Mga Pagkain na Angkop Ihanda para sa Araw nina Lolo at Lola

October 14, 2020

Likas sa ating mga Pinoy na maging malapit sa ating pamilya, partikular na sa ating mga lolo at lola lalo na kung naging malaking bahagi sila ng ating paglaki. Para sa marami, sila ang mga taong nagturo sa atin ng mahahalagang leksyon sa buhay, nag-aruga sa atin nung tayo ay maliit pa, at nagmahal sa atin nang lubos bukod pa sa ating mga magulang.

Ibang nutritional requirements ni lolo at lola

Kung kasama mo pa sina lolo at lola sa bahay, alam mo na hindi lang basta-basta pwedeng maghanda ng kahit na anong pagkain para sa kanilang health care. Iba na ang nutritional requirements ng kanilang katawan dahil sa katandaan, mas mababang metabolism, at mas kakaunting paggalaw.

Habang tumatanda ang isang tao, mas tumataas ang pangangailangan niya sa ilang partikular na nutrients. Ang bilang ng calories na kailangan ang bumababa, ngunit ang bawat calorie na nakokonsumo ng isang matanda ay dapat siksik sa nutrisyon para matugunan ang pangangailangan ng katawan nila. Para magampanan ng isang elderly ang kanyang pang-araw-araw na aktibidad, dapat ay mayroon siyang sapat na vitamin B12, vitamin D, calcium, at iba pang bitamina sa katawan.

Handa na angkop sa kalusugan ng matatanda

At dahil nalalapit na ang Grandparents’ Day, alamin natin ang mga pagkain na pwede at hindi pwedeng ihain sa hapag-kainan para kina lolo at lola.

  • Pagkaing mayaman sa calcium

Susi ang calcium sa pagpapatibay at pagpapalakas ng buto na siyang kailangan na kailangan ng ating mga lolo at lola. Bukod pa dito, nakakatulong din ang calcium para mapababa ang blood pressure. Ayon sa pagsasaliksik, kapag kulang ang calcium intake ng isang tao, nire-reabsorb ng katawan ang mga calcium sa buto kaya ito nagiging marupok, na maaaring mauwi sa osteoporosis.

Gatas at iba pang dairy products, leafy green vegetables, at chickpeas ang ilan lang sa mga pagkaing mayaman sa calcium. Pwede kang maghanda ng Filipino food gaya ng ginataang salmon (delata at kasama ang tinik) with spinach, ginisang manok with broccoli, stir fry green beans with garlic, o tofu in oyster sauce.

Bukod sa calcium, dapat ang food recipe na hahanapin mo ay may vitamin D rin dahil ito ang kailangan ng buto at buong katawan para ma-absorb ang calcium nang husto. Kapag ang katawan ay kulang sa vitamin D, and calcium mula sa pagkain ay masasayang lamang.

  • Pagkaing mayaman sa vitamin C

Ayon sa pag-aaral, mas bumababa ang immunity level ng isang tao habang tumatanda. Kaya isa sa mahalagang aspekto ng elderly care nina lolo at lola ay pagkakaroon ng sapat na vitamin C. Kilala din bilang ascorbic acid, ito ay susi sa mas malakas na immunity, pati sa tamang paglaki, pagbuo, at pag-repair ng body tissues. May kinalaman din ang vitamin C sa paggaling ng buto at pagpapanatili ng lagay ng ngipin, buto, at kartilago.

Kung maghahanda ka ng panghimagas sa Grandparents’ Day celebration, mainam na ito ay mga prutas na mayaman sa vitamin C tulad ng orange, pinya, manggang hilaw o hinog, saging, lanzones, strawberry, at papaya. Pwede ka rin magtimpla ng calamansi juice o fresh lemonade bilang panulak.

  • Pagkaing mayaman sa iron

Isa pa sa mga function ng vitamin C ay ang pagtulong sa absorption ng iron. Ano ang iron? Hindi ito yung literal na bakal na nakikita ng naked eye. Ito ay isang uri ng mineral na ang pangunahing takda ay maghatid ng oxygen sa dugo mula sa baga papunta sa buong katawan upang maka-produce ng enerhiya. Kaya naman ang mga matatandang kulang sa iron ay madaling mapagod at manghina, na isang sakit na kung tawagin ay anemia.

Para maiwasang magkaroon ng anemia sina lolo at lola, siguraduhing iron-rich ang iyong handa sa araw nila mapa-food delivery man yan o lutong-bahay mo mismo. Ang mga putahe na may leafy green vegetables, mani, dates, hipon, talaba, at atay ng manok, baboy, o baka ay ilan lamang sa mga maaari mong pagpilian bilang handa.

  • Pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids

Ang mga matatandang may edad 65 pataas ang pinaka-at risk na madali ng sakit sa puso. Kung hindi iingatan nang husto ang kalusugan, maaaring kailanganin ng iyong lolo o lola ang primary care. Pero para mabawasan ang mga intindihin, siguraduhin mo na lang sapat ang omega-3 fatty acids intake nila para kampante kang maayos ang kalagayan ng kanilang puso.

Ang omega-3 fatty acids ay nakatutulong na maiwasan ang pamamaga ng kung anu-anong bahagi ng katawan, na siyang isa sa mga pangunahing sanhi ng iba’t ibang sakit. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga isda tulad ng salmon, tulingan, mackerel, sardinas, at tawilis. Mayroon din nito sa mga mani gaya ng chia seeds, walnuts, at flaxseed, pati sa mga fortified foods.

  • Pagkaing mayaman sa fiber

Ang digestive system ng tao ay natural na bumabagal habang tumatanda. Ang dingding ng gastrointestinal tract ay kumakapal kaya nagkakaaberya sa bowel movement, na siyang nauuwi sa constipation o paninigas ng dumi. Dito pumapasok ang kahalagahan ng sapat na fiber nutrients sa katawan ng mga matatanda.

Kagaya ng ilan sa mga nabanggit na sa itaas, mayaman sa fiber ang mga pagkaing gaya ng legumes, nuts, at seeds. Sa mga prutas naman, nandiyan ang saging, mansanas, strawberry, at orange.

Gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng Grandparents’ Day sa paghahain ng mga masusustansyang pagkain na siguradong magugustuhan ng panglasa at ng katawan nina lolo at lola.

 

Source:

https://www.ndtv.com/health/5-foods-that-you-must-give-your-grandparents-to-make-sure-they-are-fit-and-healthy-2142091