitness/best-workouts-to-target-belly-fat