Mga Health Issues sa Tainga, Ilong, at Lalamunan na Dapat Mong Malaman

January 11, 2021

Sipon ang kadalasang unang pumapasok sa isip kapag usapang sakit na apektado ang tainga, ilong, at lalamunan. Pero lingid sa kaalaman ng iba, marami-rami pang ibang health issues ang dapat nating pagtuunan ng pansin din pagdating dito sa tatlong bahagi ng katawan na ito.

Basta sa usapang sakit sa ears, nose, at throat, ang espesyalistang dapat lapitan ay tinatawag na ENT specialist o otolaryngologist. Sila ay skilled physicians na nagbibigay ng serbisyong medikal at kirurhiko sa mga bata at matatanda na may karamdaman sa buong bahagi ng ulo at leeg, hindi lamang eksklusibo na sa tainga, ilong, at lalamunan.

Maliban sa karaniwang sakit na sipon, ENT doctors ang dapat mong lapitan kung ikaw ay may:

  • Hearing Disorders – importante na nasa maayos na kalagayan ang ating tainga hindi lang para makarinig kundi para rin sa ating balanse. Ang ENT doctors ang makapagbibigay ng lunas sa mga hearing disorders kagaya ng clogged ears na dulot ng impeksyon, tumor, pinsala sa eardrum, at problema sa inner ear. Samantala, ang paghina o kawalan ng pandinig na epekto ng katandaan, at ang tinnitus (ringing in the ears) ay labas na sa scope of expertise ng ENT specialists; ito ay sa mga ekspertong kung tawagin ay audiologists.

 

  • Nasal and Sinus Disorders – medyo karaniwan na ang sakit sa ilong at sinus, partikular ang mga problemang dulot ng nasal membrane o sinus inflammation, at allergies at hay fever (allergic rhinitis). Sa isang otolaryngologist ka dapat kumonsulta tungkol sa mga sakit na ito, kabilang na rin ang runny nose at deviated septum. Ang iyong nasal septum ang nagsisilbing lamad na naghahati sa iyong nasal cavity sa kalahati. Ito ay halos nasa gitna sa karamihan ng tao, ngunit kung ito ay malayo sa gitna, maaari itong maging sanhi ng problema sa paghinga at magdulot ng pabalik-balik na sinus infections.

 

  • Snoring and Sleep Apnea – para sa iba, maliit na problema lang ang paghihilik na tila sanhi ng baradong ilong o stuffy nose. Subalit kung ito ay nagiging istorbo para sa iyong mahimbing na pagtulog, maaari itong pag-ugatan ng iba-ibang komplikasyon sa kalusugan. Ang sleep apnea ay maselan na sleep disorder kung saan ang paghinga habang natutulog ay paulit-ulit na paputol-putol. Sa katagalan, ang kondisyon na ito ay posibleng magdulot ng long-term strain sa iyong baga at puso.

 

  • Eye Socket Problems – ENT specialists din ang dapat lapitan kung may karamdamang iniinda sa paligid o sa mismong eye sockets. Ang eye sockets ay yung lubog na bahagi ng bungo kung saan nakapwesto ang eyeballs. Magpatingin agad sa doktor kung may problema sa eye sockets tulad ng sore eyes, biyak sa bungo sa paligid ng mata kung saan nagdudulot ito ng pagluluha.

 

  • Facial Trauma – katulad ng mga problema sa bungo sa bahagi ng eyes, otolaryngologist din ang nagti-treat sa mga serious injuries sa mukha at panga. Halimbawa ng mga ito ay malalalim na hiwa at fracture sa bungo, cheekbones, at jawbone.

 

  • Neck and Head Cancer – maliban sa pagbibigay ng itchy ears remedy o paggamot ng physical injuries, maaari rin lumapit sa mga ekspertong ito kung naghahanap ng lunas sa mas malalang sakit gaya ng head and neck melanoma, kanser sa bibig, lalamunan, at salivary glands, pati na rin sinus cancer.

 

  • Neck Disorders – ang thyroid ay isang glandula malapit sa ibaba ng leeg na gumagawa ng hormones na nagkokontrol sa maraming galaw ng katawan, kabilang ang metabolismo.

 

  • Larynx and Voice Disorders – ang boses ay tunog na nagagawa ng muscles, na maaaring mapagod, mapinsala, o magkasakit. Ang karaniwang problema sa larynx and voice na ginagamot ng otolaryngologist ay kanser, vocal cord nodules, polyps o cysts, at pamamaos sa katandaan.

 

  • Trachea and Esophagus Conditions – ang lalamunan ay nahahati sa dalawang tubo na trachea at esophagus. Ang trachea o windpipe ang nagdadala ng hangin sa baga, samantalang ang esophagus ang nagdadala ng pagkain sa tiyan. Kumonsulta sa ENT kung may nararamdaman din na problema sa paglunok.

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/japanese-doctor-patient-endoscope-177653258

Maraming sakit ang kayang gamutin ng ENT specialists mula sa simpleng itchy nose hanggang sa mas komplikadong kanser sa bahagi ng ulo at leeg.

Sila rin ang maaasahan mo kung may hearing impairment o balance-affecting disorders, hindi lang para ituro ang tamang paraan on how to clean ears.

Pagdating sa ilong, kayang kaya nila gamutin kahit iyan ay nosebleed, sinusitis, o kahit anong problema sa pang-amoy, paghinga, at physical appearance.

Maaaring makaapekto sa iba pang bahagi ng ulo ang mga sakit sa tainga, ilong, at lalamunan. Halimbawa na lang ang pagluluha o watery eyes kapag malala ang nasal problem. Ito ay dahil magkakakonekta ang mga bahaging ito ng ulo.

Kung ikaw ay may iniindang isa o higit pa sa mga karamdamang ito, agad na kumonsulta sa espesyalista para matukoy ang pinakamainam na lunas at maiwasan din ang paglala pa nito. Importante ang mapanatili nating malakas ang ating katawan lalo na’t nandiyan pa rin ang banta ng coronavirus. Dahil respiratory system ang pangunahing naaapektuhan ng virus, mahalaga na laging nasa maayos na kondisyon ang ating tainga, ilong, at lalamunan.

Source:https://www.aurorahealthcare.org/patients-visitors/blog/9-things-to-know-about-ear-nose-and-throat-health