Kapag nakakita ka ng sakuna o aksidente, alam mo ba ang dapat mong gawin? Hindi dapat mag-panic at hindi dapat matakot; pagkakaroon ng presence of mind para makaligtas sa sitwasyon ang kailangan.
Ang taunang selebrasyon ng National Hospital Week na ginaganap tuwing August 6-12 ay may layuning buksan ang kaisipan ng publiko tungkol sa mga health programs at social roles ng mga ospital kaakibat ang iba pang mga sangay sa lipunan para magkaroon ng malusog at masiglang pamayanan.
Sunog, lindol, bagyo, at baha - ilan lang ang mga ito sa mga sakunang maaari mong maranasan. Anu-ano ba ang mga simpleng hakbang para maging malaki ang tsansa mong makaligtas? Sa pagdaraos ng National Hospital Week, nawa ay makibahagi ang bawat isa sa pagiging handa at pagkakaroon ng kaalaman sa mga pangunahing pangangailangan sa panahon ng aksidente o emergency.
Bago ang Sakuna
Maging handa. Walang pinipiling panahon ang sakuna o aksidente.
- Magkaroon ng presence of mind - Napakahalaga ng paghahanda para makaligtas. Tanggapin ang katotohanang maaring dumating ang sakuna o aksidente sa inyong lugar, kaya dapat maghanda bago pa mahuli ang lahat.
- Maging alerto - Makibalita sa kondisyon ng sakuna sa inyong lugar. Tiyaking matibay ang pagkakagawa ng inyong bahay at ligtas ang lugar na tinitirikan nito. Maging sensitibo sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng apoy. Importanteng maglagay ng smoke detector at once in a while ay palitan ng baterya para makasigurado.
- Maghanda ng emergency supply - Laging magtabi ng pagkain, tubig, at emergency kit sa inyong bahay. Maaaring mawalan ng kuryente, tubig, linya ng telepono, at transportasyon. Mabuti nang maging handa sa panahong hindi ka sigurado.
- Tiyaking alam ang mga kailangang numero ng mga telepono in case of emergency - Siguraduhing may kopya ng numero ng telepono ng mga kapamilya at kaibigan, higit sa lahat, ng mga ahensyang makakatulong sa panahon ng sakuna gaya ng ospital, fire stations, barangay hall, at iba pa.
- Magtalaga ng inyong escape plan - Bilang isang pamilya, pag-usapan ninyo ang pinaka-madaling paraan kung paano makakalabas ng bahay, paaralan, o ng gusali. Magkasundo rin kung saang lugar magkikita-kita matapos ang sakuna. Kapag napag-usapan na ang inyong plano, makabubuting isama ang pamilya sa lugar na iyon at praktisin ang plano.
- Habang may Sakuna
Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga bansang prone to disaster sa buong mundo, kaya napakahalaga na sa iba’t ibang sakuna o aksidente ay mayroon tayong kaalaman para makaligtas.
- Kapag may sunog:
What to do in case of fire? It is important that you assess the situation. Sundin ang mga emergency fire procedures gaya ng paggapang nang mabilis palabas ng inyong bahay o ng gusali. Unahin ang sarili kesa sa kung anumang bagay na nasa iyong isip. Mabilis kumalat ang apoy, at mahihirapan kang lumabas kapag kumalat na ang usok. Bawat segundo ay mahalaga.
Image by Unsplash
- Kapag may lindol:
Duck, cover, and hold. Magtago sa matibay na furniture gaya ng mesa at lumayo sa mga bagay na maaaring bumagsak. Makalipas ang isang minuto ay maaari ka nang lumabas ng iyong bahay o ng gusali at dumiretso sa isang bakanteng lote na malayo sa anumang matataas ng gusali o mga poste.
- Kapag may bagyo at baha:
Pumunta agad sa isang lligtas na lugar gaya ng evacuation centers. Lumabas na sa bahay kung pinasok na ng tubig ang loob nito, lalo na kung may flashfloods. Kapag naman tumaas na ang tubig sa labasan, huwag nang magpumilit pang tumawid o magmaneho sa baha.
Maraming pagkakataon na karamihan sa mga napapahamak dulot ng baha ay ang mga taong tumawid o nagmaneho pa rin sa rumaragasang tubig ng baha. Makinig sa awtoridad. Kung sinabihan nang lumikas, huwag nang makipagtalo, at sumunod na lamang dahil ang kanilang instruction ay para sa ikabubuti ninyo lamang.
Matapos ang Sakuna
Para makaiwas sa sakit at panganib, ito ang ilang tips na pwedeng gawin:
- Makitira sa kamag- anak o kaibigan imbes na tumuloy pa sa evacuation center. Maaaring sumaglit dito para sa pansamantalang kaligtasan.
- Unti-unting simulan nang linisin ang inyong tinutuluyan. Gumamit ng mga bagay na pamproteksyon katulad ng gloves, bota, o hard hat para makaiwas sa disgrasya. Lumayo sa mga poste, linya ng kuryente, at sa mga lugar na may baga pa kung sunog ang naging sakuna.
- Magpatuloy sa pang- araw- araw na routine. Maging ilaw ng pag-asa para sa inyong mag-anak. Kung ikaw ay magulang, ipakita mong magiging maayos din ang lahat at ang kaligtasan ay isang malaking bagay na dapat ipagpasalamat araw-araw.
- Magpatingin sa eksperto kung nakaranas ng trauma.
Handa na ba ang First Aid Kit mo?
Image by Pixabay
Kapag medical emergencies naman ang naranasan, narito ang mga basic supplies na dapat laman ng inyong first aid kit:
- Adhesive tape
- Elastic wrap bandages
- Bandage strips
- Super glue
- Instant cold packs
- Cotton balls at cotton-tipped swabs
- Disposable non-latex examination gloves
- Duct tape
- Petroleum jelly
- Safety pins na iba’t iba ang laki
- Scissors at tweezers
- Hand sanitizer
- Thermometer
- First-aid manual
- Hydrogen peroxide
Ito naman ang listahan ng mga gamot na dapat nakapaloob rin sa inyong emergency first aid kit.
Hindi biro ang sakuna at emergencies. Ang ‘di-wastong pakikibahagi ay maaaring magresulta ng seryosong kondisyon o kaya ay paghantong sa pagkawala ng buhay.
Humingi ng tulong para sa dagdag na kaalaman sa mga taong eksperto sa nasabing sakuna. Kung empleyado ka ng isang kumpanya, maaari kang mag-request ng training sa inyong Human Resources Department para maturuan ang iyong kayo tungkol sa disaster preparedness tips. Kung isa ka namang indibwal na interesado para maging tunay na handa sa panahon ng sakuna, lumapit lamang sa mga lisensyadong organisasyon na nag-oorganize ng training o seminar patungkol sa nasabing topic. Seryosohin ang nasabing training dahil hindi mo malalaman kung kailan mo ito magagamit.
Maging mapanuri sa inyong paligid. Mabuti nang maging handa kaysa sa huli magsisi. Makiisa para sa mas ligtas at payapang kapaligiran.
Sources:
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102017165
https://www.livestrong.com/slideshow/1011918-10-things-case-health-emergency/
https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-kits/basics/art-20056673
http://www.dilg.gov.ph/events/National-Hospital-Week/601