Alam niyo ba na ang regular na stretching ay kasing importante ng regular exercise? May mga tao na hindi na ito ginagawa dahil sa sobrang busy ng kanilang schedule, pero importante na isama ito sa daily routine dahil maraming benefits sa katawan ang stretching.
Ang stretching ay importante para mas maging flexible at maiwasan ang mga karaniwang injuries at muscle pains, lalo na para sa mga mahihilig sa physical activities o mga atleta. Pinapagaan din nito ang paggalaw ng muscles at pinapainam ang pag-daloy ng dugo sa katawan. Pero anu-ano pa nga ba ang benefits ng stretching?
Nagpapaganda ng postura
Nakakatulong ang stretching sa pagtatama ng posture ng isang tao sa pamamagitan ng paghila ng mga parte ng katawan papunta sa mga pinakatama nilang posisyon. Ang pag-stretch ng likod, dibdib at balikat ay nakaktulong maiayos ang alignment ng spine. Ang spine na nasa tamang alignment at napapabuti ang overall posture ng isang tao.
Nagpapalakas ng stamina
Nakakatulong ang stretching sa pagbawas ng stress na nararamdaman ng mga kalamnan. Dahil dito, mas nakakahinga ng maayos ang mga kalamnan at naiaayos ang pagdaloy ng dugo sa katawan. Ang maayos na pagdaloy ng dugo ay nagreresulta sa maayos na sirkulasyon ng oxygen sa katawan. Dahil dito ay mas matagal ang panahon bago tuluyang mapagod ang katawan.
Nakakatulong makabawas ng cholesterol
Ang pagkakaroon ng healthy diet at mahabang stretching exercise ay nakakatulong mapababa ang cholesterol sa katawan. Iniiwas din ang pag-uunat ng katawan sa pagkakaroon ng matitigas na ugat.
Napapahusay ang lakas ng paggalaw
Ang pagkakaroon ng regular stretching workout ay nagreresulta sa mas malakas na buto-buto at kalamnan. Dahil dito, mas napapababa ang chansa ng pagkakaroon ng injury, at mas napapaganda ang performance ng isang atleta.
Napapabuti ang energy levels
Maraming pagkakataon na mahirap talagang kumilos at magpatuloy sa gawain. Ang simpleng pag-stretch ng katawan ay maaring makakatulong maibalik ang nawalang energy ng katawan. Naibabalik din nito ang kinakailangang pagka-alerto at focus ng isipian. Humihigpit ang mga kalamnan kapag ito ay pagod at stressed out at ang simpleng paggalaw ay malaking bagay upang maibalik at maiangat ang energy levels na kailangan.
Napapagaan ang pakiramdam ng mga may PMS
Ang PMS o premenstrual syndrome ay ang pisikal at emosyonal na pagbabago na nararamdaman ng mga babae kapag malapit ng dumating ang kanilang kabuwanan. Nakakatulong ang regular na stretching para maibsan ang nararanasang cramps tuwing magkakaroon. Napapabuti din nito ang disposisyon ng mga kababaihan dahil sa banayad at nakakarelax na paggalaw.
Napapabuti ang pagtulog
Mas relaxed ang mga muscle at utak kapag kasama ang sa daily routine ang stretching. Ito din ay maaaring makatulong sa pagtulog ng mahimbing. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mayroong regular exercise na may kasamang stretching ay nakakapagbigay ng mahimbing na tulog kaysa sa mga taong hindi gumagawa nito.
Hindi naman kinakailangang tumagal ng higit sa sampung minute ang pag-stretch. Maari itong gawin kung kailang nais at kung kalian kayang gawi. Kinakailangan lang tandaan na ang activity na ito ay hindi warm-up. Hindi ito maaaring gamitin bilang panimula sa isang exercise routine dahil mananakit agad ang mga kalamnan kapag ganon ang nangyari.
Kung isasama ang stretching sa isang exercise routine o workout, kinalailangan munang mawarm-up ng katawan. Mainam na pang warm-up ang mga simpleng cardiovascular exercise gaya ng paglalakad at aerobics. Kapag nawarm-up na ang katawan, saka maaaring gawin ang stretching para mabatak ang mga buto at kalamnan bilang paghahanda sa workout na gagawin. Matapos ang kabuuan ng workout, importanten din na mag-stretch ulit upang matanggal naman ang stress na pinagdaanan ng katawan sa workout.
Sources: