Karamihan ng mga tao sa kasalukuyan ay sa bahay naghahanap-buhay, nakaharap buong araw sa kanilang mga laptop o kompyuter. Ang matagalang pananatili sa harap ng kompyuter at pag-upo nang matagal ay masama sa kalusugan. Bukod pa rito, siguradong nakakadagdag din ito ng timbang dahil hindi aktibo ang katawan. Dahil sa pagiging abala sa trabaho, nawawalan na ng oras maging aktibo ang mga ito. Hindi rin naman sila makapag-exercise at home, dahil nanaisin na lamang ng mga ito magpahinga.
Subalit, hindi naman kinakailangan na maglaan ng malaking oras sa pag-eehersisyo. Isang angkop at best exercise para sa mga taong work-from-home ay ang pag-stretching. Mabisa itong home exercise dahil madali lamang ito gawin at hindi kinakailangan ng mga gamit.
Narito ang mga stretching fitness exercise na madali at mabilis lamang gawin:
Half downward dog stretch
Tina-target ng half downward dog stretch ang inyong mga balikat, kamay, harmstrings, binti at Achilles tendon. Isa ito sa mga kilalang mga yoga poses na nakakapagpakalma ng isip at nakakaalis ng stress at mild na depresyon. Maaari rin na gawin ang half downward dog stretch anumang oras kung kinakailangan ng boost ng enerhiya.
Backward and forward shoulder rolls
Isa sa epekto ng matagal pag-upo sa harap ng kompyuter o laptop ay ang sakit sa likod. Kung ang ganito ang sitwasyon mo sa pagtatrabaho, maigi na mag-shoulder roll. Maaari itong gawin kahit nakaupo lamang. Ikut-ikutin lamang ang iyong mga balikat nang paulit-ulit. Nakakaalis ito ng stress at tension sa taas ng iyong likod at shoulder muscles.
Neck rolls
Mahusay na type of exercise ay ang Neck rolls dahil marami itong nata-target na parte ng katawan. Sa pamamagitan nito, napapawi ang sakit sa ulo at sa leeg. Ang simpleng uri ng ehersisyong ito ay mabuti rin sa pagpapanatili ng magandang postura at nakakapagrelax ng muscles sa inyong leeg at gulugod
Standing quad stretch
Para sa babang parte ng iyong likod at sa quadriceps (apat na uri ng muscle sa harap ng iyong binti), epektibo ang standing quad stretch upang ma-inat ang mga ito. Nakadaragdag din ito sa flexibility sa mga pangunahin at malalaking muscle at nakaaalis ng tensyon sa bandang baba ng likod at ng bewang.
Open shoulder
Ang open shoulder stretch ay magandang pangontra sa pag-slouch o pagyuyukod buong araw. Nakatutulong ito sa pectoral muscles o ang mga musles nasa sternum. Maigi itong gawin palagi upang magkaroon ng magandang postura at magalaw nang maayos ang mga balikat at ang dibdib. Gawin ito bawat oras sa buong araw upang makatulong din sa paghinga ng maayos.
Ilan lamang ito sa mga ehersiyo na maaaring gawin sa loob ng tahanan. Kung nais naman mas maging aktibo, maaari rin subukan ang cardio exercise pagtapos ng stretching. Makatutulong ang cardio exercise sa pagpapapayat at pagpapabilis ng tibok na puso.
Bukod sa pag-inom ng gamot na pampalakas resistensiya, mahalaga sa kabuuang kalusugan ng mga tao ang pagiging aktibo. Ang normal na ehersisyo ay makakadagdag rin sa pagpapaganda ng mood sa buong araw. Tiyak na nakaka-stress ang pagtatrabaho sa bahay kung kaya nirerekomenda na maging aktibo pa rin. Nakatutulong ito hindi lamang sa pagpapanatiling maganda ang katawan, kundi pati na rin sa resistensiya at sa mental na kalusugan.
source:
https://multisport.ph/2020/04/5-daily-stretches-to-do-if-youre-working-from-home-nicole/