Mayroong kasabihan na ang Diyos lang ang nakakaalam ng hinaharap, kung kaya’t importante ang maging maingat. Ngayong panahon ng tag-ulan, may iba’t ibang mga kalamidad na maaaring mangyari. Ang kalamidad ay itinuturing isang pangyayari na nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan at sa mga tao. Dahil dito, gumawa kami ng listahan ng mga iba’t ibang klase ng kalamidad at paraan para maging handa dito.
Iba’t Ibang Klase ng Kalamidad
- Bagyo
Ang bagyo ay isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Ang bagyo ay mayroong dalang malakas na hangin at ulan na maaaring magdulot ng blackout o pagkawala ng kuryente, baha at landslide.
- Baha
Ang baha ay isang epekto na dulot ng labis na pag-ulan. Sa labis ng pag-ulan, naiipon ang tubig sa kalsada. Ang mga taong apektado ng baha ay hindi maaaring lumabas ng bahay, madaling kapitan ng mga sakit kagaya ng Leptospirosis at prone sa pagkapinsala ng bahay at kagamitan.
- Sunog
Ang sunog ay kadalasan dulot ng mga electric wires o mga kandilang naiwan na nakasindi. Tuwing bagyo, maaaring magkaroon ng blackout. Dahil dito, may ilang mga tahanan na gumagamit ng kandila o lampara. Kung hindi ito nabantayan, maaari itong masagi at magdulot ng sunog.
- Lindol
Ang lindol ay isang kalamidad na dulot ng pagyanig ng lupa. Depende sa lakas ng lindol, maaari itong makapinsala ng mga bahay at iba pang estraktura.
- Landslide
Ang landslide ay ang pagguho ng lupa na dulot ng labis na pag-ulan sa mga mataas na lugar, pagputok ng bulkan o lindol.
- Pagputok ng bulkan
Ang pagputok ng bulkan ay hindi madalas mangyari, subalit nakakasama ito dahil sa ash o abo na nanggagaling sa bulkan bago ito pumutok at nakakapinsala ang lava na binubuga nito.
Tips para sa disaster preparedness
Source: https://pixabay.com/en/luggage-packed-travel-trip-1081872/
- Makinig sa balita para alam ng pamilya ang kondisyon ng kalamidad.
- Makinig sa radyo
- Manood ng balita sa TV
- I-check ang news online
- Mag-stock ng mga kailangan para handa kung ma-stranded.
- Mag-prepare ng relief goods
- Mag-tabi ng gamot at vitamins
- Bumili ng first-aid kit
- Siguraduhin na puno ang powerbank
- Maghanda ng face mask, raincoat, boots at emergency lights
- Maging handa para sa evacuation kung sakali na kinakailangan.
- Magtabi ng mga malinis na damit
- Magtabi ng toiletries
- Magbaon ng pagkain at tubig
- Sabay sabay mag-evacuate
- Maging kalmado
Dahil hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari kinabukasan o sa makalawa, importante na nakikiramdam tayo sa mga nangyayari sa ating kapaligiran at handa tayo sa kung ano man ang mangyari. Ang mga nabanggit sa article na ito ay ilan lamang sa mga maaaring pwedeng gawin upang maging handa sa pagkakataon ng isang kalamidad o sakuna. Subalit ang pinaka-importante ay ang manatiling kalmado sa pagkakataon ng kalamidad para maging ligtas ang pamilya.
Source: