Ang liniment ay isang alcohol-based liquid formula na pinapahid sa balat para marelax ang mga muscle at kasu-kasuan. Ginagamit ito pang hilot para makatulong sa pananakit ng katawan, ulo, at paninigas ng mga kalamnan. Ito ay isa sa mga pinakamatatandang klase ng natural products na hanggang ngayon ay ginagamit pa din ng tao.
Gamit ng Liniment at warming oil
-
Pang-alis ng kati
-
Pampalambot ng balat dulot ng dry skin.
-
Pang-alis ng pamumula ng balat
-
Pang-kalma sa mucles, kasusuan, ulo at tiyan.
-
Pang-masahe ng katawan
-
Pang-tagal ng sakit dulot ng arthritis at rayuma.
Iba’t – Ibang Klase ng Liniment
-
Ang pinaka karaniwang klase ng liniment ay ang oil-based na may menthol o camphor. Ginagamit ito para sa mga muscles na overworked o iyong mga nabugbog sa ehersisyo.
-
Mayroon namang liniment na gawa sa warming herbs na bagay sa mga naghilom na injuries sa katawan at sa mga taong may arthritis. Nakatutulong ang init na dala nito sa mga parte na nasobrahan sa lamig at nanigas. Pwede ding magpahid ng liniment sa tiyan kapag masakit ito dahil sa hangin.
-
Para naman sa mga namamaga at namumulang kasu-kasuan, bagay ang mga liniment na gawa sa cooling herbs gaya ng peppermint at menthol.
-
May iilang liniment na ginawa para lang sa mga taong nagmamartial arts at mga atleta.
-
Mayroong liniment na alcohol-based na mas mabilis ma-absorb ng balat kaysa sa mga oil-based liniment na kadalasan namang ginagamit sa masahe. Ngunit ang mga liniment na gawa sa alcohol ay maaaring magdulot ng skin irritation at rashes.
Sources: