Isa sa mga dahilan kung bakit hindi makapag-exercise ang marami ay ang pagiging busy sa work. Pag gising sa umaga, madalas na nagmamadali na ang karamihan para magtrabaho. Ngunit mahalaga ang pagbibigay ng oras sa workout at physical fitness para labanan ng katawan ang fatigue at stress sa trabaho.
Kaya naman importante na humanap ng paraan para maisingit ang regular physical activities sa iyong araw-araw na schedule. Isang mabisang paraan ay ang pag eehersisyo sa loob mismo ng iyong work station. Hindi mo kailangang pumunta ng gym para lang magkaroon ng daily physical activity. Subukan ang mga sumusunod na exercise ideas na pwede mong gawin kahit ikaw ay nasa sa iyong workstation.
Sa mga exercise ideas na ito, walang equipment na kinakailangan. Sa loob lang ng ilang minuto, pwede kang mag stretch at gumawa ng iyong morning exercises sa station bago magsimula ang trabaho. Pwede ring mag-stretch ng muscle during lunch break o kaya in between work.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-businessman-stretching-office-workplace-fitness-1191460396
Lower Back Stretches
Isandal ang upuan sa wall at umupo. Ibaling ng kaunti ang katawan papunta sa kaliwa, paharap sa sandalan ng upuan. Ito ay makakatulong na mastretch ang iyong likod. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 20 - 30 segundo. Ulitin ito nang nakaharap naman sa kanan.
Wrist Stretches
I-extend ang iyong kanang braso paharap. Nakaharap dapat ang palad sa taas. Sa loob ng 20 - 30 seconds, hilahin isa-isa ang mga daliri paloob gamit ang iyong kaliwang kamay. Makakatulong ito sa pag stretch ng iyong muscles. Ulitin ito sa kaliwang braso.
Forearm Stretch
Pagdikitin ang dalawang kamay sa harap ng dibdib sa parang para kang papalakpak. Dahan-dahang igalaw ang wrist pakaliwa at pakanan upang ma-exercise ang iyong kamay at braso.
Arm Circles
Mahalagang tumayo maya’t maya mula sa pagkakaupo sa harap ng computer o screen. I-angat ang mga braso sa magkabilang gilid upang maging kapantay ito ng iyong balikat. Igalaw ang iyong braso in circular motion nang 20 ulit. Gawin ito sa pakabilang direksyon.
Lower Body Workout
Kailangan din ng aerobic exercises ng iyong hita at binti. Tumalikod sa iyong upuan at ilagay ang dalawang kamay sa dulo ng upuan. Ilayo nang kaunti ang iyong bewang at dahan-dahang bumaba taas sa parehong posisyon. Tama ang iyong posisyon kapag ang iyong siko ay nasa 90-degree angle.
Stretch your Feet
Para naman sa iyong paa, i-stretch ito habang nakaupo at dahan dahang iikot ito clockwise. Gawin ito ng 20 na ulit. Gawin din ito in a counterclockwise motion nang 20 na ulit.
Para tuluyang labanan ang fatigue at stress sa trabaho, sabayan ang unti-unti mong pag-exercise sa workstation ng tamang pagkain. Makakatulong rin ang pag-inom ng Vitamin B Complex para lalong palakasin ang iyong katawan laban sa fatigue at stress.
Sa simpleng paraan tulad ng workstation exercises, mapapangalagaan mo ang iyong kalusugan kahit na busy ka sa trabaho.
Sources:
https://www.tinypulse.com/blog/sk-desk-exercises
https://snacknation.com/blog/office-exercises/