Dyspepsia 101 | RiteMED

Dyspepsia 101

May 24, 2018

Dyspepsia 101

Pananakit ng tiyan at dibdib, labis na pagdighay, o di naman kaya ay hindi pagkatunaw ng pagkain- lahat ng yan ay nagdudulot ng labis na discomfort sa ating katawan. Kadalasan ay napagkakamalan natin silang mga indibidwal na sakit o kondisyon ngunit, mayroon mas tamang term para sa mga iyan: dyspepsia.

Dyspepsia ay isang kondisyon kung saan kinakikitaan ng pananakit ng dibdib at tiyan at labis na pagdighay ang isang tao. Ito ay kadalasang nangyayari pagkatapos kumain lalo na kapag gabi. Samantalang mayroon din namang mga naitalang kaso ng dyspepsia tuwing umaga. Mahalagang tandaan na ang dyspepsia ay isang disease.

Dahil sa mas kilala ito bilang indigestion, narito ang mga bagay na dapat tandaan tungkol dito. Alamin rin natin kung ano mga sintomas at sanhi nito at kung paano na rin ito mapapagaling.

Dyspepsia Symptoms:

Ang dyspepsia ay isang common na kondisyon. Maraming sintomas ang konektado dito kaya naman madali itong ma-diagnose. Narito ang ilan sa mga sintomas ng dyspepsia:

  • Pananakit o discomfort sa tiyan
  • Bloating
  • Pagkahilo
  • Mabigat na pakiramdam matapos kumain
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Labis na pagdighay


Ang kondisyon na ito ay mabilis mawala ngunit dapat ng ikapagbahala kapag ito ay tumagal ng higit pa sa dalawang linggo. Ito ang panahon kung kailangan ng ikonsulta sa doktor ang sitwasyon, lalo na at may ilang pagkakataon kung saan ay isa na rin itong senyales ng stomach cancer.
 

Masasabing malala na ang dyspepsia kapag ang pasyente ay nakararanas na ng mga dyspepsia symptoms na ito gaya ng:

  • Hirap sa paglunok
  • Paninilaw ng mga mata at balat
  • Pagsusuka
  • Labis na pagpapawis
  • Iregular na pagdumi


 

Mga Paraan Para Makaiwas sa Dyspepsia

Kadalasan, ang dyspepsia ay dulot ng acid reflux disease of stomach ulcer. Sa kondisyon na ito ay umaakyat ang stomach acid sa esophagus na siyang nagdudulot ng discomfort at pananakit ng dibdib. Ito ay kilala rin bilang acid reflux.

Mas kilala bilang indigestion, ang dyspepsia ay dulot ng maraming factors at narito ang ilan sa kanila:

  • Mabilis na pagkain. Ang mabilis na pagkain at hindi tamang pagnguya ay maaaring maka-trigger sa ating tiyan na siya namang magreresulta sa dyspepsia. Kapag kumakain, siguraduhin munang nguyain ng mabuti upang maiwasan ito.
  • Paninigarilyo
  • Stress
  • Labis na consumption ng caffeine
  • Labis na pag-inom ng alcohol
  • Pagkain ng maaanghang at matatabang pagkain
  • Pagkain ng high fiber na pagkain

 

Bukod sa mga lifestyle choices ay maaari ring senyales na rin pala ang dyspepsia ng iba pang mas malalalang sakit gaya ng ulcer, GERD, pancreatitis, gastritis, thyroid disease, at maging ang huling term ng pagbubuntis.

Ang dyspepsia o mas kilala bilang indigestion ay isang kondisyon na normal na lamang maranasan ng sinumang napaparami ang kain. Kadalasan ay walang dapat ikabahala ang mga nakararananas nito dahil ito ay madaling solusyonan. Ganunpaman, sakaling magtagal na ang kondisyon o di naman kaya ay lumala, pinakamabuti pa rin ang kumonsulta sa doktor upang maaksyunan agad ito.

undefined
http://www.revistaes.com/wp-content/uploads/2015/03/ansiedad.jpg
 


SOURCES:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/163484.php
https://www.webmd.com/digestive-disorders/tc/dyspepsia-topic-overview
https://familydoctor.org/condition/dyspepsia/
https://draxe.com/dyspepsia/



What do you think of this article?