Bagong Taon, Bagong Ehersisyo

January 16, 2018

Taun-taon ay may mga nauusong workout at exercises na sumisikat. Ang ilan rito ay para sa pampapayat habang ang iba naman ay para mas ma-promote ang healthy active lifestyle. Ayon sa taunang survey mula sa American College of Sports Medicine (ACSM), babalik sa basic ang mga mauusong ehersisyo ngayong 2018. Ano ang mga ito at pasok ba ito sa ating lifestyle? Yan ang ating aalamin sa article na ito. Siguradong mayroong exercise na makakapagbago ng ating healthy lifestyle ngayong taon at para maging matupad ang ating mga New Year’s Resolution.

  • High Intensity Interval Training
    Matagal ng ginagawa ang workout na ito ng mga atleta. Ang HIIT ay isang mabilis na workout. Pasok ito sa schedule ng mga laging busy. Kada session ay tumatagal  lamang ng hindi pa hihigit sa 30 minutes. Isang series ng high intensity exercises na susundan naman ng maiiksing recovery period ang ginagawa sa program na ito. Halimbawa ng isang set ay ang pag-takbo sa loob ng 15 hanggang 30 seconds at paglakad ng 45 seconds.
    Labis na pagpapawis ang resulta ng workout na ito dahil sa pagbabago ng pace. Ikatutuwa ito ng mga nais magbawas ng timbang. May paalala ang mga doktor sa mga nais gumawa nito dahil sa taas ng risk ng pagkakaroon ng injury.

  • Group Classes
    Ang mga fitness class ay unti-unti nang umuusbong sa Metro Manila. Nauna na riyan ang mga Zumba o di naman kaya ay aerobics classes sa mga gym. Napatunayan na rin na patok ito sa ilang fitness buffs na karamihan ay mga kababaihan o magbabarkada.
    Sa group classes maaaring sumailalim sa iba’t-ibang training ang mga sasali: cycling, boxing, o dancing. Ang ikinaganda ng workout na ito ay beginner-friendly ito dahil sa nabubuo nitong sense of community kung saan ine-encourage ng mga nag-te-training ang bawat isa.

  • Yoga
    Traditional workout na ang yoga ngunit mananatili pa rin itong sikat ngayong 2018 dahil sa mga alternatibong pamamaraan ng pagsagawa nito. Isa na ang pagdagdag ng weights sa kada move. Kung ang traditional na yoga ay puro lamang stretch at gumagamit lamang ng body weight, ang bagong mauusong klase nito ay isa na ring workout para ma-improve ang strength ng mga participant. Ninanais pataasin ng yoga na ito ang lakas, balance, flexibility, at metabolism ng bawat yoga.

undefined

  • Running Groups
    Hindi bago sa atin ang makakita ng mga nagjo-jogging sa parks o siyudad. Karamihan sa kanila ay solo lamang. Ngunit ngayong taon  ay mauuso na ang mga grupo ng mga runner. Gaya ng group classes, isa itong program kung saan sama-samang tatakbo ang mga participant. Nagiging beneficial ang program na ito dahil sa nabubuo nitong social aspect. Ayon kay Greg Laraia, ATC Certified Running Coach, sa pamamagitaan ng program na ito ay nae-enganyo ang mga mananakbo na i-challenge ang kanilang sarili na maglabas pa ng mas matinding effort.
    Bukod pa riyan, mas nagiging mas masaya ang pagtakbo kapag may kasama. Gaya lamang ito ng pag-jogging kasama ang pamilya tuwing umaga. Mayroon rin itong kasamang dagdag safety lalo na kung gabi tatakbo sa city kumpara sa pagtakbong mag-isa.

Ilan lamang ang mga iyan sa mga ehersisyo dapat nating pagtuunan ng pansin, pag-aralan, at subukan ngayong taon. Lagi lamang tandaan na unahin ang safety sa anumang workout na inyong gagawin. Kung may health condition naman ay mabuti rin ang pagkonsulta muna sa doktor kung pasok ito sa inyong lifestyle. Wala ng rason ngayong 2018 para hindi ma-achieve ang inyong mga 2018 New Year’s Resolution.

Sources: