5 Mabuting Ehersisyo para Mapaganda ang Postura

March 10, 2017

 

Malimit nating marinig ang ating mga magulang o kaibigan na paalalahanan tayo na umupo o tumayo nang maayos. Hindi man natin batid, ang mga simpleng bagay na ito ay mahalaga sapagkat nakatutulong ito sa pag-aayos ng posture. Bukod sa mas kagalang-galang tingnan ang may good posture, marami din itong dalang benepisyo sa katawan.

 

Ang pagkakaroon ng good posture ay nakakatulong sa mga operasyon ng digestive system, puso, at mga blood vessels. Nakakabawas din ito ng pagod at nakakapagpabuti sa ating paghinga. Paano nga ba mapapaganda ang postura? Narito ang ilang mabuting ehersisyo na maari mong gawin.

 

Back extensions  

 

Hindi mo kailangan ng mahirap at nakakapagod na workout para mapaganda ang posture. Sa katotohanan, ang kabaliktarang bersyon ng sit-ups o crunches ay mainam na upang mapalakas ang likod, mapabuti ang flexibility, at maisaayos ang pagtayo ng tuwid.  

 

Kailangan lamang humiga nang nakadapa, ilagay ang mga kamay sa likod ng ulo, at dahan-dahang iangat ang mga balikat hanggang sa makakaya bago muling dahan-dahang ibalik ang katawan sa starting position. Ulitin ito hanggang sa makaramdam ng presyon sa likod.

 

Shoulder rolls  

 

Ang madaling workout na ito ay maaring gawin kahit na asa opisina. Nakakatulong ang shoulder rolls sa pag-aayos ng posture habang nakaupo at sa pagpapabuti ng balanse. Mahalaga ito dahil nakaupo buong araw ang karamihan sa mga nag-oopisina.

 

Habang nakaupo, ilapat ang mga kamay sa harap ng inyong katawan at dahan-dahang iangat ang mga balikat hanggang sa malapit sa tenga. Manatili sa ganitong posisyon ng ilang segundo bago mag-exhale at ibalik ang balikat sa dating position. Gawin ito ng sampung beses.

 

Planks  

 

 

undefined

 

 

Importante ang matibay na core o abdominal muscles sa pagkakaroon ng good posture. Kapag malakas ang abs, hindi nahihirapan ang katawan buhatin ang upper body, kaya naiiwasan ang pagiging kuba habang nagta-trabaho. Ang benepisyong ito ay makukuha sa paggawa ng planks. Maliban sa mga nabanggit, nabibigyan nito ng sapat na ehersisyo ang tiyan, likod, at balikat.

 

Humiga nang nakadapa sa sahig. Ilapat ang mga palad sa sahig at pagdikitin ang mga paa. I-angat ang sarili gamit ang mga siko habang binabalanse ang katawan. Dapat tuwid ang mga legs at nakaunat ang mga daliri sa paa habang binabalanse ang sarili.. Panatilihin ang posisyon ng 1-2 minuto o hanggang sa makaramdam ang presyon sa tiyan, likod at mga balikat.

 

Standing side bend  

 

Mabuti ang pagste-stretching sa katawan. Binabanat nito ang mga kalamnanan at kasukasuan upang maiwasan ang mga injury. Nakakatulong din ito sa pag-aayos ng posture. Para sa mga taong busy, maari itong isama sa iyong morning routine, maging sa bahay man o opisina.

 

Tumayo nang tuwid, nang bahagyang magkahiwalay ang mga paa. Itaas ang kaliwang kamay at ipatong ito sa taas ng ulo habang nakahawak sa kanang tenga. Unti-unting dalhin ang katawan pakanan hanggang sa makaramdam ng strain sa kaliwang balikat at bahagi ng katawan. Manatili sa ganitong posisyon ng 30 segundo - isang minuto. Pagkatapos ay gawin naman ito sa kabilang direksyon. Ulitin ang madaling workout ng 3-5 beses.

 

Pilates swimming  

 

undefined

 

 

Kung uusisain, ang pilates swimming ay parang baryante ng back extensions at may karagdagang benepisyo sa katawan kumpara sa naunang eherisyo. Tumutulong ito sa pag-aayos ng posture at sa pagpapalakas ng likod at mga binti. Gaganda ang iyong balance at flexibility kung gawin ito araw-araw.  

 

Humiga nang nakaharap sa sahig at i-stretch ang mga kamay sa direksyon ng iyong ulo. Iangat nang sabay ang mga kamay at paa habang pinapanatiling diretso ang likod. Ulitin ito ng ilang beses. Mas maigi kung may kasamang tutulong at aalalay sa inyong likod kung gagawin ang routine na ito, lalo na kung hindi ka hiyang sa pag-eehersisyo.

 

Ang simpleng pag-aalaga at pagbibigay ng atensyon sa ating postura ay hindi lamang maganda sa katawan, ito rin ay makakatulong sa produktibidad sa trabaho. Kung maganda ang iyong postura habang nasa iyong cubicle, mas madaling gumalaw at mas matalas ang utak. Ang bad posture, gaya ng slouching at pagiging kuba, ay tumutuloy sa katamaran at sa huli, kalungkutan.

 

Sources: