Photo Courtesy of pixabay.com via Pexels
In demand ngayon ang mga kumukuha ng kursong pharmacy sa ating bansa. Ang mga pharmacists ay kinakailangan sa iba’t ibang field katulad ng hospital pharmacies, manufacturing pharmacies, drug distributors, administrative, research, at academe. Isa pa sa maaaring pasukan na field ng mga pharmacists, at marahil ang pinakakilala ng karamihan, ay ang community pharmacies o mas kilala sa tawag na botika (pharmacy).
Sa dami ng mga botika sa ating bansa hindi maikakaila na maraming mga Pilipino ang nangangailangan at bumibili ng gamot araw-araw. Binibigyang importansya ng ating bansa ang mga health sectors upang masolusyonan ang mga issues sa kalusugan na kinakaharap nito. Sa paglago ng hospital sa bansa ay kasabay rin ang paglago ng mga botika sa iba’t ibang panig ng bansa na convenient sa mga mamamayan.
Ang botika ay isang pamilihan ng mga medicinal drugs, gamot sa sugat, at mga gamit pang araw-araw gaya ng sabon. Ayon sa listahan ng Food and Drug Administration, umaabot sa libo-libo ang mga nakarehistrong botika (pharmacy) sa ating bansa kaya naman mas madali na ang pag access at pagbili sa mga gamot na kailangan lalo na sa oras ng emergency. Kung ikaw ay nagbabalak bumisita at bumili ng gamot sa botika, basahin ang mga sumusunod upang malaman mga dapat ihanda bago pumunta sa botika upang maiwasan ang pabalikbalik na transaksyon kung sakaling may nakalimutan.
Listahan ng gamot
May mga gamot na maaaring mabili over-the-counter o mga gamot na maaaring bilhin nang hindi kinakailangan pa ng prescription ng doktor. Mabuting ilista at ihanda na ang mga nais bilhin na gamot bago pa pumunta ng botika. Kung sakaling hindi alam ang dapat na bilhing gamot, makabubuting mag research sa internet o magtanong sa pharmacist na nagbabantay sa botika.
Photo Courtesy of Wesley Wilson via Pexels
Prescription ng doktor
May mga gamot na hindi maaaring mabili hangga’t walang prescription mula sa doktor dahil maaari itong makasama sa iyong kalusugan kung ikaw ay wala namang sakit na naaayon para sa paginom ng nasabing gamot.
Tuwing nagpapa-check up sa doktor, ingatan ang prescription na ibinigay ng doktor dahil kailangan itong dalhin para makabili ng gamot. Siguraduhing hindi ito kalimutang dalhin sa pag punta ng botika. Tandaan na mahigpit ang pagbebenta sa mga gamot na kailangan ng prescription.
Sapat na Pera
Iba-iba ang presyo ng mga gamot depende sa brand o manufacturer nito. Magdala ng sapat na pera sa tuwing pupunta at bibili sa botika upang hindi magkulang at mabili ang mga kinakailangan. Maaari din namang bumili ng mga generic drugs kung nais makamura. Ayon sa isang artikulo ng Inquirer, parami na ng parami ang mga Pilipinong tumatangkilik sa mga generics kung kaya naman marami na rin ang mga branches na nagbebenta ng generic drugs sa bansa.
ID at Booklet para sa Senior Citizens at Persons with Disabilites
Para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWD), huwag kalilimutang magdala ng valid ID upang makakuha ng discount sa total price ng bibilhing gamot. Nakapaloob sa R.A. No. 9944 o The Expanded Senior Citizens Act at R.A. No. 9442 o Magna Carta for Disabled Persons, and for other purposes na kasama sa benepisyong makukuha ng mga senior citizens at persons with disabilities ay ang 20% discount para sa medical services at pagbili ng mga gamot mula sa kahit anong botika sa Pilipinas.
Ang discount ay maaaring makuha maging branded o generic man ang bibilhing gamot. Huwag ding kalimutan ang booklet na kakailanganin upang mailista ang mga gamot na binili mula sa botika.
Photo Courtesy of TBIT via Pixabay
Ang kalusugan ay dapat gawing priority ng lahat. Importanteng maging maingat at magkaroon ng healthy lifestyle ngunit may mga pagkakataong hindi maiiwasan magkasakit lalo na sa pabago-bagong panahon sa Pilipinas. Huwag kalimutang dalhin ang mga nabanggit sa listahan bago tumungo at bumili ng gamot sa mga botika para hindi masayang ang pagpunta.