Mga Sintomas ng Pagkalulong sa Ipinagbabawal na Gamot | RiteMED

Mga Sintomas ng Pagkalulong sa Ipinagbabawal na Gamot

December 14, 2020

Mga Sintomas ng Pagkalulong sa Ipinagbabawal na Gamot

Patuloy ang nakakaalarmang pagtaas ng mga kaso ng drug abuse sa buong mundo. Kung titingnan ang datos na nakalap ng United Nations Office of Drug and Crime (UNODC), tinatalang nasa 2.3 percent ng global population ang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ayon naman sa 2015 annual report mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 92 percent ng mga barangay sa National Capital Region (NCR) ang drug-affected.

Maraming tao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang apektado ng illegal drugs. Pati ang mga taong hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot pero may kaibigan o kamag-anak na drug user ay tiyak na mararanasan ang social at psychological strain na kaakibat ng addiction. Marami nang mga pamilya ang nasira ng dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Mahirap makawala mula sa kahon ng pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot dahil na rin sa mga kakulangan ng ating national at local drug use rehabilitation programs. Kalimitan pa ay umaasa lang sa mga community-based drug intervention program ang mga drug users na gustong mag bagong buhay dahil wala silang kakayahang ipasok ang kanilang sarili sa mga wastong rehabilitation facilities. Mahalagang alam natin ang mga symptoms of drugs abuse upang matulungan ang mga kaibigan o mahal sa buhay na lulong sa droga.

 

Mga senyales ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot

Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit gumagamit ng ilegal na droga, katulad ng paggamit para sa recreational purposes. Habang lalong tumatagal ang paggamit ng droga, nagsisimulang mag-develop ng patterns of increases use, tolerance, at physical dependence sa ipinagbabawal na gamot. Ang taong lulong sa ilegal na droga ay kadalasang nagpapakita ng mga sintomas ng substance abuse tulad ng pagbabago sa 1.) pisikal na anyo, at 2.) sa ugali.

  1. Mga pisikal na senyales ng drug abuse

Kadalasan ang pinaka kapansin-pansing senyales ng pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot ay mga pagbabago sa pisikal na anyo ng isang drug user. Ang pagbabagong ito ay direct or indirect effects ng paggamit ng droga katulad ng pagkasira ng ngipin, biglaang pagbaba ng timbang, o namumulang mga mata. Lalong nagiging kapansin-pansin ang mga pagbabagong ito sa mga long-time substance abusers na tumaas na ang tolerance sa isa o higit pang droga.

Ang mga pagbabago sa pisikal na anyo ay early clues ng possible drug use tulad ng:

  • Bloodshot o namumulang mga mata – Ang pamumula ng mga mata ay kadalasang sintomas ng paggamit ng marijuana o kawalan ng tulog na siya namang epekto ng paggamit ng methamphetamine o shabu.
  • Constricted pupils – Sa mga madalas gumamit ng mga ipinagbabawal na droga na kung tawagin ay “uppers,” kapansin-pansin na nanliliit ang kanilang pupils.
  • Biglaang pagbabago sa timbang – Dahil sa epekto ng ilang mga ipinagbabawal na gamot, kadalasan ay nawawala ng gana kumain na siya namang dahilan ng biglaang pagbabago sa timbang.
  • Dental issues – Makikitaan ng pagkasira ng ngipin ang mga substance abusers na madalas gumamit ng smoking pipes at ibang paraphernalia.
  • Skin changes – Dahil sa mga ipinagbabawal na gamot na kung tawagin ay intravenous drugs, mapapansin na may mga pasa o sugat ang balat ng isang taong nag i-inject ng droga.
  1. Mga behavioral signs o pagbabago sa ugali

Ang paggamit ng dangerous drugs ay tiyak na magdudulot ng pagbabago sa ugali ng isang substance abuser. Karamihan sa mga ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng malubhang pagbabago sa utak at abilidad magisip ng isang tao. Kung makakapansin ng ilang pagbabago sa ugali na marahil ay mapanganib na sa sarili o sa kapwa, mainam na humingi na ng tulong mula sa mga eksperto.

Ang mga pagbabago sa ugali na may kinalaman sa severe substance abuse ay:

  • Mabilis uminit ang ulo – Dahil sa epekto ng ipinagbabawal na gamot, maraming substance abusers ang iritable at kadalasan ay agresibo.
  • Katamaran – Kung matindi na ang dependence sa ipinagbabawal na gamot, kadalasan ang isang substance abuser ay nakikitaan ng lethargy o katamaran.
  • Depression – Madaling kapitan ng sakit na depresyon ang mga taong mataas na ang dependence sa ipinagbabawal na gamot.
  • Kulang sa tulog – Kadalasang hirap matulog ang isang substance abuser dahil na rin sa side effects ng ipinagbabawal na gamot.
  • Pagkasangkot sa mga ilegal na gawain – Marahil ang mapanganib na behavioral change ay ang pagkasangkot sa mga ilegal na gawain ng isang substance abuser na kadalasang ginagawa upang masuportahan ang kanyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/guy-sitting-alone-corner-room-sadness-675823993

Huwag balewalain ang mga physical at behavioral signs na makakapagsabi kung ang isang tao ay gumagamit ng illegal drugs. Mainam na habang maaga pa lamang ay mapansin na ang senyales na ito upang makagawa ng mga hakbang para matulungan ang isang substance abuser bago pa man malagay sa panganib ang buhay niya o ng kaniyang kapwa. Hindi biro ang masangkot sa illegal drug trade at mabigat ang mga parusang maaaring kaharapin ng isang substance abuser sang-ayon sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod sa mga physical, social, at mental effects ng droga sa isang tao, maaari ring humantong sa drug overdose ang pagkalulong sa droga. Huwag hayaang mapahamak ang iyong mahal sa buhay o kaibigan ng dahil sa ipinagbabawal na gamot. Kung maaari, subukan din mag volunteer sa mga community-based drug intervention programs upang ma-educate ang mga miyembro ng iyong komunidad ukol sa mga masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

 

Source:

https://drugabuse.com/symptoms-signs-drug-abuse-effects/



What do you think of this article?