Ang lungs ay importanteng parte ng ating katawan, kaya kailangan nito ng tamang pangangalaga. Ang baga ang dahilan kung bakit tayo nakakahinga. Katulad ng mga braso at binti, lumalakas at tumitibay din ang baga kapag nabibigyan ng tamang ehersisyo.
Narito ang ilang simpleng paraan na makakatulong mapalakas at mapagtibay ang baga.
Deep Breathing Exercise
Maraming klase ang deep breathing exercise, pero ang pinaka-common ay ang simpleng paghinga ng malalim paloob at palabas. Napapalakas ang baga kapag ginagawa ito dahil nachachallenge silang malamanan ng mas maraming hangin kumpara kapag humihinga lamang ng normal.
Ang deep breathing exercise ay magagawa sa pag-inhale ng malalimmula sa ilong , at pag-exhale ng malalim mula sa bibig o sa ilong din. Importante na lumalaki ang tiyan o diaphragm tuwing pag-inhale, dahil ito ang tamang paraan ng malalim na paghinga. Kung mag-eexhale na, hayaan lang na lumiit ang tiyan at tuluyang ilabas ang lahat ng natitirang hangin sa ating katawan. Repeat the procedure at gawin ito ng 10 to 15 minutes everyday. Mainam na gawin ito araw-araw para mas mapalaki ang kapasidad ng ating mga baga.
Cardio Exercise
Ang cardiovascular exercise ay nakakapagpabilis ng heartbeat. Ang puso at baga ay parehong lumalakas kapag gumagawa ng mabibigat at mabibilis na gawain. Ang mga activity na ito ay nakakapagpalakas ng puso at nakakapagpalaki ang kapasidad ng baga.
Maraming klase ng cardio exercise ang maaari gawin. Ang ilan sa mga ito ay ang jogging, running, swimming at brisk walking. Ang swimming ang maitututuring na pinaka-challenging sa mga nabanggit. Mas madaming pressure ang nararamdaman ang katawan, kaya mas malaking chance na maihersisyo ang baga. Tandaan, importanteng mag-warm up at mag-cool down kapag pinapaplanong sumabak sa kahit anong mga cardio exercise.
Hiking
Ang hiking ay maituturing din na cardio exercise pero mas challenging ito kaysa sa jogging, running, swimming at brisk walking. Mas kaunti ang oxygen content sa matataas na lugar dahil mas manipis ang hangin dito. Ito ang dahilan kung bakit hinihingal tayo kapag umaakyat o pumupunta tayo sa matataas na lugar. Ang baga natin ay nagtatrabaho ng maigi kapag nag-eehersisyo tayo sa matataas na lugar. Mainam na gawin ito ng may kasama para mas enjoy ang ehersisyo.
Resistance Training
Para mas mapalakas pa ang baga, magandang gawin ang resistance training, para may kaunting challenge. Kailangan lang ng ilang equipment na makakapag-bigay ng kaunting bigat habang ginagawa ang deep breathing exercise routine. Pwedeng gumamit ng weights, katulad ng mga boteng may laman na tubig, o kaya dumbbells.
Tandaan, kailangan ng slow start. Subukan munang gawin ang mga ito ng 10 to 15 minutes araw araw para hindi mabigla ang katawan at maiwasan ang pagsakit ng dibdib, likod at balakang.
Maraming tao ang hindi nakikita ang benepisyo ng pagpapalakas ng baga hanggang sa maramdaman na lang nila na mabilis silang hingalin o mapagod sa kaunting activity lang na kanilang ginagawa. Importante ang pagpapalakas ng baga dahil pinapalakas din nito ang resistance natin. Ang taong may malakas na baga ay maraming nagagawa at mas naeenjoy ng buhay.
Sources: