Laganap ang kaalaman na nakakabuti ang regular exercise sa kabuuang kalusugan ng isang tao. Dagdag pa rito, kapag ginagawa ito kasama ang ating mga mahal sa buhay, may mga kaakibat na benefits pa ang pag-eehersisyo. Tingnan natin kung ano ang nagagawa ng physical fitness activities para sa kids at parents:
- Mas malakas at masiglang pangangatawan
Kahit gawin mag-isa, ang ehersisyo ay nakakapagpalakas ng mga muscle at mga buto. Kapag naman ginawa ito ng kids at parents nang magkasama, mas gaganahan ang bawat isa. Sa ganitong paraan, mas hahaba ang endurance ng mag-anak at mas tatagal ang oras na mailalaan para sa physical activities.
- Mas malalim na bonding para sa pamilya
Magiging mas enjoyable ang anumang exercise routine o fitness activity kung gagawin ito nang magkasama ng mga anak at magulang. Bukod sa pagiging healthy ng katawan, nakakadagdag din ito sa social skills at quality time ng pamilya.
- Encouragement
Kapag walang gana ang isa sa mga magulang o ang mga bata, mayroong magpapalakas ng loob ng mga ito. Importante ang encouragement para mapanatiling regular ang fitness activities at maiwasan ang sedentary lifestyle.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-father-son-playing-basketball-garden-782487985
- Mabuting halimbawa
Kung ang mga magulang ay physically fit, nagbibigay sila ng mabuting halimbawa sa kanilang mga anak tungkol sa pag-aalaga sa kalusugan. Importante rin na makita ng kids ang ganitong klaseng disiplina at dedikasyon habang sila ay bata pa. Sa ganitong paraan ay lalaki sila nang may tamang pananaw sa physical fitness at maayos na kalusugan.
- Pagpapalaki ng physically fit kids
Dahil mababawasan ang oras ng mga bata sa paglalaro ng gadgets o panonood ng TV, mapapababa ang risk nila sa pagkakaroon ng chronic diseases gaya ng diabetes, high blood pressure, at hypertension. Makakaiwas din sila sa pagiging overweight. Dagdag pa rito, mababawasan ang tendencies nila sa pagkakaroon ng depression at iba pang mental health problems. Ito ay dahil sa endorphins na inilalabas ng katawan tuwing nag-eehersisyo.
Anu-anong physical fitness activities ang pwedeng gawin ng pamilya?
Depende sa oras, sports facilities, at health conditions na nakapalibot sa inyong mag-anak, narito ang ilan sa mga physical fitness ideas na pwede ninyong subukan:
- Paggawa ng gawaing-bahay gaya ng paglilinis at paglalampaso;
- Aerobics;
- Stretching;
- Paglalaro sa playground gaya ng monkey bars;
- Pagbibisikleta;
- Jogging o walking;
- Team sports gaya ng basketball;
- Paglalaro ng badminton;
- Minor hikes o trek sa mga bundok;
- Yoga;
- Swimming; o
- Outdoor games gaya ng habulan at mga laro ng lahi.
Sources:
https://kidshealth.org/en/parents/exercise.html