Anu-ano ang mga impeksyon sa tainga? | RiteMED

Anu-ano ang mga impeksyon sa tainga?

March 10, 2019

Anu-ano ang mga impeksyon sa tainga?

Ang pamamaga ng middle ear na sanhi ng isang bacteria ang dahilan ng ear infection, o otitis media. Ang ear infection ay maaaring makuha ng kahit sino, bata man o matanda, ngunit ito ay mas madalas na nakukuha ng mga bata.

Ano nga ba ang middle ear?

Ang ating mga tainga ay nahahati sa tatlong major parts: outer ear, middle ear, at inner ear.  Ang outer ear (pinna) ay binubuo ng lahat nang nakikita natin sa labas (earlobes, ear canal) hanggang sa eardrum -- ang membrane na naghihiwalay sa outer ear at middle ear. Ang middle ear ay matatagpuan sa gitna ng eardrum at ng inner ear; sa middle ear nagsisimula ang halos lahat ng mga impeksyon.

Papaano nagkakaroon ng ear infection ang isang tao?

Nangyayari ang ear infection dahil sa pamamaga ng isa o parehong eustachian tubes (ang nagkokonekta sa middle ear at likod ng lalamunan).

Ang pamamaga ng eustachian tubes ay maaaring magsimula sa simpleng sipon, impeksyon sa lalamunan, acid reflux, o allergies. Ang pagmaga na ito ay pinipigilan ang pag-diskarga ng mucus sa tainga, na nagiging dahilan nang pamumugad ng mga viruses/bacteria sa middle ear na nagiging dahilan nang pagkakaroon ng pus (nana).

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga common types ng ear infection:

  1. Clogged Ears

Sanhi ng mga earwax (tutuli) build-up sa loob ng tainga. Iba pang dahilan nang pagkakaroon ng clogged ears ay ang biglaang pagtaas ng altitude (mataas na lugar o sa loob ng airplane); madalas na pagpasok ng mga foreign objects sa loob ng tainga tulad ng cotton buds, earphones, etc.; pagkakababad nang matagal sa swimming pool na maaaring maging sanhi nang pag-build-up ng mga bacteria sa loob ng tainga.
 

  1. Ringing Ears o Tinnitus
    Ang tinnitus ay isang kundisyon kung saan nakakarinig ng isang tunog ang isang tao ngunit hindi nito masabi kung saan nanggagaling ang tunog. Maaaring isang matining na tunog ang kanyang naririnig, maaari rin namang isang mababang tunog ito. Isa sa dahilan ng kundisyon na ito ay ang madalas na pagkaka-expose ng isang tao sa isang maingay na lugar o madalas na pagkakarinig nang mga malalakas na tugtugin.
     
  2. Itchy Ears

undefined

Madalas na dahilan nang pangangati ng mga tainga ay fungal infection. Iba pa sa mga sanhi nito ay ang mga skin diseases gaya ng psoriasis o dermatitis, minsan naman ay dahil sa allergic reaction.

Anu-ano ang mga sintomas ng ear infection?

Ilan sa mga dahilan ng ear infection ay ang biglaang pagbago ng altitude (nasa mataas na lugar), pabago-bago ng panahon, exposure sa usok ng sigarilyo, at paggamit ng pacifier para sa mga bata.

Bagamat ilan sa mga ito ay madaling iwasan, mahalaga rin na agad nating makita ang mga sintomas nito sa isang tao upang maagapan agad at hindi na lumubha ang kundisyon. Ilan sa mga sintomas ng ear infection ay ang mga sumusunod:

  • Madalas na paghila o pagkilot sa tainga
  • Madalas na pag-iyak ng bata
  • Hirap makatulog
  • Mataas na lagnat
  • May fluid na tumutulo mula sa tainga
  • Hirap sa pagbalanse
  • Hirap makarinig, lalo na sa mga klase ng tunog na tahimik

Papaano maiiwasan at maaaksyunan ang ear infection?

Ang ear infection ay madaling maiwasan kung susundin ang mga sumusunod:

  • Ugaliing maghugas ng kamay
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Unti-unting pagtigil sa paggamit ng pacifier (para sa mga bata)
  • Pag-iwas sa second-hand smoke
  • Pagpapabakuna

May mga ear infection na maaaring tawaging mild -- kung saan ang kailangan mo lang ay isang mainit na tuwalya/bimpo na ilalagay sa iyong tainga. May mga pagkakataon naman na dapat nang inuman ng painkiller upang maibsan ang pananakit; minsan naman ay kailangan na ng antibiotic upang ito ay tuluyang mapuksa.

May RiteMED ba nito?

Bukod sa mga nabanggit na remedies, maaaring magbigay ang doktor ng antibiotic upang makatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagsasanhi ng mga ear infection.

Ang RiteMED Cefuroxime Axetil ay isang uri ng antibiotic na nakakatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagiging sanhi ng mga ear infection at kaya rin nito pigilan ang paglubha ng impeksyon. Bago ang lahat, siguraduhing kumonsulta muna sa duktor bago simulan ang pag-inom ng mga antibiotic.


Sources:

https://kidshealth.org/en/parents/otitis-media.html

https://www.nidcd.nih.gov/health/ear-infections-children

https://www.healthline.com/health/ear-infections

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319421.php

https://www.healthline.com/symptom/ringing-in-ears

https://med.uth.edu/orl/online-ear-disease-photo-book/chapter-15-miscellaneous/itchy-ears/



What do you think of this article?