Over Exercising: Ano nga ba ang mga Panganib nito?
Kung tatanungin ang mga eksperto sa kalusugan, ang wastong ehersisyo ay yung may moderate intensity lamang. Maraming tao ang sobra kung mag-ehersisyo na ayon sa mga professionals ay hindi nakakabuti. Kung ikaw ay madalas mag-exercise at napapansin mong lagi kang pagod at hindi consistent ang iyong performance, marahil ay dapat kang maghinay-hinay sa iyong workout exercise. Marahil ay guilty ka sa over-exercising.
Ano ang mga senyales ng over-exercising?
Mahalagang malaman ang mga senyales na labis labis na ang ginagawa mo ito man ay isang dance exercise, exercise to lose weight, o anumang uri ng pang-araw-araw na ehersisyo. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung kailangan mo munang ipahinga ang iyong katawan at kung ano ang dapat mong baguhin sa iyong workout exercise.
Upang mapalakas ang katawan, kailangang sanayin ito. Ngunit hindi alam ng marami na upang magawa ito, kailangan din ng katawan ang sapat pahinga. Ang pahinga ay mahalagang bahagi rin ng training. Ang katawan ay dapat ipinapahinga upang maka-recover ito at maging handa sa susunod na workout. Kapag hindi sapat ang pahinga ng katawan, maaaring mauwi ito sa hindi magandang performance o di kaya naman ay sa problema sa kalusugan.
Narito ang ilan sa mga pangunahing sintomas ng labis na pag-eexercise.
- Kawalan ng kakayahang mag-perform ng parehong level
- Pangangailangan ng mas mahabang pahinga
- Pakiramdam na laging pagod
- Pagiging depressed at anxious
- Pababago-bago ng mood at pagiging iritable
- Hirap sa pagtulog
- Pananakit ng muscles at panlalata
- Pagkakaroon ng injury
- Kawalan ng motibasyon
- Pagbaba ng timbang
Kung madalas kang nag-eexercise at napapansin mo na ang mga sintomas na nabanggit, mabuting bawasan muna ang pag-eexercise at magpahinga muna sa loob ng 1 o 2 linggo. Kadalasan ay sapat na ito upang makarecover ang iyong katawan.
Sakaling nakakaramdam ka pa rin ng pagkapagod makalipas ang 1 o 2 linggo, mas mabuting kumonsulta na sa doktor. Marahil ay kailangan pa ng iyong katawan na mas mahabang pahinga kaya ipagpaliban na muna ang pagwo-workout. Papayuhan ka ng iyong doktor kung kalian ka pwedeng bumalik sa iyong body exercise.
Paano maiiwasan ang overtraining?
Madaling maiiwasan ang over-exercising o overtraining kung marunong kang makinig sa pangangailangan ng iyong katawan. Kagaya ng nabanggit, ang pahinga ay kasinghalaga ng mismong training.
Narito ang ilang tips upang hindi ka masobrahan sa ehersisyo o workout:
- Kumain nang sapat na dami ng calories base sa intensity ng iyong exercise
- Bawasan ang workout kung nalalapit na ang sasalihang kompetisyon
- Uminom ng sapat na dami ng tubig tuwing mag-eexercise
- Matulog nang hindi bababa sa 8 oras gabi-gabi
- Huwag mag-exercise sa lugar na sobrang init o sobrang lamig
- Bawasan o ipagpaliban ang exercise kung hindi maganda ang pakiramdam o nakakaranas ng stress
- Magpahinga nang hindi bababa sa 6 na oras sa pagitan ng exercise
- Magpahinga ng 1 araw kada lingo
- Uminom ng supplement na nakakapagpalakas ng iyong resistensiya
Ano ang compulsive exercising?
Para sa ilang tao, ang ehersisyo ay nagiging isang “compulsion.” Nangyayari ito kapag pakiramdam mo ay kailangan mo pa ring mag-exercise kahit hindi mo naman talaga kailangan. Narito ang mga senyales ng compulsive exercising:
- Pakiramdam na guilty o nag-alala kapag hindi nag-eexercise
- Nagpapatuloy pa rin sa ehersisyo kahit may injury o karamdaman
- Nag-aalala na ang iyong pamilya, mga kaibigan, o trainer sa labis mong pag-eexercise
- Hindi ka na nag-eenjoy sa pag-eehersisyo
- Lumiliban sa trabaho o sa eskwela makapag-exercise lang
- Tumitigil ang buwanang dalaw (sa mga babae)
Ang ganitong kondisyon kung minsan ay nauugnay sa ibang mga disorders kagaya ng bulimia at anorexia. Maaari itong magdulot ng problema sa puso, muscles, buto, at sa nervous system.
Kailan dapat humingi ng tulong medikal?
(https://www.shutterstock.com/image-photo/doctor-consulting-patient-desk-clinic-closeup-1668959917)
Makakatulong kung hihingi ka ng atensyong medikal sakaling makaranas ng problemang konektado sa over-exercising. Narito ang mga sitwasyong kailangan mo ng tulong mula sa isang propesyunal.
- Nakararanas ng senyales ng overtraining kahit nakalipas na ang 1 o 2 linggong pahinga
- Nakakapansin ng senyales ng compulsive exercising
- Nawawalan na ng kontrol sa gaano kadalas at katindi mag-exercise
- Nawawalan na ng kontrol sa dami ng pagkain
Sa pamamagitan ng paglapit sa isang eksperto, malalaman mo ang mga paraan upang magamot ang iyong sarili at itama ang mga pagkakamali sa pag-eexercise. Huwag mahihiyang humingi ng tulong sa iyong doktor o trainer. Makakatulong din kung mare-reserch mo ang best exercise para sayo.
Sources:
https://medium.com/mind-cafe/how-to-tell-if-youre-over-exercising-and-what-to-do-when-you-are-383cef403574
https://www.huffingtonpost.com.au/2017/08/06/how-much-exercise-is-too-much_a_23064102/
https://www.hrymca.org/2018/07/23/as-you-are-the-risks-and-signs-of-overexercising/#:~:text=Overexercise%20may%20be%20a%20way,disorders%2C%20including%20depression%20and%20anxiety
https://www.webmd.com/men/features/exercise-addiction