Araw-araw na Gabay sa Pag-aalaga ng Matatanda | RiteMED

Araw-araw na Gabay sa Pag-aalaga ng Matatanda

October 17, 2018

Araw-araw na Gabay sa Pag-aalaga ng Matatanda

Natural sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga lolo at lola o sa mga nakatatanda. Marami sa atin ay lumaki sa kanilang pangangalaga at pagmamahal. Sila ay mayroong napakalaking kontribusyon hindi lamang sa ating buhay kundi pati na rin sa ating bayan. Kaya naman tuwing unang linggo ng October taon-taon ay idinaraos ang Elderly Filipino Week Ito ay naglalayon na ipagdiwang ang ating elders sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, PhilHealth, at kasama na rin ang iba’t ibang mga organisasyon para sa mga senior citizen.

 

Ayon sa latest na data, mayroong 3.4 milyong Pilipino na edad 60 pataas. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay mayroong maayos na kalidad ng pamumuhay Karamihan ay hindi rin naaalagaang mabuti. Bilang mga anak o mga apo, mayroong wastong elderly care na nararapat na malaman at maibigay sa kanila.

 

Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Elderly Care

 

Ang pagtanda ay isang normal na stage sa buhay ng isang tao. Ngunit hindi ito nangangahulugang madali ang proseso o sitwasyon patungo rito. May ilang mga importanteng bagay ang dapat na tandaan tungkol sa elderly care. Narito ang ilan:

 

Magkaroon ng plano tungkol dito. Importante na magkaroon ng maayos na plano o at pag-uusap kasama ang mahal sa buhay bago pa man dumating sa life stage na ito. Sa pagpasok sa old age, kasunod nito ang mga pisikal at mental na pagbabago. Bago pa man magpakita ang iyong mahal sa buhay ng mga pagbabago, maaaring makipag-usap tungkol sa kanyang mga kagustuhan gaya ng pagtukoy sa  lugar kung saan sila aalagaan o kung mayroon ba silang mga importanteng bilin para sa pamilya.

 

Gawing ligtas para sa matatanda ang tahanan. Mahalaga na mapanatiling safe ang tahanan para sa senior citizens. Sila ay prone sa pagkadulas at pagkahulog, kaya naman importante na mag-prepare nang mas maaga para maiwasan ang mga ganitong pangyayari. Kasama sa paghahanda ang paniniguradong ligtas ang mga parte ng bahay na maaaring pangyarihan ng mga ito gaya ng banyo at hagdanan.

 

Mag-adapt sa mga pagbabago. Ang tamang elderly care ay hindi lamang tungkol sa tamang pag-aalaga. Ito ay tungkol din sa tamang pang-unawa sa mga pagbabagong mararanasan ng iyong mahal sa buhay. Karamihan sa mga matatanda ay independent at maaari silang manibago sa unti-unting pagkawala nito. Importanteng mas ipaintindi sa kanila ang ilang pagbabago sa katawan at kapaligiran na mararanasan nila, at may mga pagkakataon na hahanap-hanapin nila ang pagkakaroon ng kakayahang kumilos at mamuhay nang wala masyadong pag-alalay. 

 

 

Daily Routine para sa Matatanda

 

Mahalaga para sa mga matatanda na may sinusunod na routine o mga gawain araw-araw. Parte ng elderly home care ang pagbibigay-suporta o pagbibigay-gabay sa kanila sa mga routine na ito. Tatlo sa benefits ng pagkakaroon nito ay mas maayos na pagtulog, safe at secured na pakiramdam, at less na stress o anxiety.

 

Narito ang ilan sa mga daily routine ng matatanda at mga paraan para sila ay matulungan:

 

Umaga

  • Tulungan silang mag-toothbrush, maligo, magsuot ng damit, at iba pang gawain na kailangan nila para sa personal care at hygiene;
  • Hainanng masusustansyang pagkain at alalayan sa kanilang pagkonsumo ng mga ito;
  • I-encourage na magkaroon ng healthy, low-impact physical activity araw-araw gaya ng paglalakad o pag-exercise. Maaari ring samahan na mamasyal o kaya naman ay mag-gardening; at
  • Hayaan na magkaroon ng quiet time para makapagbasa o making ng music.

 

Tanghali at Hapon

  • Hainan ng healthy natanghalian at snacks at siguraduhing alinsunod ito sa payo ng doktor;
  • Bigyan sila ng nakakaaliw na activities gaya ng pagbabasa at panonood ng TV; at
  • Samahan sa pag-siesta paglakad-lakad sa labas, o kaya naman ay sa paggawang magagaang household chores.

 

Gabi

  • Maghanda ng masustansyang hapunan na hindi gaanong mabigat sa panunaw;
  • Maglaan ng oras para makipagkwentuhan sa matatanda;
  • Tulungan sila sa personal care gaya ng paglilinis ng katawan; at
  • Paninigurado na ligtas at mahimbing ang kanilang pagtulog.

undefined

Ang mga routine na ito ay maaaring magbago depende sa response, personalidad, at health condition ng iyong inaalagaan. Maaaring obserbahan kung nararapat na dagdagan ang o bawasan ang mga gawaing naka-schedule araw-araw. Para makasigurado, kumonsulta sa kanilang doktor para makapagbuo ng naaangkop na daily routine para sa inaalagan Tandaan na maging mapang-unawa at mapagmahal lalo na sa mga pagkakataon na hindi madaling i-manage ang kanilang kalagayan.

 

undefined

 

Photo from Unsplash

 

Common Medical Conditions sa Matatanda

 

Mayroong mga common na medical condition ang mga elderly na dapat na malaman. Importante na maintindihan ang mga ito dahil maaaring nakadepende dito ang daily routine o mga pang araw-araw na gawain na kailangan sundin, sa gayon, mas madaling matukoy ang kanilang mga pangangailangan.

 

  • Depression – Ilan sa mga sintomas nito ay ang matinding kalungkutan at kawalan ng gana sa buhay. Ang depression ay hindi normal na parte ng aging. Ang depression ay maaaring konektado sa isa pang medical condition at maging sanhi ng paglala ng kanilang karamdaman.

 

  • Heart Problems o Sakit sa Puso – Mayroong iba’t ibang halimbawa ng sakit sa puso. Kasama na rito ang congestive heart failure. Ang matatanda na mayroong sakit sa puso ay nangangailangan na maging maingat sa mga kilos, pagkain, at pag-aaruga.

 

  • Dementia – isa sa mga pinaka karaniwang kondisyon na nararanasan ng isang elderly ay pagkakaroon ng dementia. Isa sa sintomas ay ang matinding memory loss at pabago-bagong mood. Kapag ito ay napabayaan, ito ay lumalala na nagiging sanhi ng maraming problema sa kanilang behavior.

 

  • Delirium – ang delirium ay maaari rin maranasan ng isang elderly. Isa sa sintomas ng delirium ay panginginig kasama na rin ang matinding mood swings. Ang pagkakaroon ng delirium ay nakakaapekto sa atensyon ng isang matanda pati na rin ang pagiging restless at pagiging makakalimutin.

 

  • Hearing Loss – ang pagkakawala ng pandinig o hirap sa pagdinig ay common rin sa mga matatanda. Ang isang matanda na mayroong problema sa pandinig ay nangangailangan ng pang-unawa mula sa mga tagapangalaga dahil sa magiging problema sa komunikasyon.

 

  • Body Pain/Arthritis – ang body pain o kaya naman arthritis ay common sa mga matatanda. Nagiging problema ito para sa mga matatanda dahil maaari itong maramdaman kahit ano’ng oras. Maaaring bigyan sila ng Meloxicam at Celecoxib para sa arthritis. Mefenamic Acid naman para sa mga body pain o kaya naman ay headache.

Sa elderly care, maaaring makaranas ng resistance mula sa mga matatanda pagdating sa pag-aalaga sa kanila. Kadalasan ito ay dulot ng iba’t ibang pagbabago sa kanilang katawan gaya ng memory loss pati na rin ang dahan-dahang pagkawala ng kanilang independence. Sa pagkakataong maharap sa ganito, narito ang tips na pwedeng mong gawin:

 

  1. Alamin ang mga gawain nila na nangangailangan ng pag-alalay. Ang pagkawala ng kanilang independence ay maaaring makaapekto sa kanilang mood araw-araw. Magsagawa ng assessment kung anu-anong uri ng services ang kailangan nila.

 

  1. Pumili ng tamang oras para sila ay kausapin at mailabas ang kanilang saloobin. Antayin ang pagkakataon na sila ay mayroong good mood.

 

  1. Humingi ng tulong sa iba pang family members. Mas makabubuti na magkaroon ng support mula sa ibang kapamilya para mas mapagaan ang sitwasyon.

 

  1. Huwag basta-basta sumuko. Mas magiging mahirap para sa elderly ang pagtanggap sa mga pagbabago sa kanilang buhay lalo na kung papasanin niya ito mag-isa. Siguraduhing palagay ang loob ng inaalagaan bago sumubok muli ng mga paraan para makatulong sa kanya. Lawakan ang pang-unawa at sikaping maging magalang sa kabila ng maaaring pag-reject ng matanda sa iyong tulong.

 

Kung nakakaapekto na ang hindi pagiging cooperative ng matanda sa natatanggap na elderly care, maaaring humingi na ng tulong mula sa isang health professional. Sa gayon, mas maiintindihan ang mga hakbang tungo sa mas effective na strategies sa pag-aalaga sa kanila.

 

 

 

Sources:

 

https://news.abs-cbn.com/news/10/01/17/elderly-filipino-week-launched-for-senior-citizens

https://newsinfo.inquirer.net/935038/did-you-know-its-elderly-filipino-week

https://www.elder.org/elderly-care/elderly-care-at-home-how-to-care-for-the-elderly/

https://www.countyhealthcareguide.com/Sample-Daily-Routine-for-Seniors-1-77.html

https://www.homehelpershomecare.com/thousandoaks/blog/2017/01/why-elderly-ones-need-a-daily-routine

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/caregivers/in-depth/caring-for-the-elderly/art-20048403

https://www.psycom.net/depression.central.elderly.html

http://www.oceanmedicalcenter.com/OMC/services/aceunit/DeliriumintheOlderAdult.cfm



What do you think of this article?