Seniors: Tamang Pag-aalaga sa Puso

September 22, 2017

Isang major threat sa mga may edad ang heart disease. Ayon sa isang pag-aaral, 85% ng mga taong nasa edad na 65 ang nagkakaroon komplikasyon sa puso. Ngunit, tumataas man ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso habang tumatanda, hindi naman dapat mabahala dahil kaya itong maagapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy at active lifestyle.

Ang heart disease ay ang terminong ginagamit sa grupo ng mga sakit na naaapektuhan ang puso. Ito ay kadalasang kaakibat ng atake sa puso, paninikip ng dibdib at arrhythmia o iregular na pagtibok ng puso.

 

 

Sintomas ng Heart Disease

 

Hindi kaagad malalaman na may sakit sa puso ang isang tao hanggat hindi siya nagpapatingin sa doktor. Narito ang mga babala para sa mga taong maaring may sakit sa puso.

 

  • Pagkahilo

  • Panghihina

  • Paghabol ng hinga.

  • Pananakit ng dibdib

  • Kakaibang sakit ng leeg, likod at balikat

  • Pamamawis

 

 

Mga Paraan Para Maiwasan ang Pagkakaroon ng Heart Disease

 

Iba’t ibang kundisyon ang maaaring makaapekto at maka-contribute sa heart disease ng isang tao. Kaakibat ng paggamot ng sakit sa puso ang paggamot din ng ibang sakit na mayroon ang isang tao, lalo na kung may edad na. Ilan sa mga bagay na dapat iwasan para mapanatiling malakas ang puso ay ang mga ito:

 

undefined

 

 

  • Huwag manigarilyo o tigilan na ang paninigarilyo. Ang mga taong naninigarilyo ay 2 hanggang 4 na beses na mas prone sa pagkakaroon ng kumplikasyon sa puso kaysa sa mga hindi naninigarilyo. Doble pa niyan ang panganib sa mga may edad na dahil tumatanda na ang kanilang katawan.

  • Panatilihing mababa ang blood cholesterol. Ang cholesterol ay tabang nasa dugo ng tao. Ang pagkakaroon ng mas mataas na level ng cholesterol ay nangungahulugang mas mataas din ang pakakataon ng pagkakaroon ng atake sa puso, at mas madalas ang mga ganitong pangyayari sa mga matatanda.  Ang susi sa pag-maintain ng blood cholesterol ay healthy diet. Una, kinakailangang talagang tigilan na ang pagkain ng fatty foods. Pangalawa, kinakailangang kumain ng mga heart-healthy food tulad ng oatmeal, pinya, melon at ponkan.

  • Panatiliin ang normal na blood pressure. Ang mataas na presyon ay nagdudulot ng dagdag na workload sa puso, kung kaya’t nagkakaroon ng atake sa puso at stroke. Hinihikayat ang pagiging aktibo dahil mas lumalala ang puso kapag walang ginagawa ang katawan. Ang regular na pag-ehersisyo ay nakakatulong makontrol ang mataas na blood pressure, mataas na cholesterol, diabetes at labis na pagtaba.

 

 

 

undefined

 

 

  • Pababain ang timbang. Kung nakakaranas na ng pagkahapo habang gumagawa ng mga simpleng bagay gaya ng pagtatali ng sapatos, siguradong kailangan ng magpababa ng timbang. Mas nahihirapang gumawa ang puso kapag mabigat ang tao dahil kaakibat ng pagiging mataba o pagkakaroon ng mataas na timbang ang mataas na cholesterol sa katawan. Ang pagbabawas ng kahit mga limang kilo sa timbang sa mga matatabang tao ay malaki ng tulong upang     mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

  • Bawasan ang stress. Ang madalas na pag-iintindi ng mga bagay-bagay ay nagdudulot ng matinding stress. Ayon sa maraing pag-aaral, isa ang stress sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Importante na mayroong outlet o libangan para makaiwas dito.

 

Tandaan, lahat ng mga bagay na ginagawa at kinakain ng tao ay nakakaimpluwnsiya sa takbo ng puso nito, matanda man o bata, kaya importante na maging mapili sa mga kinakain at sa mga activities na ginagawa. At dahil mas prone ang mga may edad sa mga sakit, importante lamang na sundin ang mga paraan na ito upang maiwasan ang iba’t ibang kumplikasyon sa puso. Hindi pa huli ang lahat para piliin ang malusog na pamumuhay.

 

 

Sources: