10 Summer Sports at Exercises para sa Pagbabawas ng Timbang

April 09, 2016

Photo Courtesy of skeeze via Pixabay

 

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng International Diabetes Federation Western Pacific noong 2015, lumalabas na may 415 milyong katao ang mayroong diabetes at 3.5 milyon mula rito ay galing sa Pilipinas.

Base sa report, ang Pilipinas ay maituturing na isa sa world’s emerging diabetes hotspots at kasama sa top 15 nang diabetes prevalence sa buong mundo. Mayroong tatlong pangunahing uri ang diabetes mellitus (o mas kilala bilang diabetes) at ito ay ang type 1 diabetes, type 2 diabetes, at gestational diabetes. Sa patuloy na pagtaas ng populasyon ng may sakit, importanteng malaman ang mga sintomas ng diabetes upang maagapan ito.

 

Ano Ang Diabetes?

 

Ano nga ba ang diabetes? Ayon sa Department of Health o DOH, ang diabetes ay isang serious chronic disease na kung saan nagkakaroon ng pagtaas sa blood sugar levels kasama na ang mahabang panahong pinsala o pagkasira ng organ functions, lalong lalo na sa mga mata, bato (kidneys), ugat (nerves), puso at daluyan ng dugo (blood vessels). Ang diabetic neuropathy ay pangkaraniwang nararanasan ng isang diabetic kung saan napipinsala ang ugat ng isang indibidwal, karaniwan sa kanyang paa at hita.  Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili at kaalaman tungkol sa diabetes symptoms, maaaring maiiwasan ang paglala ng sakit na ito.

 

Ang Halaga ng Pagbawas ng Timbang Ngayong Summer

 

Ngayong summer, kaliwa’t kanan nanaman ang mga posts sa Facebook na nagsasabi na nais nilang magpapayat at magsuot ng two piece para sa kanilang summer getaway. Maaaring makamit ng isang tao ang kanyang desired body kung kanyang pangangalagaan ang sariling katawan, lalo na at kung siya ay may diabetes. Sa pag-kain ng masusustansyang pagkain, mas magiging mabuti ang resulta kung ito’y sasamahan pa ng pag-eehersisyo o paglalaro ng sports.

 

Ang Pag-Ehersisyo Bilang Susi sa Pagbaba ng Blood Sugar at Timbang

 

Ang artikulong ito ay nagnanais na magbigay ng payo kung papaano makababawas ng timbang ang isang indibidwal ngayong summer. Ang top 10 exercises o sports na tatalakayin ay makatutulong sa pagbabawas ng timbang at pagpapababa ng blood sugar, na nasusukat gamit ang glucometer, para sa mga may diabetes mellitus. Importanteng kunin ang sukat ng insulin sa tamang oras, na syang bumabalanse ng glucose level sa ating katawan,  upang maiwasan ang pagkahilo’t iba pang komplikasyon ng mga taong may diabetes. Magiging epektibo ito kung ito ay sasamahan pa ng tamang pagkain at disiplina.

 

pexels-photo-large.jpg

Photo Courtesy of jeshoots.com via Pexels

Top 10 Exercises o Sports Ngayong Summer

  1. Volleyball

Ang paglalaro ng volleyball (beach, court, etc.) ay isang magandang ensayo upang makapagbawas ng calories. Ito rin ay nakakapagpabuti ng heart rate at nakakapagpahubog sa balikat, hita, at core ng isang tao.

  1. Paglangoy o Swimming

Isang magandang ensayo ang paglangoy kung ikaw man ay may type 1 o type 2 diabetes. Para sa lahat ng tao, may diabetes man o wala, ang paglangoy ay isang mabuting cardiovascular exercise na nakakabawas ng malaki sa calories ng indibidwal.

  1. Pagtakbo

Kung nais mong magbawas ng timbang at mag-burn ng calories, ang pagtakbo ang pinakamadaling sports na maaaring gawin. Pinapalakas ng pagtakbo ang ating mga muscles at pinapataas ang metabolism at heart rate ng isang tao.

  1. Pagbibisikleta o Cycling

Ang cycling ay isang sport na nababagay kahit kanino. Maraming benepisyo ang pagbibisikleta gaya ng  pagiwas sa sakit gaya ng stroke, arthritis, at obesity.

  1. Tennis

Ang naglalaro ng tennis dalawang beses sa isang linggo ay may mababang body fat na 4% kumpara sa mga hindi naglalaro nito.  Maaaring magsama ng kaibigan o kaanak  sa paglalaro ng tennis upang makapag-enjoy kayo ng magkakasama.

  1. Basketball

Maraming Pilipino ang nagmamahal sa larong basketball kung kaya’t isa ito sa mga sikat na paraan upang pumayat at magbawas ng timbang.

  1. Boksing

Isa sa popular na exercises ay ang pag bo-boksing. Ito ay isang magandang cardiovascular activity na magiging sanhi upang mag-release ang katawan ng endorphins na makatutulong sa pag-iwas sa stress.

  1. Aerobics

Tinatawag minsan na isang cardio exercise, ang aerobics ay isang ehersisyo na siguradong pagpapawisan ang katawan. Pinapasigla nito ang ating puso at pinapabuti ang ating paghinga at ito’y kadalasang inirerekomenda ng mga doktor sa mga taong may diabetes.

  1. Paglalakad

Sa mga taong madalas ay maraming ginagawa, ang simpleng paglalakad tuwing umaga, tuwing papasok sa opisina, o pagpunta sa palengke ay makatutulong sa pagbuti ng blood pressure at blood sugar level ng isang tao.

  1. Strength Training

Ang strength training ay may ibang benepisyo maliban sa pagbabawas ng timbang tulad ng pagbuti ng blood sugar levels at pagiwas sa posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso.

 

belly-2354_960_720.jpg

Photo Courtesy of PublicDomainPictures via Pixabay


Kung ikaw ay nakararamdam ng kung ano mang sintomas ng diabetes, makabubuting magpatdingin agad sa doktor upang mabigyan ng nararapat na gamot. Sanayin na ang isang healthy lifestlye, may diabetes mellitus man o wala, upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba pang mga sakit. Sa nalalapit na summer, makatutulong ang mga ehersisyo at mga sports na nabanggit upang mapalakas ang ating pangangatawan at mabawasan ang ating mga timbang.