Ang Erectile Dysfunction o impotence ay karaniwang kondisyon, particular sa mga nakakatandang lalaki. Tinatayang kalahati sa populasyon ng lalaki na may edad 40 hanggang 70 ay magkakaroon ng karamdaman na ito sa kanilang buhay.
Ang pagiging impotent ay isang kondisyon na madalas nakakaapekto sa abilidad ng isang tao na makamit at mapanatili ang erection. Ito ay isang uri ng Erectile Dysfunction (ED). Maraming factors ang maaaring maging dahilan sa pagiging impotent. Maaring ito ay dulot parehas na emosyonal o physical disorders. Tumataas ang panganib ng pagiging impotent habang tumatanda. Ang chronic Erectile Dysfunction ay nangangailangan ng matinding medical attention. Dahil nasasangkop ang mga blood vessels sa pagkakaroon ng Erectile Dysfunction, hindi na sorpresa na karaniwan ang kalagayan na ito sa mga nakakatandang lalaki.
Ang impotence ay mayroong negatibong epekto sa buhay seksuwal ng isang tao at maaring humantong sa stress, depresyon, at mababang self-esteem. Stress ang isa sa pinakamalaking dahilan ng erectile dysfunction sa mga kalalakihan. Maari ding magdulot ng erectile dysfunction and sobrang pangamba o kawalan ng sariling kakayahan na makipagtalik. Maaring masama na din dito and mababang tingin sa sarili. Isa ring karaniwang sanhi ng erectile dysfunction ang matinding depresyon dahil nagdudulot ito ng matinding panghihina sa katawan at isip ng tao.
Ang pag-intindi sa mga karaniwang bagay na pinagmumulan ng Erectile Dysfunction ay makakatulong sa mga nakakaranas nito.
Mga Sintomas
Ang mga sintomas ng Erectile Dysfunction ay ang mga sumusunod:
-
Hirap sa pagtindig ng ari
-
Kahirapan sa pagpapanatili ng ereksyon o erection habang nakikipagtalik
-
Kawalan ng gana sa pakikipagtalik
Maaari din maranasan ang kahirapan sa pagtindig dulot ng mga panandaliang sanhi lamang. Hindi dapat ito ikabahala kung ang kahirapan sa pagtindig ay nararanasan lamang paminsan-minsan. Tandaan na lahat ng lalaki ay maaaring magkaroon ng problema sa pagtindig kahit wala siyang erectile dsyfunction. . Isa pang maaaring kaso ng sakit na ito ay ang pagkakaroon ng faulty vein. Ang iba pang physical disorders, hormonal imbalances at mga tiyak na operasyon ay maaaring maging resulta din sa pagkakaroon ng Erectile Dysfunction.
Mayroon ding mga pisikal na karamdaman na maaaring magdulot ng erectile dysfunction:
-
Heart disease
-
Baradong daluyan ng dugo vessels (atherosclerosis)
-
Diabetes
-
Labis na timbang
-
Paninigarilyo
-
Parkinson's disease
-
Mataas na kolesterol
-
Mataas na presyon ng dugo
-
Sobrang pag-inom ng alak
-
Sakit sa utak
-
Alta presyon
-
Rejection mula sa magulang o mga kaibigan
-
Sexual abuse noong kabataan
Komplikasyon na nagreresulta mula sa erectile dysfunction ay:
-
Hindi kasiya-siya na buhay seksuwal
-
Stress
-
Kahihiyan o mababang self-esteem
-
Problema sa relasyon
-
Kawalan ng kakayahan na mabuntis ang asawa
Pag-iwas upang magkaroon ng Erectile Dysfunction
Ang pinaka epektibong pag-iwas sa Erectile Dysfunction ay ang pag-aalaga sa kalusugan. Mahalagang magpatingin kaagad sa doktor kapag ang pasyente ay tiyak nang may kondisyon tulad ng sakit sa puso, diabetes, o obesity. Sinasabing ang mga mabubuting pagbabago sa pamumuhay ng isang lalaki ay ang susi sa pagpapagaling ng erectile dysfunctio. Ugaliing kumonsulta sa iyong doctor upang makapag pa-checkup ng regular at makapag medical screening tests. Higit sa lahat, ang erectile dysfunction ay madaling maiiwasan o malalabanan kung may suporta ng asawa.
Maari ding maiwasan ang Erectile Dysfunction kung:
-
Ititigil ang paninigarilyo
-
Hindi paggamit ng pinag babawal na gamot.
-
Limitasyon sa o pag-iwas sa alak
-
Regular napag-eehersisyo
-
Paghingi ng tulong ukol sa anxiety, depresyon, at sa iyong mental health.
Gamot sa Erectile Dysfunction
May mga gamot na pansamantalang nalulunasan ang pagiging impotent pero walang masasabing epektibo. Ang pagbibigay ng testosterone ay maaaring makapagbigay ng pansamantalang improvement sa pagka-impotent ng lalaki subalit may mapanganib na epekto gaya ng pagkakaroon ng prostate cancer at ang pagsobra ng red blood cells na maaaring maging dahilan ng stroke. Ang sumusunod naman ang mga karaniwang isinasagawa para sa mga sintomas nito:
Maaari ding sumailalim ang pasyente sa psychotherapy para sa mga psychological na sanhi ng erectile dysfunction, tulad ng stress at depresyon.
Kung nagkakaroon ng problema sa ereksyon o ikaw ay may erectile dysfunction, kausapin ang iyong doctor nang sa gayon ay malunasan ito ng maaga. Ang pagkakaroon ng karamdaman na ito ay maaring magdulot ng stress, maapektuhan ang iyong self-confidence at makapaimpluwensiya sa pagkakaroon ng problema sa iyong relasyon. Katulad ng nabanggit, ang pagkakaroon ng erectile dysfunction ay maari ding sintomas ng iba pang sakit na kinakailangan ng gamot. Huwag mahihiyang magtanong at humingi ng tulong. Mas makakabuti ang maagang pag gamot sa Erectile Dysfuntion upang hindi na humantong sa malala pang karamdaman.
Reference: